Joker Arroyo
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Joker Arroyo | |
---|---|
Kapanganakan | 5 Enero 1927
|
Kamatayan | 5 Oktubre 2015[1]
|
Mamamayan | Pilipinas |
Nagtapos | Unibersidad ng Pilipinas Pamantasang Ateneo de Manila |
Trabaho | politiko, abogado |
Opisina | miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas () |
Si Joker Paz Arroyo (Enero 5, 1927 – Oktubre 5, 2015)[2] ay dating politikong Pilipino na unang nakilala sa pagiging abogado ng karapatang pantao noong panahon ng Batas Militar sa Pilipinas. Nang maibalik ang demokrasya sa Pilipinas, naglingkod si Arroyo bilang Kalihim Tagapagpaganap sa ilalim ni Corazon Aquino. Nahalal siya bilang kinatawan ng Makati mula 1992 hanggang 2001, bago naging senador ng Pilipinas noong 2001 hanggang 2013. Naging tagapag-usig (prosecutor) siya noong "impeachment trial" ng dating Pangulong Joseph Estrada nang taong 2000. Siya ay nagtapos ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas.
Kinilala sa larangan ng karapatang pantao si Arroyo at nagsimulang umukit ng karera sa politika ng Pilipinas noong dekada 1970. Bilang isa sa mga kritiko ng dating Pangulong Ferdinand Marcos, naging pangunahing tauhan si Arroyo sa mga pagkwestiyon sa konstitusyunalidad ng Batas Militar at sa mga hakbanging pampolitika ng Regimeng Marcos laban sa mga kritiko nito.
Nagsilbi si Arroyo bilang Punong Gabinete sa pamahalaan ni Corazon Aquino noong 1986-1992. Nahalal siya bilang Representante ng Lungsod ng Makati bago naging Senador.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ http://www.philstar.com/headlines/2015/10/07/1508042/lawyer-senator-joker-arroyo-88.
- ↑ Porcalla, Delon (Oktubre 7, 2015). "Lawyer, senator Joker Arroyo, 88". Nakuha noong Oktubre 7, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Politiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.