John Keats
John Keats | |
---|---|
Kapanganakan | 31 Oktubre 1795[1]
|
Kamatayan | 23 Pebrero 1821[1]
|
Mamamayan | United Kingdom of Great Britain and Ireland |
Nagtapos | King's College London |
Trabaho | makatà,[2] manggagamot,[3] manunulat |
Asawa | none |
Pirma | |
Si John Keats (31 Oktubre 1795 – 23 Pebrero 1821) ay isang makatang Ingles. Malimit siyang inihahanay bilang isa sa limang mga pinakamahahalagang mga makata ng kilusang Romantiko (Romantisismo)[4] sa panitikang Ingles; kasama sa iba pang apat sina William Wordsworth, Samuel Taylor Coleridge, Lord Byron, at Percy Bysshe Shelley. Bagaman si Keats ang pinakabata sa mga makatang ito, nauna siyang sumakabilang buhay bago ang mga ibang ito. Nagkaroon siya ng tuberkulosis at namatay sa Roma sa gulang na 26.[4]
Anak na lalaki si Keats ng isang tagapamahala ng upahang maliit na hotel o tabernang namatay noong siyam na taong gulang pa lamang; namatay naman ang kanyang ina sa tuberkulosis noong 1810. Nagsimula mag-aral ang bata pang si Keats ng siruhiya, ngunit mas lumago ang kanyang pagkagusto sa panitikan kaysa kanyang pagnanais ng panggagamot. Naging kaibigan at tagasunod siya ng makata at patnugot na si James Henry Leigh Hunt, at ginawa niya ang una niyang mga pagsubok sa pagsusulat ng sariling mga tula. May mga pangkasalukuyang mga manunuring pampanitikan ang nagsasabing isa siyang bulgaryano (taong bulgar o mapagyabang sa kanyang kayamanang talento), subalit may mga nagsasaad din na isang katapangan o may kalakasan ng kalooban ang kanyang pagtutuon sa pagkamakata.[4] Nagtagal lamang ang kanyang masiglang buhay sa pagsusulat ng mga anim na taon, mula sa tagsibol ng 1814 magpahanggang 1819.
Nangangahulugan ang pagkakaroon niya ng maikling buhay ng mas kakaunti ang naisulat niya kung ihahambing sa iba pang mga makata. Naging isang kabiguan ang kanyang unang kalipunan ng mga tulang Poems ("Mga Tula"), nalathala noong 1817, ngunit nagpatuloy pa rin siya sa pagsusulat.[4] Naglalahad ang kanyang pinakamahahabang mga tulang Endymion at Hyperion ng mga kuwento mula sa sinaunang mitolohiyang Griyego. Karamihan sa kanyang maiikling mga tula ang kabilang sa pinakakilala sa panitikang Ingles, kasama na ang "La Belle Dame Sans Merci" at ang kanyang mga sonata at mga oda.
Masigasig na manunulat ng liham si Keats sa loob ng kanyang buhay, katulad ng maraming mga tao noong kanyang kapanahunan. Daan-daan ng kanyang mga liham para sa mga kaibigan at mga kamag-anakan ang nananatili pa sa kasalukuyan, at kalimitang tinatagurian si Keats bilang isa sa pinakadakilang manunulat ng liham sa wikang Ingles.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 http://data.bnf.fr/ark:/12148/cb12174982p; hinango: 10 Oktubre 2015.
- ↑ http://www.nytimes.com/1998/03/01/magazine/hampstead-high.html.
- ↑ http://journals.lww.com/pidj/Fulltext/2001/05000/John_Keats_and_tuberculosis.14.aspx.
- ↑ 4.0 4.1 4.2 4.3 The Christophers (2004). "Where's the Poet?, Romantic poet John Keats...". Three Minutes a Day, Tomo 39. The Christophers, Lungsod ng Bagong York, ISBN 0939055384.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina para sa Oktubre 24.