Reggie Bush
Kailangang isapanahon ang artikulong ito. |
Reggie Bush | |
---|---|
Si Reggie Bush sa 2004 national championship celebration ng USC. | |
Kapanganakan | 2 Marso 1985 |
Isinilang sa | San Diego, California |
Taas | 6 talampakan 0 in (1.83 m) |
Timbang | 203 lb (92 kg) |
(Mga) Posisyon | RB, KR, PR |
Kolehiyo | Southern California |
''NFL Draft'' | 2006 / Round 1 / Pick 2 |
Career Highlights | |
Mga gantimpala | 2005 Heisman Trophy 2005 Walter Camp Award 2005 Doak Walker Award |
Mga parangal | NFL Rookie of the Month (Disyembre 2006) |
Estadistika | |
Estadistika | |
(Mga) Koponan | |
2006-present | New Orleans Saints |
Si Reginald Alfred “Reggie” Bush II (ipinanganak Marso 2, 1985 sa San Diego, California), may palayaw na “The President,” na may patama sa presidente ng Amerikang si George W. Bush, ay isang manlalaro ng American football na naglalaro sa koponang New Orleans Saints at dati sa koponang University of Southern California (USC) Trojans. Naglaro siya sa posisyong Running Back/Tailback, Wide Receiver, Kick Returner, Punt Returner. Noong Disyembre 8, 2005, pinarangalan si Bush ng Walter Camp Award at ng Doak Walker Award. Noong Disyembre 10, napanalunan ni Bush ang Heisman Trophy. Tinalo niya sina Vince Young at datihang awardee ng Heisman at kakoponan ni Bush na si Matt Leinart. Tinanghal din siyang 2005 AP Sportsman of the Year.
Noong Enero 12, 2006, isinantabi ni Bush ang kanyang ikatlong taong paglalaro sa USC upang sumali sa NFL draft. Hula ng mga manunuri ng draft na siya ang unang mapipili sa NFL Draft, para sa Houston Texans. Subalit bago pa man nagsimula ang drafting, kinuha na ng Texas si Mario Williams, isang defensive end mula sa North Carolina State. Pinili ng New Orleans Saints si Bush gamit ang kanilang #2 pick sa draft.[1]
Noong Abril 23, 2006, isang ulat ang naglabas ng mga katanungan ukol sa pagtanggap diumano ng pamilya ni Reggie Bush ng mga regalo – isang malinaw na paglabag sa alituntunin ng NCAA. Humiling ang USC ng imbestigasyon ukol sa pangyayari.
Noong Enero 3, 2007, nanalo ng ikalimang pwesto si Reggie Bush sa Associated Press NFL Offensive Rookie of the Year.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Opisyal na Reggie Bush Website
- Reggie Bush Naka-arkibo 2021-04-11 sa Wayback Machine. Website ng mga Tagahanga
- Reggie Bush Pro Football 2007
- Reggie Bush sa IMDb
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.