Tabernakulo
Ang tabernakulo ay isang salitang nangangahulugang "pook na tirahan". Tumutukoy din ito sa isang natatanging kubol kung saan sinasamba ng mga Israelita ang Diyos, na nakaugalian ding tinatawag bilang Kubol ng Pagpupulong o Kubol ng Pagkikita, isang pook kung saan humaharap ang Diyos sa kanyang mga tao. Ginamit ng mga Israelita ang tabernakulo hanggang sa magtayo si David ng isang templo.[1][2] Isang sipi o kopya lamang ang tabernakulong itinatag sa mundo ng tunay na tabernakulong nasa kalangitan. Kaugnay ni Hesus, dahil sa kanyang sakripisyo, makakapasok na sa "makalangit na tabernakulo" ang lahat ng mga tagasunod ni Hesus, isang pook kung saan talagang makakaharap nila ang Diyos.[1] Kilala rin ito bilang Kubol ng Presensiya ng Panginoon. Nilalarawan ito sa kabanata 26 ng Aklat ng Eksodo sa Lumang Tipan ng Bibliya, kung saan sinasamba ng mga Israelita hanggang sa maitatag ni Haring David ang templo. Sa ibang pakahulugan, tumutukoy din ang tabernakulo sa mismong templo, sa taguan ng ostiya, at sa taguan ng isang estatwa o relikya. Sa larangan ng pagbabarko o nabigasyon, ito ang poste ng layag ng isang barko.[3] Sa salin sa Tagalog ng Bibliya ni Jose C. Abriol, tinawag ni Abriol ang tabernakulo bilang Ang Tirahan.[4] Kilala rin ito bilang Ang Tabernakulo ng Diyos[5] at Toldang Tipanan[6] Kubol na Tipanan.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 The Committee on Bible Translation (1984). "Tabernacle, Tent of Meeting". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary/Concordance, pahina B12. - ↑ American Bible Society (2009). "Tent of the Lord's Presence, Tabernacle, Tent of Meeting, Word List". The Letters of Saint Paul, Commemorative Edition, Celebrating the Pauline Year 28 June 2008 - 29 June 2009, Good News Translation. American Bible Society, Bagong York.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 135. - ↑ Gaboy, Luciano L. Tabernacle - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ Abriol, Jose C. (2000). "Ang Tirahan". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 124. - ↑ Ang Tabernakulo ng Diyos, sa Aklat ng Exodo (Exodo 26: 1-37), Ang Biblia, AngBiblia.net
- ↑ Ang Toldang Tipanan, sa Aklat ng Eksodo (Exodo 36: 8-38), Ang Biblia, AngBiblia.net
Mga panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Paglalarawan ng Tabernakulo ng Diyos sa Aklat ng Exodo, mula sa Ang Biblia, AngBiblia.net
- Paglalarawan ng Tabernakulo sa Aklat ng Exodus, mula sa Ang Dating Biblia (1905)