Pumunta sa nilalaman

Palatangkasan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang palatangkasan (Ingles: set algebra, field of sets) ay nagpapaliwanag ng kaugnayan o relasyon ng pundamental na katangian at batas hinggil sa "Set" o "tangka", mga teorya kaugnay sa operasyon ng mga unyong o pagsasamang pantangkasan, ang pagsasalungat o pagsasalubong, at ang pagbubuo o pagpupunan ng palatangkasan. Kasama rin nito ang relasyong baynari o dalawahang relasyon ng tangka at mga "sub-set". Nagbibigay din ang palatangkasan ng sistematikong pamamaraan ng pagsukat o pag eebalwa (evaluate) ng ekspresyon, at pagreresolba, pagtatantya, paglilimi, pagkakalkula, pagwawari, at pagsusuri, maging ang pagpapapasya ng mga operasyon at relasyon ng mga ito.

Introduksiyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang palatangkasan ay patuloy na paglinang at pagsulong ng mga pundamental na katangian ng mga operasyon ng mga tangka. Ang mga katangiang ito ay nagbibigay "insight" patungo sa pundamental na kalikasan ng mga tangka. Ito rin ay nagtataglay ng pagkokosindera ng praktikalidad.

Kahalintulad ng mga ekspresyon at kalkulasyon sa ordinaryong bilnuran (o arithmetic), ang pagkakakalkula ng mga tangka ay komplikado. Nakatutulong ang palatangkasan upang mapabilis ito sa pamamagitan ng mga kaparaanan at mga prinsipyo.

Sa kaso ng bilnuran, ang mababang panandaan (algebra) ay nagsusulong sa pundamental na katangian ng binulrang operasyon (arithmetic operations) at mga relasyon nito.

Halimbawa, ang operasyon tulad ng pagsusuma o pagdadagdag at pagpaparami ay sumusunod sa pamilyar na batas tulad ng asosyatibidad o pagkakaugnayugnay (associativity), komutatibidad (commutativity), at distribyusidad, samantala ang "kulang o katumbas" na relasyon ay nagbibigay lugod sa mga batas tulad ng repleksibo, antisimetro, at transitibo. Ang mga batas na ito ay nagsisilbing gamit upang maituloy o mapadulas o mapabilis ang kompyutasyon ng mga operasyon at relasyon.

Matematika Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.