Pumunta sa nilalaman

Tokwa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kinugoshi tōfu
tokwa (malabot, tipikal)
Bilang ng nutrisyon sa bawat 100 g (3.5 oz)
Enerhiya291 kJ (70 kcal)
1.5 g
3.5 g
Saturated0.5 g
8 g
Mineral
Kalsiyo
(13%)
130 mg
Bakal
(8%)
1.10 mg
Sodyo
(0%)
4 mg
Ang mga bahagdan ay pagtataya
gamit ang US recommendations sa matanda.
Mula sa: USDA Nutrient Database

Ang tokwa[1] (Ingles: tofu, soy bean cake[2]) ay isang hilaw o piniritong pagkaing na gawa sa mula sa kinultang balatong – mga buto ng halamang ginagamit sa paggawa ng sawsawang toyo. Kapag dumaan sa paraan ng permentasyon o pagpapaasim ang tokwa, tinatawag itong tahure.[3] Tinatawag naman na taho, ang malambot na uri nito.[4] Mayroong banayad na lasa ang tokwa, kung kaya ginagamit ito sa mga lutuing malasa at matamis. Kadalasan itong tinitimplahan o minamarinada upang umangkop sa lutuin at mga lasa nito, at dahil parang espongha ito, sinisipsip din nito ang mga lasa.[5]

Sa nutrisyon, mababa ang kalorya ng tokwa, habang naglalaman ng medyo malaking halaga ng protina. Mataas din ito sa bakal at maari din na mayroong mataas na kalsyo o magnesyo depende sa mga sangkap na pangkulta (e.g. calcium chloride, calcium sulfate, magnesium sulfate) na ginawa sa pagmamanupaktura.

Nagmula ang pagkaing ito sa mga Tsino na ginagawa na nila simula pa noong 2,000 nang nakalipas.[4] Tradisyunal na sangkap ito sa mga lutuin sa Indonesia, Hapon, Korea, Vietnam, Singapore, Thailand,[6][7] at Pilipinas.[4] Sa makabagong Kanluraning pagluluto, kadalasang tinuturing ang tokwa bilang kapalit ng karne.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Lacquian, Eleanor at Irene Sobreviñas (1977). "Tokwa, tofu". Filipino Cooking Here & Abroad (Lutuing Pilipino Dito at sa Labas ng Bansa).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  2. Alexandra Petilla; Rafia Q. Shah; Jyothi Setti; Jose C. Magboo; Amaryllis Garupa Selk; Gita Bantwal; Suzanne Olipane; Madge Kho; Ruchira Handa; Chris Santos-Brosnihan; Jumuna B. Vittal; Roosebelt Balboa; Antoinette G. Angeles; Dr. S. Jayasankar; Sivagama Sundhari Sikamani; Socorro M. Bannister; Blanca G. Calanog; Carmencita Q. Fulgado; Rosario E. Gaddi; Salvador Portugal; Marivic L. Gaddi; Jerry P. Valmoja; Peter Nepomuceno; Carmelita Lavayna; Atonia A. Suller; JoAnn C. Gayomali; Florence T. Chua; Theresa Gatwood; Mama Sita; Century Park Hotel-Manila; The Peninsula Hotel-Manila; Holiday Inn-Manila (1998). Recipe Book of Filipino Cuisine. Pittsburg, Pennsylvania: Naresh Dewan.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  3. Lacquian, Eleanor at Irene Sobreviñas (1977). "Tahure". Filipino Cooking Here & Abroad (Lutuing Pilipino Dito at sa Labas ng Bansa).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  4. 4.0 4.1 4.2 "What is Tofu? What's the Best Way to Cook It?". devour.asia (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-04-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Advanced Tofu Techniques: Textures & Flavours – Blog". Cauldron Foods (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-01-11. Nakuha noong 2019-02-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "History of tofu" (sa wikang Ingles). Soya.be. 2015-11-29. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-08-21. Nakuha noong 2016-10-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Du Bois (2008), pp. 13–14.