Laniakea
Ang Laniakea ay isang superklaster ng mga galaksiya. Ang ating galaksiyang Daang Magatas ay nasa loob ng Laniakea. Mahigit nang 100 000 galaksiya ang nasa loob ng Laniakea. Ang kalawakang kalaparan ay mga 520 milyong sinag-taon.
Ang salitang Laniākea ay galing sa wika ng Hawaii na ang ibig sabihin ay langit na malawak. Ang lani ay langit. Ang ākea ay malawak. Ang pangalan ay suhestiyon ni Nawaʻa Napoleon, isang kasosyong propesor ng wikang Hawayano ng Kolehiyong Pangkomunidad ng Kapiolani.
Itong superklaster ng mga galaksiya ay natukoy at natagpuan noong 2014 ng isang pangkat ng mga siyentipikong kabilang sina Brent Tully sa Unibersidad ng Hawaii, Hélène Courtois ng Unibersidad ng Lyon, Yehuda Hoffman ng Hebreong Unibersidad ng Herusalem, at Daniel Pomarède ng CEA Université Paris-Saclay.[1]
Kinukumpara ang superklaster ng mga galaksiya sa tubig-saluran (Ingles: watershed). Ang ating galaksiyang Daang Magatas ay isang maliit na patak lamang sa Laniakea.
Ang Daang Magatas at maraming ibang galaksiya ay naaakit sa lugar na kung tawagin ay Dakilang Akit (Ingles: Great Attractor) na mga 160 milyong sinag-taon ang layo, lugar ng mga klaster ng mga galaksiya ng Centaurus, Norma, at Hydra.
May mga apat na parte ang Galaksiyang Superklaster ng Laniakea:
- Galaksiyang Superklaster ng Virgo, ang parteng umiiral ang ating galaksiyang Daang Magatas
- Galaksiyang Superklaster ng Hydra-Centaurus
- ang Dakilang Akit, Laniakeang sentral na grabitasyong lugar na malapit sa Galaksiyang Klaster ng Norma
- Bakod ng Antlia, kaalamang bilang Galaksiyang Superklaster ng Hydra
- Galaksiyang Superklaster ng Centaurus
- Galaksiyang Superklaster ng Pavo-Indus
- Galaksiyang Superklaster sa Timog, kabilang ang Galaksiyang Klaster ng Fornax (S373), ang Galaksiyang Klaster ng Dorado, at ang Galaksiyang Klaster ng Eridanus.[2]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Tully, Brent; et al. (2014). The Laniakea supercluster of galaxies. Nature. https://www.nature.com/articles/nature13674
- ↑ Mitra, Shyamal (1989). "A Study of the Southern Supercluster". The World of Galaxies, Pp 426-427. Springer, New York, NY.: 426–427. doi:10.1007/978-1-4613-9356-6_65. ISBN 978-1-4613-9358-0. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Hunyo 2018. Nakuha noong 23 Setyembre 2020.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)