Pumunta sa nilalaman

Prinsipyong walang katiyakan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa mekaniks na kwantum, ang Prinsipyong Walang Katiyakan (Heisenberg uncertainty principle) ay nagsasaad ng pundamental na hangganan ng akurasiya(pagiging tiyak) kung saan ang mga ilang pares ng mga katangiang pisikal ng isang partikulo gaya ng posisyon at momentum ay hindi maaaring sabay na malaman. Sa ibang salita, kung mas tiyak na masusukat ang isang katangian, mas hindi tiyak namang matutukoy, malalaman o makokontrol ang isa pang katangian.

Eto ay inilimbag ni Werner Heisenberg noong 1927 at isang mahalagang pagkakatuklas sa simulang pagkakabuo ng teoriyang kwantum. Ipinapahiwatig nito na imposibleng sabay na masukat ang kasulukuyang posisyon habang tinutukoy din ang panghinaharap(future) na mosyon ng isang partikulo o anumang sistemang sapat na maliit upang mangailangan ng pagtratong kwantum mekanikal.[1] Sa intuisyon, ang prinsipyong ito ay maaaring maunawan sa pamamagitan ng pagturing ng isang tipikal na pagsukat ng posisyon ng isang partikulo na sumasangkot sa pagkalat ng liwanag o pagkaalis ng ibang mga partikulo sa isang target at nangangailangan ng probabilistikong pagpapalit ng enerhiya. Ang prinsipyo ng walang katiyakan' ay isang pundamental na katangian ng mga sistemang kwantum at hindi pangungusap sa kakayahang pagmasid ng kasalukuyang teknolohiya.[1] Ang ilang mga walang katiyakan sa gayong mga partikulo ay hindi maiiwasan. Gayunpaman, kahit papaano ay maaring matukoy ang aberahe(average) ng momentum at posisyon ng mga partikulo gamit ang mahinang pagsukat.

Ang prinsipyong ito ay spesipikong nagsasaad na ang produkto ng mga walang katiyakan sa posisyon at momentum ay palaging katumbas o mas malaki sa isa't kalahati ng ħ, na pinaliit na konstanteng Planck.

Sa matematikal na deskripsiyon, ang ugnayang walang katiyakan sa pagitan ng posisyon at momentum ay lumilitaw dahil ang mga ekspresiyon ng alongpunsiyon sa dalawang kaakibat na basis ay mga transpormang Fourier ng isa. Sa matematikal na pormulasyon ng mekaniks na kwantum, ang anumang hindi-komutatibo(o ang pag-aayos ng order ng mga operando ay hindi magbabago sa huling resulta) ay sakop din ng parehong mga walang katiyakang limitasyon.

  1. 1.0 1.1 http://www.youtube.com/watch?v=TcmGYe39XG0 Indian Institute of Technology Madras, Professor V. Balakrishnan, Lecture 1 - Introduction to Quantum Physics; Heisenberg's uncertainty principle, National Programme of Technology Enhanced Learning