Pumunta sa nilalaman

Abenida Kongresyonal

Mga koordinado: 14°39′22″N 121°3′22″E / 14.65611°N 121.05611°E / 14.65611; 121.05611
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya



Abenida Kongresyonal
Congressional Avenue
Daang Palibot Blg. 5
Abenida Kongresyonal malapit sa EDSA.
Impormasyon sa ruta
Haba6.0 km (3.7 mi)
Bahagi ng
Pangunahing daanan
Dulo sa kanluran N1 / AH26 (EDSA)
 
Dulo sa silanganAbenida Luzon
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Abenida Kongresyonal (Ingles: Congressional Avenue) ay isang 12.4 kilometro (7.7 milyang) lansangan na matatagpuan sa Lungsod Quezon, Pilipinas, na sumasaklaw sa anim na mga linya. Isa ito sa mga daang sekundarya sa Kalakhang Maynila at itinakdang bahagi ng Daang Palibot Blg. 5 (C-5) ng sistemang daang arteryal ng Kamaynilaan at N129 ng sistema ng pambansang lansangan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan.

Nagsisimula ang Abenida Kongresyonal sa sangandaan nito sa EDSA bilang hilagang karugtong ng Abenida Roosevelt, at dadaan ito sa ilan sa mga Project Areas ng lungsod, sa Abenida Tandang Sora, at tatapos sa Abenida Luzon sa pook ng Matandang Balara (Old Balara).

Bilang isang lansangan ng Lungsod Quezon, ang Abenida Kongresyonal ay isa sa mga umuusbong na mga destinasyon pang-pagkain sa lungsod dahil sa kadahilanan na karamihan sa mga establisimiyentong pang-pagkain tulad ng mga foodpark ay nagtatayo ng mga tindahan lalo na sa bahaging karigtong ng abenida.

Paglalarawan ng ruta

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sumusunod ang Abenida Kongresyonal sa rutang pa-titik L mula EDSA hanggang Abenida Luzon. Ang pangunahing bahagi sa kanluran ng sangandaan nito sa Abenida Visayas ay kilala sa madaming mga sangandaan nito, kung saan ang mga pangunahing sangandaan ay pinapatupad ng mga ilaw-trapiko habang ang mga ibang sangandaan ay gumagamit ng walang ilaw-trapiko na bagtasan o mga improvised na u-turn slot. Ang bahaging karugtong (Karugtong ng Abenida Kongresyonal) sa silangan ng sangandaan nito sa Abenida Visayas ay kilala sa kalahating kontrol ng pagpasok, kung saan ang mga sangandaang nasa lupa ay pinalitan ng mga U-turn slot.

Karugtong sa Abenida Luzon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong unang bahagi ng dekada-2000, inilarawan ang abenida na magdudugtong sa Abenida Luzon upang mapunan ang pagkokompleto ng Daang Palibot Blg. 5 na kasama ang pagpapalawak ng mga Abenidang Katipunan at Luzon gayunfin ang pagtatayo ng C.P. Garcia-Luzon Flyover na naglalayong ilihis ang C-5 gayundin ang trapiko mula sa makitid na Abenida Tandang Sora pagpunta sa mga Project Area gayundin sa Abenida Mindanao patungo sa magiging NLEX Mindanao Avenue Link ng NLEX.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga ugnay panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

14°39′22″N 121°3′22″E / 14.65611°N 121.05611°E / 14.65611; 121.05611