Pumunta sa nilalaman

Ang Pagtili

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sigawan)
Ang Pagtili
Noruwego: Skrik
Alagad ng siningEdvard Munch
Taon1893
TipoLangis, tempera at pastel sa ibabaw ng kardbord (karton)
KinaroroonanPambansang Galeriya, Oslo

Ang Ang Pagtili, na matatawag ding Ang Pagsigaw o Ang Paghiyaw (Ingles: The Scream; Noruwego: Skrik) ay ang pangalan o pamagat na ibinigay sa bawat isa sa apat na mga bersiyon ng isang komposisyon, na nilikha bilang kapwa mga ipinintang larawan (dibuho) at mga litograp ng artista ng sining at ekspresyonistang si Edvard Munch sa pagitan ng 1893 at 1910. Ang mga gawang ito ay nagpapakita ng isang tao na may matinding paghihirap at nasa likuran ay ang isang mapulang kalangitan. Ang tanawin sa likuran ay ang Oslofjord, na tinatanaw magmula sa Ekeberg, Oslo.

Lumikha si Edvard Munch ng apat na mga bersiyon ng Ang Pagtili na nasa sari-saring mga midya. Naghahawak ang Pambansang Galeriya ng Oslo ng isa sa dalawang mga bersiyong nakapinta (ang bersiyon noong 1893 ay matatanaw sa kanan). Ang Museo ng Munch ang nagtatangan ng isa pang ipinintang bersiyon (1910) at isang yari sa pastel. Ang ikaapat na bersiyon (pastel, 1895) ay naipagbili sa nasa rekord na halagang $119,922,500 sa isang hindi ibinunyag na pribadong mambibili noong ginanap ang isang subasta ng mga sining na Impresyonista at Moderno na isinagawa ng Sotheby's noong ika-2 ng Mayo, 2012.[1]

Ang Ang Pagtili ay naging puntirya ng ilang mga pagnanakaw ng likhang-sining. Noong 1994, ang bersiyon ng Pambansang Galeriya ng Oslo ay nanakaw. Nabawi ito pagkalipas ng ilang mga buwan. Noong 2004, kapwa ang Ang Pagtili at ang Madonna, kapwa gawa ni Edvard Munch, ay ninakaw mula sa Museo ng Munch, at nabawi pagkaraan ng dalawang mga taon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Vogel, Carol (2 Mayo 2012). "'The Scream' Is Auctioned for a Record $119.9 Million". The New York Times. Nakuha noong 3 Mayo 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Sining Ang lathalaing ito na tungkol sa Sining ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.