Pumunta sa nilalaman

Surah Al-Falaq

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Quran 113)
Sura 113 ng Quran
ٱلفَلَق
Al-Falaq
KlasipikasyonMakkan
PosisyonJuzʼ 30
Blg. ng talata5
Blg. ng zalita23
Blg. ng titik71

Ang Sura al-Falaq (Arabiko: سورة الفلق‎, Sūratu l-Falaq, "Ang Pagbubukang-Liwayway") ang ika-113 kabanata ng Koran na may 5 ayat.

Mga bersikulong Arabiko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

بِسۡمِ اللّٰہِ الرَّحۡمٰنِ الرَّحِیۡمِ
قُلۡ أَعُوذُ بِرَبِّ ٱلۡفَلَقِ
مِن شَرِّ مَا خَلَقَ
وَمِن شَرِّ غَاسِقٍ إِذَا وَقَبَ
وَمِن شَرِّ ٱلنَّفَّـٰثَـٰتِ فِى ٱلۡعُقَدِ
وَمِن شَرِّ حَاسِدٍ إِذَا حَسَدَ

Sa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal

1. Sabihin mo, O Muhammad: “Nagpapakupkop ako at hinihingi ko ang kalinga ng Allâh na ‘Rabb’ na Tagapaglikha ng ‘Falaq,’ na ito ay pagbubukang-liwayway.

2. “Mula sa kasamaan ng lahat ng nilikha at sa mga kapinsalaan na maidudulot nito.

3. “At mula sa kasamaan ng matinding kadiliman kapag kumalat na ang gabi nito at sa anumang kasamaan at mga nakapipinsala na nangyayari rito

4. “Mula sa mga nagsasagawa ng karunungang itim na mga kababaihan na hinihipan nila ang kanilang mga ibinuhol na tali, na ito ay kanilang pinagbubuhul-buhol bilang pangkukulam.

5. “At mula sa kasamaan ng sinumang mainggitin kapag kinapopootan na niya ang mga tao dahil sa mga biyayang ipinagkaloob ng Allâh sa kanila, na kapag siya ay naiingit ay nais niyang mawala ito sa kanila.”