Pumunta sa nilalaman

Miss Universe 1959

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Miss Universe 1959
Akiko Kojima
Petsa24 Hulyo 1959
PresentersByron Palmer
PinagdausanLong Beach Municipal Auditorium, Long Beach, California, Estados Unidos
BrodkasterCBS
Lumahok34
Placements15
Bagong sali
  • Bulibya
  • Burma
  • Luksemburgo
Hindi sumali
  • Alaska
  • Australya
  • Beneswela
  • British Guiana
  • Kanlurang Indies
  • Paragway
  • Singapura
  • Suriname
  • Tsile
Bumalik
  • Austrya
  • Lupangyelo
  • Taylandiya
  • Turkiya
NanaloAkiko Kojima
Hapon Hapon
CongenialitySodsai Vanijvadhana
Thailand Taylandiya
PhotogenicPamela Anne Searle
 Inglatera
← 1958
1960 →

Ang Miss Universe 1959 ay ang ikawalong edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Long Beach Municipal Auditorium sa Long Beach, California, Estados Unidos noong 24 Hulyo 1959.

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Luz Marina Zuluaga ng Kolombya si Akiko Kojima ng Hapon bilang Miss Universe 1959.[1] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Hapon sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Jorunn Kristjansen ng Noruwega, habang nagtapos bilang second runner-up si Terry Huntingdon ng Estados Unidos.[2][3]

Mga kandidata mula sa tatlumpu't-apat na mga bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Byron Palmer ang kompetisyon.

Long Beach Municipal Auditorium, ang lokasyon ng Miss Universe 1959

Pagpili ng mga kalahok

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga kalahok mula sa tatlumpu't-apat na mga bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Isang kandidata ang nailuklok ng mga pageant organizer upang kumatawan sa kanilang bansa/teritoryo.

Mga pagluklok

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Iniluklok si Sodsai Vanijvadhana, isang exchange student sa UCLA, ng mga pageant organizer kasama ang koordinasyon mula sa Royal Thai Consulate sa Los Angeles bilang kandidata ng Taylandiya sa Miss Universe.[4]

Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong sa kompetisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Unang sumali sa edisyong ito ang Bulibya, Burma, at Luksemburgo, at bumalik ang Austrya, Lupangyelo, Taylandiya, at Turkiya. Huling sumali noong 1954 ang Taylandiya, at noong 1957 ang Austrya, Lupangyelo, at Turkiya.

Hindi sumali ang mga bansang Alaska, Australya, Beneswela, British Guiana, Kanlurang Indies, Paragway, Singapura, Suriname, at Tsile sa edisyong ito matapos na mabigo ang kanilang mga organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.[5]

Dapat sanang kakalahok sa edisyong ito sina Arlenne Nesgitt ng Bagong Silandiya, Christine Matias ng Pilipinas, at Nawal Ramli ng United Arab Republic. Hindi sumali si Christine Matias ng Pilipinas dahil hindi hinihikayat ng Philippine Women's University, ang unibersidad kung saan nag-aaral si Matias, na magsuot ng damit-panglangoy ang mga estudyante nito sa publiko.[6][7] Si Aida Kadamani ang dapat sanang kandidata ng United Arab Republic sa kompetisyon. Subalit, umurong si Kadamani dahil tumanggi siyang magsuot ng damit-panglangoy sa harap ng mga huradong lalaki. Ang kaniyang kapalit na si Nawal Ramli, ay hindi rin sumali dahil nabigong sagutin ng mga pageant organizer ang mga tanong nito kung siya ay katanggap-tanggap bilang kapalit ni Kadamani.[8]

Inaasahan din ang pagsali ng Indonesya sa edisyong ito, ngunit hindi ito nakapadala ng kandidata dahil sa mga protesta laban sa paglunsad ng Miss Indonesia sa Jakarta.[9]

Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss Universe 1959 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagkakalagay Kandidata
Miss Universe 1959
1st runner-up
2nd runner-up
3rd runner-up
4th runner-up
Top 15

Mga espesyal na parangal

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Parangal Nagwagi
Miss Photogenic
Miss Congeniality
Most Popular Girl

Pormat ng kompetisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tulad noong 1955, labinlimang mga semi-finalist lang ang napili at ibinunyag sa paunang kompetisyon na binubuo ng swimsuit competition at evening gown competition. Ang labinlimang mga semi-finalist ay magbibigay ng isang maikling talumpati gamit ang kanilang sariling wika. Pagkatapos nito, lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang mga semi-finalist, at kalaunan ay napili ang limang pinalista.[12]

Komite sa pagpili

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Ghislaine R. de Amador[13]
  • Maxwell Arnow – Amerikanong direktor
  • Claude Berr – miyembro ng komite ng Miss Europe[13]
  • Vion Papamichalis – Film producer
  • Joseph Ruttemberg – Amerikanong photojournalist at cinematographer
  • Vincent Trotta – Artistic director ng Paramount Pictures[12]
  • Paul Wellmann – Amerikanong mamamahayag

Mga kandidata

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tatlumpu't-apat na kandidata ang lumahok para sa titulo.[14]

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
Arhentina Arhentina Liana Cortijo[15] 20 Buenos Aires
Austria Austrya Christine Spatzier 19 Viena
Belhika Belhika Hélène Savigny[16] 24 Bruselas
Brazil Brasil Vera Ribeiro[17] 19 Rio de Janeiro
Bolivia Bulibya Corina Taborga[18] 19 La Paz
Burma Than Than Aye[19] 19 Yangon
Denmark Dinamarka Lisa Stolberg[20] 18 Copenhague
Ecuador Ekwador Carlota Elena Ayala 19 Guayaquil
Estados Unidos Terry Huntingdon[21] 19 Mount Shasta
Gresya Zoitsa Kouroukli[22] 18 Atenas
Guatemala Guwatemala Rogelia Cruz[23] 18 Lungsod ng Guatemala
Hapon Hapon Akiko Kojima[24] 22 Tokyo
Hawaii Hawaii Patricia Visser[25] 21 Honolulu
Inglatera Inglatera Pamela Anne Searle 21 Surrey
Israel Israel Rina Issacov[26] 19 Tel-Abib
Italya Italya Maria Grazia Buccella[27] 18 Trento
Canada Kanada Eileen Butter[28] 25 Ancaster
Alemanya Kanlurang Alemanya Carmela Künzel[27] 19 Berlin
Colombia Kolombya Olga Pumarejo[29] 20 Barranquilla
Costa Rica Kosta Rika Zianne Monturiol[30] 20 Heredia
Kuba Kuba Irma Buesa Mas 19 Havana
Luxembourg Luksemburgo Josée Pundel[31] 19 Grevenmacher
Iceland Lupangyelo Sigríður Þorvaldsdóttir[32] 18 Reikiavik
Mexico Mehiko Mirna García Dávila 18 Lungsod ng Mehiko
Norway Noruwega Jorunn Kristjansen[20] 18 Moss
Netherlands Olanda Peggy Erwich[33] 21 Rotterdam
Peru Peru Guadalupe Mariátegui[34] 18 Callao
Poland Polonya Zuzanna Cembrzowska[35] 19 Varsovia
Pransiya Françoise Saint-Laurent 18 Neuilly-Plaisance
Suwesya Suwesya Marie Louise Ekström[27] 20 Sundsvall
Thailand Taylandiya Sodsai Vanijvadhana[36] 22 Bangkok
Timog Korea Timog Korea Oh Hyun-joo[37] 19 Seoul
Turkey Turkiya Ecel Olcay[16] 19 Istanbul
Uruguay Urugway Claudia Bernat 20 Montevideo
  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Japanese Girl Beauty Queen". The Sydney Morning Herald (sa wikang Ingles). 26 Hulyo 1959. Nakuha noong 24 Oktubre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Davidson, Garber (26 Hulyo 1959). "Japanese Beauty wins Miss Universe Title". Park City Daily News (sa wikang Ingles). p. 1. Nakuha noong 24 Oktubre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Japanese "Doll" is Miss Universe". Youngstown Vindicator (sa wikang Ingles). 25 Hulyo 1959. p. 1. Nakuha noong 6 Nobyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "Miss Friendship". Youngstown Vindicator (sa wikang Ingles). 24 Hulyo 1959. p. 3. Nakuha noong 6 Nobyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Miss Venezuela's Out of Miss Universe". Midland Daily News (sa wikang Ingles). 15 Mayo 2003. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Nobiyembre 2022. Nakuha noong 5 Nobyembre 2022. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  6. "Cristina Matias: Miss Philippines 1959". Philippine Star (sa wikang Ingles). 16 Setyembre 2017. Nakuha noong 5 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Four Countries Bar Beauty Contest". The Canberra Times (sa wikang Ingles). 19 Hunyo 1959. p. 21. Nakuha noong 12 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "UAR won't be represented at "Miss Universe" contest". The Racine Journal-Times Sunday Bulletin (sa wikang Ingles). 19 Hulyo 1959. p. 4. Nakuha noong 12 Oktubre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Beauty contests banned in modest Indonesia; obscene". News JournaL (sa wikang Ingles). 15 Hulyo 1959. pp. B-4. Nakuha noong 29 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Virginia Chronicle.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.00 10.01 10.02 10.03 10.04 10.05 10.06 10.07 10.08 10.09 10.10 10.11 10.12 10.13 10.14 "Akiko Kojima "Miss Universo"". El Tiempo (sa wikang Kastila). 25 Hulyo 1959. pp. 1, 8. Nakuha noong 6 Nobyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. 11.0 11.1 "Miss Universe choice nears; USA finals tonight". Youngstown Vindicator (sa wikang Ingles). 22 Hulyo 1959. p. 35. Nakuha noong 6 Nobyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 Thomas, Bob (24 Hulyo 1959). "How do losers feel in Universe tussle?". The Evening Independent. pp. 7B. Nakuha noong 15 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. 13.0 13.1 "Protest". The Press-Courier (sa wikang Ingles). 25 Hulyo 1959. p. 10. Nakuha noong 15 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Bevy of beauties gather for Miss Universe pageant". Battle Creek Enquirer (sa wikang Ingles). 18 Hulyo 1959. p. 1. Nakuha noong 12 Oktubre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Solo una Latinoamericana entre las probables vencedoras este ano". El Tiempo (sa wikang Kastila). 18 Hulyo 1959. p. 9. Nakuha noong 22 Nobyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. 16.0 16.1 "Miss Universe aspirants catch up on beauty sleep". The Royal Gazette (sa wikang Ingles). 17 Hulyo 1959. p. 5. Nakuha noong 18 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Bermuda National Library.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Miss D.F. e a nova Miss Brasil". Jornal do Brasil (sa wikang Portuges). 22 Hunyo 1959. p. 1. Nakuha noong 7 Marso 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Peredo Flores, Robin David (13 Nobyembre 2020). "Gala final: El Miss Bolivia entregará tres coronas mañana". El Deber (sa wikang Kastila). Nakuha noong 22 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  19. "မယ္စၾကာ၀ဠာၿပိဳင္ပြဲ၀င္ဖုိ႔ ျမန္မာအလွမယ္ ေမဘရဏီေသာ္ Las Vegas ေရာက္". Voice of America (sa wikang Birmano). 15 Disyembre 2015. Nakuha noong 5 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. 20.0 20.1 "Fegurðar drottningar 1959". Alþýðublaðið (sa wikang Islandes). 21 Hunyo 1959. pp. 6–7. Nakuha noong 22 Nobyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "Californian is Miss USA". Youngstown Vindicator (sa wikang Ingles). 23 Hulyo 1959. p. 6. Nakuha noong 6 Nobyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "Zoe Laskari, Actress and Former Miss Greece, Dead at 72". The National Herald (sa wikang Ingles). 18 Agosto 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Oktubre 2018. Nakuha noong 22 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "Rogelia Cruz, la reina insurgente" (sa wikang Kastila). Nakuha noong 2022-11-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. "Japanese girl beauty queen". The Sydney Morning Herald (sa wikang Ingles). 26 Hulyo 1959. p. 19. Nakuha noong 21 Nobyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "Miss Patricia Florence Visser". The Indianapolis Star (sa wikang Ingles). 31 Hulyo 1960. p. 62. Nakuha noong 23 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. "Miss Israel". The Australian Jewish News (sa wikang Ingles). 10 Hulyo 1959. p. 5. Nakuha noong 12 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. 27.0 27.1 27.2 "Bright spots on a rainy day". Monroe Morning World (sa wikang Ingles). 12 Hulyo 1959. p. 35. Nakuha noong 12 Oktubre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. "A reunion as smooth as Butter". The Hamilton Spectator (sa wikang Ingles). 23 Marso 2014. ISSN 1189-9417. Nakuha noong 23 Nobyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. Lo, Ricky (27 Enero 2015). "2nd Miss U for Colombia". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 5 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. "Hace 50 años, viernes 4 de setiembre de 1959". La Nación (sa wikang Kastila). 4 Setyembre 2009. Nakuha noong 22 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. "Dýrmætur flutningur loftleiða". Tíminn (sa wikang Islandes). 18 Hulyo 1959. p. 3. Nakuha noong 23 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Tímarit.is.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. "Sigríður Þorvaldsdóttir kjörin fegurðardrottning Islands 1958". Tíminn (sa wikang Islandes). 17 Hunyo 1958. p. 16. Nakuha noong 23 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Tímarit.is.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. "Miss Holland 1959". Het vaderland (sa wikang Olandes). 6 Mayo 1958. p. 4. Nakuha noong 28 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. "Miss Perú: las peruanas más bellas de las últimas décadas". El Comercio Perú (sa wikang Kastila). 12 Nobyembre 2017. Nakuha noong 11 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. Soliński, Janusz (15 Pebrero 1959). "Rozmawiamy z Zuzanną Cembrowską". Życie Bytomskie (sa wikang Polako). p. 1. Nakuha noong 23 Nobyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. "Beauty under hat". Independent (sa wikang Ingles). 19 Hulyo 1959. p. 3. Nakuha noong 27 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. "Aspirantes a "Miss Universo"". El Tiempo (sa wikang Kastila). 20 Hulyo 1959. p. 8. Nakuha noong 22 Nobyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]