Negasyon
Sa lohika, ang negasyon o pagnenegatibo, tinatawag ring komplementong lohikal,[a] ay ang operasyon na kinukuha ang proposisyong P sa isa pang proposisyong "hindi P." Isinusulat ito sa anyong , , o .[1] Sa lohikang na pagpapakahulugan, totoo ang isang lohika kung di-totoo ang P, at di-totoo naman ang isang lohika kung totoo ang P.[2] Dahil rito, itinuturing na isang pang-isahang konektibong lohikal ang negasyon. Magagamit ito sa pangkalahatan bilang isang operasyon sa mga nosyon, proposisyon, halaga ng katotohanan, o halagang semantiko. Sa lohikang klasiko, ang negasyon ay ang buning pangkatotohanan na ginagawang di-totoo ang totoo (at kabaligtaran). Sa lohikang kawatasan, ayon sa interpretasyong Brouwer–Heyting–Kolmogorov, ang negasyon ng proposisyong P ay ang proposisyon na may mga patunay na sumasalungat sa P.
Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ maaari ring lohikal na komplemento.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Comprehensive List of Logic Symbols" [Komprehensibong Listahan ng mga Simbolong Lohikal]. Math Vault (sa wikang Ingles). Abril 6, 2020. Nakuha noong Pebrero 21, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Weisstein, Eric W. "Negation" [Negasyon]. mathworld.wolfram.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong Pebrero 21, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.