Pumunta sa nilalaman

Estasyon ng Fernando Poe Jr.

Mga koordinado: 14°39′26.98″N 121°1′16.36″E / 14.6574944°N 121.0212111°E / 14.6574944; 121.0212111
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Fernando Poe Jr.
Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila
Estasyong Fernando Poe Jr.
Pangkalahatang Impormasyon
Ibang pangalanFPJ
Lokasyon1039 EDSA pgt. Abenida Roosevelt at Abenida Kongresyonal, Brgy. Ramon Magsaysay, Bago Bantay, Lungsod Quezon 1105
Pagmamayari ni/ngKagawaran ng Transportasyon (DOTr)
Pangasiwaan ng Light Rail Transit (LRTA)
LinyaLRT Line 1
PlatapormaMga plataporma sa gilid
Riles2
KoneksiyonWaltermart North EDSA
Jackman Emporium
Konstruksiyon
Uri ng estrukturaOverpass
Akses ng may kapansananYes
Ibang impormasyon
KodigoRV
Kasaysayan
NagbukasOktubre 22, 2010 (unang pagbubukas)
Disyembre 5, 2022 (muling pagbubukas)
NagsaraSetyembre 5, 2020 (pansamantala)
Dating pangalanRoosevelt (2010–2023)
Serbisyo
Huling estasyon   Manila LRT   Susunod na estasyon
Hangganan Line 1
patungong Dr. Santos

Ang Estasyong Fernando Poe Jr. ng LRT (tinatawag ding Estasyong FPJ) ay ang hilagang dulo ng Unang Linya ng LRT, at naitayo noong Line 1 North Extension Project. Binuksan ito noong Marso 22, 2010 bilang estasyong Roosevelt. Isa ito sa dalawang estasyon ng LRT na naglilingkod sa Lungsod Quezon, ang isa pa ay Balintawak.

Matatagpuan ito sa Barangay Ramon Magsaysay (Bago Bantay), Lungsod Quezon at mga kalapit na pook nito na Project 7 at Project 8 (Bahay Toro, Sangandaan, Baesa). Nakaugnay ito sa Abenida Kongresyonal at Abenida Roosevelt. Ipinangalan ang estasyon sa Abenida Roosevelt, na ipinangalan naman kay Pangulong Franklin Delano Roosevelt.

Noong Setyembre 5, 2020, pansamantalang isinara ang estasyong Fernando Poe Jr. para magbigay daan sa konstruksyon ng Unified Grand Central Station at ang linyang magkokonekta sa estasyon mismo. Sa pansamantalang pagsasara na ito, ang istasyon ng Balintawak ay muling nagsilbing hilagang hangganan ng linya.[1] Orihinal na nakaiskedyul hanggang Disyembre 28, 2020, ang pansamantalang pagsasara ay pinalawig hanggang sa karagdagang abiso. Muling binuksan ito noong Disyembre 5, 2022, 2 taon matapos pansamantalang isinara ito.[2]

Noong Agosto 20, 2023, ang dating estasyong Roosevelt ay muling pinangalanan bilang estasyong Fernando Poe Jr. (FPJ), na halos 2 taon matapos muling pinangalanan ang isang abenida sa kalapit na istasyon.[3]

Mga kalapit na palatandaang pook

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nakakonekta ang estasyon sa Waltermart North EDSA Mall at Jackman Plaza Emporium Muñoz. Ang mga pinakamalapit na pook nito ay Pamilihan ng Muñoz, Iglesia Ni Cristo Bago Bantay, Gusali ng Congressional Arcade, S&R Congressional, AMA Computer University, at Quezon City General Hospital.


Pagkakaayos ng Estasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
L2
Mga plataporma
Gilid ng plataporma, nagbubukas ang mga pintuan sa kanan
Plataporma A Unang Linya ng LRT patungong North Avenue (hinaharap)
Plataporma B Unang Linya ng LRT patungong Dr. Santos
Gilid ng plataporma, nagbubukas ang mga pintuan sa kanan
L2 Lipumpon Mga faregate, bilihan ng tiket, sentro ng estasyon, mga tindahan, tulay papuntang Jackman Plaza Emporium
L1 Daanan Waltermart North EDSA, Jackman Plaza Emporioum Muñoz, Pamilihan ngMuñoz, Congressional Arcade, Iglesia Ni Cristo Bago Bantay

14°39′26.98″N 121°1′16.36″E / 14.6574944°N 121.0212111°E / 14.6574944; 121.0212111

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. https://www.philstar.com/nation/2020/09/06/2040360/lrt-1s-roosevelt-station-closed-until-december
  2. https://mb.com.ph/2022/12/05/lrt-1-roosevelt-station-re-opens-today/?
  3. https://www.rappler.com/nation/lrt1-roosevelt-new-name-fernando-poe-jr-station/