Pumunta sa nilalaman

Ilong

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ilong ng tao.
Napapagalaw ng mga elepante ang kanilang mahahabang ilong.
Sensitibo sa mga amoy ang ilong ng mga aso.

Sa larangan ng anatomiya, ang ilong ay isang tubo o bukol sa katawan ng mga bertebrado na bumabahay sa butas ng ilong (Ingles: nostril o nares), na tumatanggap at naglalabas ng hangin para sa paghinga (respirasyon) habang katuwang ang bibig.

Sa karamihan ng mga tao, ibinabahay din nito ang mga buhok sa ilong, na humuhuli sa mga alikabok mula sa hangin at sinasala upang hindi makarating sa mga baga. Nasa loob at likod ng ilong ang mukosang olpaktoryo at ang mga sinus (saynus). Dumaraan sa likod ng puwang na pang-ilong (Ingles: nasal cavity) ang hangin sa pamamagitan ng pharynx, na kasalo ang sistemang panunaw, at matapos ay ang natitirang bahagi ng sistemang pang-respiratoryo. Sa mga tao, nakalagak ang ilong sa gitna ng mukha; sa ibang mga mamalya, nakalagay ito sa pang-itaas na dulo ng matulis at matangos na bibig (Ingles: snout).

Bilang tulay-ugnayan sa pagitan ng katawan at ng panlabas na mundo, ang ilong at ang mga mga kaugnay na istruktura ay madalas na nagsasagawa ng mga karagdagang tungkuling ukol sa paglilinis ng pumapasok na hangin (halimbawa, ang pagpapainit at pagbabasa o panunubig ng hangin) at pinaka ang tungkol sa muling panunubig mula sa hangin bago ito ilabas (katulad ng mabisang kakayahan ng mga kamelyo).

Ang nakabukol na bahagi ng mukha ang nakikitang bahagi ng ilong ng tao na bumabahay sa mga butas ng ilong. Nababatay sa butong ethmoid at ng nasal septum ang hugis ng ilong, mga bahaging naglalaman ng karamihang sa mga malalambot na buto o kartilahiyo at naghihiwalas sa mga butas ng ilong.

Mga kaalampay na panganib sa kalusugan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dahil sa isinadyang likas na pagkakaroon ng mga kailangan dugo sa ilong ng tao at mga nakapaligid na kasaklaw na bahagi, posibleng magkaroon ng mga impeksiyon mula sa ilong patungong utak. Sa kadahilanang ito, kilala sa mga manggagamok ang pook mula sa mga sulok ng bibig patungo sa tulay ng ilong, kasama ang ilong at ang maxilla bilang mapanganib na tatsulok ng mukha.

Mga hugis ng ilong ng tao

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Maraming mga hugis ang ilong ng tao. Maraming mga isinagawang pagsubok patungo sa pag-uuri at paglilipon ng mga hugis ng ilong.

Sa ibang mga hayop

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa karamihan ng mga mamalya, ang ilong ang pangunahing organong ginagamit pang-amoy. Habang sumisinghot ang hayop, dumadaloy ang hangin mula sa ilong at sa ibabaw ng mga istrukturang kung tawagin ay mga turbinate sa loob ng puwang na pang-ilong (Ingles: nasal cavity). Ang turbulensiya (malakas na galaw) na sanhi ng kaguluhan ang nagpapabagal sa hangin at gumagabay dito patungo sa epitelyong pang-olpaktoryo (olfactory epithelium). Sa ibabaw ng epitelyong olpaktoryo, ang mga pang-amoy na molekyul (mga odor molecule) na dala ng hangin ay dumadampi sa mga neuron ng pandamang olpaktoryo (olfactory receptor neuron) na nagsasabi ng mga katangian ng molekyul sa pamamagitan ng mga hindi-masakit na daloy ng kuryente sa loob ng utak.

Sa mga cetacean, nabawasan ang ilong hanggang sa maging mga butas na lamang, na naglakbay at dumayo sa ibabaw ng ulo, na nakapagdulot ng mas mabisang hugis ng katawan at ng kakayahang makahinga kahit na kadalasan ay nakapailalim sa tubig. Sa kabaligtaran, ang ilong naman ng elepante ay tuwirang naging mahaba, malaman at napapagalaw na organo (Ingles: prehensile trunk).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Iba pang mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Eden Warwick (pseudonym of George Jabet), Nasolohiya, o mga pahiwatig patungkol sa klasipikasyon ng mga Ilong, London, Richard Bentley, 1848
  • Encyclopedia Britannica Micropedia, 1982