Pumunta sa nilalaman

Titi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang titi (Ingles: penis) ay isang biyolohikal na bahagi ng mga lalaking hayop kabilang ang parehong mga bertebrado at inbertebrado. Ito ay isang reproduktibo at intromitentong organo na karagdagang nagsisilbi bilang daluyan ng ihi (urinal duct) sa mga mamalyang plasental o may inunan. Ang pagkakaiba ng titi ng ibang mga mamalya na kinabibilangan ng mga primadong gaya ng gorilya at tsimpansi sa titi ng tao ang pag-iral ng baculum na buto ng titi sa mga mamalya na hindi makikita sa mga tao. Ang bahaging ito ay pinaniniwalaang nag-evolve o umunlad sa simula ng ebolusyon ng mga mamalya ngunit nawala sa ebolusyon ng tao.[1]

Mga titi ng iba't ibang espesye ng mga hayop na hindi tao.

Binigyang kahulugan nina Morton G. Harmatz at Melinda A. Novak ang titi sa kanilang aklat na Human Sexuality bilang parang pendulo o palawit o lawit at parang gabilya o pamalo na organong panlalaki na ginagamit sa pakikipagtalik at sa pagtatanggal (eliminasyon) ng ihi at duming nasa ihi.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. http://www.livescience.com/13148-men-lost-penis-spines-human-evolution.html
  2. Harmatz, Morton G. at Melinda A. Novak. Glossary, Human Sexuality, Harper & Row Publishers, New York, 1983, pahina 565. Kahulugan: penis [PEE-nis] Pendulous, rodlike male organ used for copulation and the elimination of urinary waste.

Anatomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.