Pumunta sa nilalaman

Bulebar Aurora

Mga koordinado: 14°37′11″N 121°2′45″E / 14.61972°N 121.04583°E / 14.61972; 121.04583
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya


Bulebar Aurora
Aurora Boulevard
Ruta ng Bulebar Aurora sa Kalakhang Maynila.
Bulebar Aurora sa Sentrong Araneta, Cubao, Lungsod Quezon.
Impormasyon sa ruta
Bahagi ng
  • R-6 R-6
  • N59 (mula Abenida Katipunan hanggang EDSA)
  • N180 (mula EDSA hanggang Abenida G. Araneta)
Pangunahing daanan
Dulo sa kanluran N130 (Abenida Gregorio Araneta) / N180 (Bulebar Magsaysay)
 
Dulo sa silangan N11 (Abenida Katipunan) / N59 (Lansangang Marcos)
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodSan Juan, Lungsod Quezon
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Bulebar Aurora (Ingles: Aurora Boulevard) ay isa sa mga pangunahing lansangan ng Lungsod Quezon at San Juan sa Kalakhang Maynila, Pilipinas. Isa itong lansangan na may apat hanggang sampung linya na dumadaan sa Sentrong Araneta pagbagtas nito sa EDSA. Sa ibabaw nito dumadaan ang Linya 2, maliban sa bahaging malapit sa Abenida Katipunan, kung saan dadaan ang linya sa ilalim ng bulebar paglapit sa Estasyon ng Katipunan.

Isang bahagi ng Daang Radyal Blg. 6 (R-6) ang Bulebar Aurora. Bahagi rin ito ng dalawang ruta ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas: N59 (mula Abenida Katipunan hanggang EDSA) at N180 (mula EDSA hanggang Abenida Gregorio Araneta).

Noong 1900, sinimulan ang pagtatayo ng bulebar sa bahaging EDSA - Abenida Katipunan, at tinawag itong Calle Quezón. Ang bahagi naman ng bulebar mula EDSA hanggang Kalye Balete at Abenida Gilmore ay tinawag na San Juan Road (o Highway 55). Noong 1910, pinahaba ang bulebar sa Infanta, Quezon (ang bahaging ito ay naging Lansangang Marikina–Infanta di-kalaunan). Noong dekada-1950, pinagpatuloy ang kanlurang dulo nito hanggang sa maabot nito ang Abenida Gregorio Araneta, at ang buong lansangan ay pinangalanang Manila Provincial Road. Ang bahagi naman ng bulebar mula Abenida Gregorio Araneta hanggang Bulebar Dewey (Bulebar Roxas ngayon), na pinangalanang Marikina–Ermita Avenue noong 1955, ay naging Bulebar Ayala (na minsan tinawag na Aurora Boulevard Extension), Kalye Legarda (Calle Alix noong panahon ng mga Kastila), at Bulebar Santa Mesa (na kalauna'y naging Bulebar Magsaysay). Noong 1963, binigyan ng bagong pangalan na Bulebar Aurora ang lansangan, na mula kay Aurora Quezon, ang asawa ni dating Pangulo Manuel L. Quezon.

Ang pinakaunang ice-cream parlor sa Pilipinas, ang Magnolia Ice Cream House[1], ay dating matatagpuan sa gilid ng Bulebar Aurora at Kalye Doña Hemady (okupado ngayon ng Robinsons Magnolia ang lugar na ito).[2]

Paglalarawan ng ruta

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bulebar Aurora sa Lungsod ng San Juan.

Nahahati ang Bulebar Aurora sa dalawang ruta, ang Abenida Araneta papuntang EDSA (N180 sa sistemang lansangambayan ng Pilipinas) at EDSA papuntang Abenida Katipunan/C-5 (N59). Karamihan ng daan ay isang pang-apatan na dalawahang daanan (dual carriageway), kasama ang nakaangat na Linya 2 na kadalasang nagsisilbi bilang panggitnang harangan ng bulebar, maliban sa bahaging malapit sa Abenida Katipunan, kung saan dumadaan ito sa ilalim ng lupa (kasama ang Estasyong Katipunan).

Nagsisimula ang Bulebar Aurora bilang isang pisikal na karugtong ng Bulebar Magsaysay paglampas ng Abenida Gregorio Araneta malapit sa hangganan ng mga lungsod ng Maynila at Lungsod Quezon. Papasok naman ito sa San Juan at dadaan malapit sa mga hangganan nito. Kalaunan, papasok ito sa New Manila, Lungsod Quezon, malapit sa Broadway Centrum, ang kinalalagyan ng mga istudyong pantelebisyon ng Eat Bulaga!, isang tanyag na palabas ng GMA-7. Babagtas naman nito ang Abenida Gilmore, Kalye Balete, at Abenida Eulogio Rodriguez Sr. bago makarating sa EDSA.

Paglampas ng EDSA, dadaan ito sa paligid ng Sentrong Araneta sa Cubao. Tutuloy ito pasilangan pagdaan nito sa mga barangay ng Silangan, Quirino 3-A at Duyan-duyan. Nagtatapos ito sa sangandaan nito sa Abenida Katipunan malapit sa hangganan ng Lungsod Quezon at Marikina. Tutuloy ang Bulebar Aurora patungong lalawigan ng Rizal sa silangan bilang Lansangang Marikina–Infanta (o Lansangang Marcos).

Pampublikong transportasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pinagsisilbihan ang Bulebar Aurora ng mga dyipni na karamihan ay dumadaan sa mga ruta mula Maynila papuntang Cubao. Dumadaan sa ibabaw (at sa ibaba malapit sa Abenida Katipunan) ang Linya 2 na may pitong estasyon sa bulebar: J. Ruiz, Gilmore, Betty Go-Belmonte, Araneta Center-Cubao, Anonas at Katipunan.

Mga sangandaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Sangandaan ng Bulebar Aurora at Kalye Balete, pasilangang tanaw


LalawiganLungsod/Bayankm[3]miMga paroroonanMga nota
Lungsod Quezon N130 (Abenida Gregorio Araneta)Sangandaang ilaw-trapiko. Nagpapatuloy sa kanluran papuntang Santa Mesa bilang Bulebar Magsaysay
Hangganang Lungsod QuezonSan JuanTulay ng Lambingan sa ibabaw ng Ilog San Juan
San JuanKalye H. LozadaSangandaang ilaw-trapiko.
Kalye Juan RuizSangandaang walang ilaw-trapiko.
Kalye F. SantosPasilangan lamang
Hangganan ng San JuanLungsod QuezonTulay ng Ermitaño sa ibabaw ng Sapang Ermitaño
Lungsod QuezonAbenida Broadway / Kalye ValenciaSangandaang ilaw-trapiko. Nagbibigay-daan papuntang Broadway Centrum.
N184 (Abenida Gilmore)Sangandaang ilaw-trapiko. Nagbibigay-daan papuntang Greenhills Shopping Center at St. Paul University.
Kalye Doña HemadySangandaang ilaw-trapiko.
Robinsons Magnolia Access RoadPasilangan lamang. Nagbibigay-daan papuntang Robinsons Magnolia.
Kalye BaleteSangandaang ilaw-trapiko.
Kalye SeattleSangandaang ilaw-trapiko.
Kalye Betty Go-BelmonteSangandaang walang ilaw-trapiko.
Kalye Nicanor DomingoPasilangan lamang. Sangandaang walang ilaw-trapiko.
Kanlurang dulo ng Palitan ng Abenida Eulogio Rodriguez Sr.
Abenida Eulogio Rodriguez Sr.Walang daan papasok kapag mula sa daang pasilangan.
Silangang dulo ng Palitan ng Abenida Eulogio Rodriguez Sr.
N1 (EDSA)Sangandaang ilaw-trapiko.
Daang Heneral SantosPasilangan lamang. Nagbibigay-daan papuntang Lundayang Araneta.
Kalye Heneral Araneta / Kalye AnnapolisSangandaang walang ilaw-trapiko. Nagbibigay-daan papuntang Lundayang Araneta.
Abenida Heneral Aguinaldo / Kalye ImperialSangandaang ilaw-trapiko. Nagbibigay-daan papuntang Lundayang Araneta.
Kalye Times Square / Kalye CambridgeSangandaang ilaw-trapiko.
Kalye OxfordPakanluran lamang.
Abenida Heneral Romulo / Kalye YaleSangandaang ilaw-trapiko. Papuntang Lundayang Araneta ang Abenida Heneral Romulo.
Kalye StanfordPasilangan at pakanlurang daan lamang. Nagbibigay-daan mula sa mga salungat na direksiyon sa pamamagitan ng mga U-turn slot.
Abenida ika-15Sangandaang ilaw-trapiko.
Abenida ika-20Pasilangan lamang. Sangandaang ilaw-trapiko.
Kalye Ermin GarciaPakanluran lamang.
Kalye AnonasPakanluran lamang. Sangandaang ilaw-trapiko.
Kalye F. CastilloPasilangan lamang. Sangandaang ilaw-trapiko.
Kalye Supa / Kalye J.P. RizalSangandaang ilaw-trapiko. Walang mga ilaw-trapiko papunta at mula Kalye Supa.
Kalye EmeraldPasilangan lamang. Nagbibigay-daan papasok ng Villa Aurora.
N11 (Abenida Katipunan / Daang C-5)Sangandaang ilaw-trapiko. Nagpapatuloy pasilangan sa Antipolo bilang Lansangang Marikina–Infanta
1.000 mi = 1.609 km; 1.000 km = 0.621 mi
  •       Hindi kumpletong access

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "The Magnolia Heritage". Official website, Magnolia Ice Cream. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-06-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Official website - Robinsons Magnolia". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-09-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "North Manila". 2016 DPWH data. Department of Public Works and Highways. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 13, 2017. Nakuha noong Agosto 13, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

14°37′11″N 121°2′45″E / 14.61972°N 121.04583°E / 14.61972; 121.04583