Tagalog - Tagalog
Batas sa Pambansang Ugnayan sa Paggawa (National Labor Relations Act)
Noong 1935, ang Kongreso ay ipinasa ang National Labor Relations Act (“NLRA”), na naglilinaw na patakaran ng Estados Unidos na hikayatin ang kolektibong negosasyon sa pamamagitan ng pagprotekta sa kalayaan sa pagbubuo ng grupo ng mga manggagawa. Pinoprotektahan ng NLRA ang demokrasya sa lugar ng trabaho at pribadong sektor ang batayan karapatan para sa mas mahusay na kondisyon sa pagtatrabaho at pagtatalaga ng kinatawan nang walang takot sa paghihiganti.
Ang National Labor Relations Act ay pinoprotektahan ang mga empleyado mayroon mang union sa lugar ng trabaho o wala. Bumisita sa pahinang ito para malaman ang tungkol sa mga welga, magkasamang pagkilos, at paggamit ng social media sa ilalim ng NLRA, mga bayarin sa unyon, at marami pang iba.
Ang Lupon ay may sakop sa mga employer sa pribadong sector kung saan ang aktibidad nito sa komersyo sa pagitan ng mga estado ay higit sa pinakamababang lebel. Sa loob ilang taon, ito ay nagtatag ng mga pamantayam sa paggigiit ng awtoridad, na ipinaliliwanag sa ibaba.
- Pagprotekta sa Mga Karapatan ng Empleyado (Protecting Employee Rights)
- Mga Karapatan ng Empleyado (Employee Rights)
- Poster ng mga Karapatan ng Empleyado - Isang Pahina (Employee Rights Poster - One Page)
- Poster ng mga Karapatan ng Empleyado - Dalawang Pahina (Employee Rights Poster - Two Pages)
- Alamin ang Iyong mga Karapatan Card - Weingarten Rights (Know Your Rights Card - Weingarten Rights)
- Alamin ang Iyong mga Karapatan Card - Pagtalakay sa Iyong Bayad (Know Your Rights Card - Discussing Your Pay)
- Alamin ang Iyong mga Karapatan Card - Workplace Equity (Know Your Rights Card - Workplace Equity)
- Mga Karapatan at Obligasyon ng Unyon ng Employer (Employer/ Union Rights and Obligations)
- NLRA at ang Karapatang Magwelga (NLRA and the Right to Strike)
- Mga Karapatan ng Empleyado Sa Panahon ng Kampanya sa Pag oorganisa (Employee Rights During an Organizing Campaign)
- Mga Hakbang sa Pagbuo ng Unyon (Steps to Forming a Union)
- Webpage ng Karapatan ng mga Manggagawang Imigrante (Immigrant Workers Rights Webpage)
- Alamin ang Iyong mga Karapatan Card - Mga Karapatan ng Immigrant Worker (Know Your Rights Card - Immigrant Worker Rights)
- Karapatan ng mga Empleyadong Imigrante (Immigrant Employee Rights Fact Sheet)
Ang Pambansang Lupon para sa Ugnayang Paggawa ay isang nagsasariling pederal na ahensiya na binigyan ng kapangyarihan na ipagtanggol ang karapatan ng mga empleyado na mag-organisa at magdesisyon na magkaroon ng unyon bilang kinatawan sa negosasyon. Kumikilos din ang ahensiya na iwasan at solusyunan ang hindi patas na gawain sa paggawa na ginagawa ng mga employer sa pribadong sektor at unyon.
Kung nais mong magbuo o sumali ng unyon, o alising ang sertipikasyon ng isang unyon, maaari kang maghabla ng petisyon sa eleksyon. Mangyaring makipag-ugnayan sa isang opisiyal sa impormasyon sa pinakamalapit na Rehiyonal na Opisina para sa tulong.
Kung naniniwala ka na nilabag ang iyong karapatan ayon sa NLRA, maaaari kang maghabla ng kaso laban sa isang employer o organisasyon sa paggawa. Maaari mong makita ang mga form sa paghahabla dito. Mangyaring makipag-ugnayan sa isang opisiyal sa impormasyon sa pinakamalapit na Rehiyonal na Opisina para sa tulong.
Hinihikayat ng NLRB ang mga partido na lutasin ang mga kaso sa pamamagitan ng pakikipagkasundo sa halip na magsagawa ng pagdinig kung maaari. Sa katunayan, higit sa 90% ng mga matagumpay na kaso ng hindi patas na gawain sa paggawa ay nilutas ayon sa kasunduan sa isang punto ng proseso, sa pamamagitan ng kasunduan sa Lupon o pribadong kasunduan. Board Settlement Agreements
Kapag ang reklamo sa Hindi Patas na Gawain sa Paggawa na ipinataw ng mga rehiyonal na direktor ay hindi nagdulot sa isang kasunduan, karaniwan ito ay nagreresulta sa isang pagdinig sa harap ng isang Hukom sa Batas Administratibo ng NLRB. Tulad ng anumang pagdinig sa korte, ang dalawang partido ay maghahanda ng mga argumento at magpapakita ng ebidensiya, saksi, at mga eksperto.
Sa pagsusuri ng mga kaso, ang mga Circuit Court ay tinatasa ang mga katunayan at legal na batayan para sa utos ng Lupon at magdedesisyon, pagkatapos ng briefing o oral argument, kung magsasagawa ng isang pahayag na nag-uutos ng pagsunod sa Kautusan. Ang Korte ay maaari ring magbigay ng Kautusan ayon sa paniniwala na anginirereklamong partido ay nabigo na kontrahin o walang legal na batayan na kontrahin ang aksyon ng Lupon.
- FAQ sa pag file ng E (E-filing FAQ)
- Impormasyon sa Pagsisiyasat para sa mga Saksi ng Immigrant Worker (Investigation Information for Immigrant Worker Witnesses)
- GC 22-01 Pagtiyak ng mga Remedyo at Karapatan para sa mga Empleyado ng Immigrant (GC 22-01 Ensuring Remedies and Rights for Immigrant Employees)
- OM 22-09 Tinitiyak ang Ligtas at Dignidad na Pag-access ng mga Immigrant Workers sa NLRB Processes (OM 22-09 Ensuring Safe and Dignified Access for Immigrant Workers to NLRB Processes)
- OM 11-62 Mga Pamamaraan sa Pag-update sa Pag-address ng Immigration Status (OM 11-62 Updating Procedures in Addressing Immigration Status)
Ang Pambansang Lupon sa Ugnayan sa Paggawa (National Labor Relations Board o NLRB) ay isang malayang ahensiyang pederal na nilikha noong 1935 at binigyang kapangyarihan na ipagtanggol ang karapatan ng mga empleyado na mag-organisa, makipag-ugnayan sa isa’t isa para sa mas mahusay na kondisyon sa pagtatrabho, pumili kung nais magkaroon ng kinatawan sa kolektibong negosasyon sa kanilang employer, o sa pagtanggi na gawin ang mga karapatang ito. Kumikilos rin ang NLRB para maiwasan at lutasin ang mga hindi patas na gawain sa paggawa na ginagawa ng mga employer sa pribadong sektor at unyon, at magsagawa ng mga lihim na eleksyomn tungkol sa kintawan sa unyon. Ang NLRB ay isang ahensiya na may dalawang bahagi, ang isa ay pinamamahalaan ng isang Lupon na binubuo ng limang kasapi at sa kabilang banda ay isang Pangkalahatang Tagapayo. Ang mga Kasapi ng Lupon at Pangkalahatang Tagapayo ay itinatalaga ng President nang may pahintulot ng Senado. Ang responsibilidad at pagganap ng Ahensiya sa ilalim ng Batas sa Pambansang Ugnayan sa Paggawa, ayon sa amyenda, ay isinagawa ng Pambansang Lupon sa Ugnayan sa Paggawa, na siyang may malayang awtoridad sa ilalim ng batas, at mayroon ring awtoridad ayon sa itinatalaga ng Lupon.
Ang Lupon ay may limang Kasapi at kumikilos bilang quasi-judicial na insititusyon na nagdedesisiyon sa mga kaso ayon sa pormal na mga talaga sa mga pagdinig na administratibo. Ang mga Kasapi ng Lupon ay itinatalaga ng Presidente sa limang taon na termino, nang may pahintulot ng Senado, ang termino ng isang Kasapi ay nagtatapos bawat taon.
Ang mga Hukom sa Batas Administratibo ng NLRB ay nagtatala, nakikinig, naglulutas at nagdedesisyon ng mga hindi patas na gawain sa paggawa sa buong bansa, at may mga opisina sa Washington, New York, at San Francisco.
Ang Pangkalahatang Tagapayo, na itinatalga ng Presidente sa 4 taong termino, ay malaya mula sa lupon at responsible para sa imbestigasyon at paglilitis ng mga kaso sa hindi patas na gawain sa paggawa at pangkalahatang pamamahala ng mga sangay na opisina ng NLRB sa pagproseso ng mga kaso.
Alamin pa ang tungkol sa Opisina ng Inspector General
Ipinagmamalaki ng Pambansang Lupon sa Ugnayan sa Paggawa ang kasaysayan nito sa pagpapatupad ng Pambansang Batas sa Ugnayan sa Paggawa. Mula sa Great Depression at nagpatuloy hanggang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, paglago ng ekonomiya at mga hamon na naganap, ang NLRB ay nagtrabaho para siguraduhin ang karapatan ng mga empleyado sa kolektibong negosasyon kung kailangan naisip ito.
Istruktura ng Organisasyon ng NLRB
Introduksyon
Ang impormasyon na ito ay inihanda para tulungan ang mga negosyo na interesado sa pagbebenta ng kanilang mga produkto at serbisyo sa Pambansang Lupon sa Ugnayan sa Paggawa (NLRB). Ang impormasyon na ito ay tumutukoy sa proseso sa pagbili at patakaran na kadalasang isinasagawa sa pagbili na ginagawa ng NLRB. Ipinapaliwanag ng dokumentong ito sa pangkalahatan ang mga uri ng mga item na binibili, sino ang bumibili nito at saan ito binibili. Ang impormasyon ay ispesipikong nakatuon sa mga negosyong maliliit, naghihirap, pag-aari ng mga beteranong may kapansanan, at mga negosyong pag-aari ng mga kababaihan.