Pumunta sa nilalaman

Todoroki Shoto

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Shoto Todoroki (Todoroki Shōto), kilala rin sa simpleng pangalan na Shoto (Shōto), ay isang superhero at isa sa mga pangunahing bida sa manga series na My Hero Academia, na nilikha ni Kōhei Horikoshi. Siya lamang ang anak na nagmana ng parehong quirk ng kaniyang mga magulang na sina Endeavor at Rei kaya naman lagi siyang nahihiwalay sa kaniyang mga kapatid. Nang masaksihan niya ang pang-aabuso ni Endeavor sa kaniyang ina, kinamuhian niya si Endeavor at hindi niya na muling ginamit ang kaniyang apoy na kapangyarihan, ngunit sinimulan niya nang gamitin ito matapos ang kanilang labanan ni Izuku Midoriya.

Ang quirk ni Shoto ay ang Half-Cold Half-Hot na nagpapahintulot sa kaniya upang makagawa ng apoy sa kanang bahagi ng kaniyang katawan at makagawa naman ng yelo sa kaliwang bahagi. Ngunit may mga balakid sa sobrang paggamit nito.

Si Shoto ay ang pang-apat na estudyante sa klase ng 1-A na nilikha ni Horikoshi, kasunod nila Izuku Midoriya, Katsuki Bakugo, at Ochaco Uraraka. Sa simula, layunin ni Horikoshi na paunlarin ang pagkatao ni Shoto sa UA Sports Festival, ngunit kalaunan ay pinalawak niya ito upang mabigyan din ng pagkakataon ang iba pang mga karakter.

Si Shoto ang pinakabata sa apat na anak nina Endeavor (Enji Todoroki) at Rei Todoroki.