Pumunta sa nilalaman

Pablo ng Krus

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
San Pablo ng Krus

Si San Pablo ng Krus (Enero 3, 1694 - Oktubre 18, 1775), (Paolo Francesco Danei ang orihinal na pangalan; Saint Paul of the Cross sa Ingles; San Pablo de la Cruz sa Kastila), ay isang Italyanong pari na nagtatag ng Kongragasyon ng Pasyon ni Hesus (Congregation of the Passion of Jesus Christ), isang orden ng mga kaparian na nakatutok sa mahal na pasyon ni Hesus. Siya ay ipinanganak noong Enero 3, 1694 sa bayan ng Ovada sa Italya. Siya ay tinaguriang isa sa mga pinakamagigiting na Katolikong mistiko ng ika-10 siglo.

Pinayagan ni Papa Benedikto XIII si Pablo kasama ng kanyang kapatid na si Juan Bautista (John Baptist) na bumuo ng bagong orden ng mga paring Katoliko. Sa parehong okasyon naman ay inordenahan din sila bilang pari at ang mga unang paring Pasyonista.

Sa pagkamatay niya noong Oktubre 18, 1775 sa Retreat ng San Juan at Paolo sa Roma, ang kanyang congregasyon ay may mahigit na sa isangdaan at walongpung miyembro.

Si San Pablo ng Krus ay ibineatipika noong Oktubre 1, 1852 at nakanonisa bilang santo noong Hunyo 29, 1867. Ang kanyang araw ng pista ay nasa ika-19 ng Oktubre.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.