Pumunta sa nilalaman

Hello, Love, Goodbye

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Hello, Love, Goodbye
Theatrical release poster
DirektorCathy Garcia-Molina
Prinodyus
  • Carlo L. Katigbak
  • Olivia M. Lamasan
Iskrip
  • Carmi G. Raymundo
  • Rona Co
  • Crystal S. San Miguel
  • Cathy Garcia-Molina
Itinatampok sina
MusikaJessie Q. Lasaten
SinematograpiyaNoel Teehankee
In-edit niMarya Ignacio
Produksiyon
ABS-CBN Film Productions
TagapamahagiStar Cinema
Inilabas noong
  • 31 Hulyo 2019 (2019-07-31)
Haba
117 minuto
BansaPilipinas
WikaFilipino
Kita₱880.6 milyon ($17.4 milyon) (buong mundo)

Ang Hello, Love, Goodbye ay isang pelikulang Pilipino na nasa uring romantikong drama na unang nailabas noong 2019 na prinodyus at ipinamahagi ng Star Cinema. Idinirekta ito ni Cathy Garcia-Molina at iprinodyus nina Carlo L. Katigbak at Olivia M. Lamasan. Pinagbibidahan ito nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, at kinatatampukan ng ilang tauhan kabilang sina Kakai Bautista, Lito Pimentel, Joross Gamboa, Maymay Entrata, Lovely Abella at Jameson Blake. Sinusundan ng pelikula ang isang overseas Filipino worker at isang bartender, habang sinusubukan nilang ipagkasundo ang kanilang mga personal na karera at pagmamahal sa isa't isa sa Hong Kong.

Sa kabuuang kita na ₱880 milyon, Hello, Love, Goodbye ang naging pelikulang Pilipino na may pinakamalaking kinita sa buong kasaysayan, hanggang dinaig ito ng Rewind noong Enero 2024.[1][2][3] Nanalo ito ng ilang mga parangal, kabilang dito ang mga parangal sa Box Office Entertainment at PMPC Star. Unang tinanghal ang pelikula noong Hulyo 31, 2019 sa Pilipinas, at unang pinalabas sa mga ibang bansa noong Agosto 1, 2019.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Rappler.com (Agosto 24, 2019). "'Hello, Love, Goodbye' makes over P800 million worldwide" ['Hello, Love, Goodbye', kumita ng higit sa P800 milyon sa buong mundo]. Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong Agosto 28, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Hallare, Katrina (Setyembre 3, 2019). "'Hello, Love, Goodbye' is highest-grossing PH film" ['Hello, Love, Goodbye', ang pelikulang PH na may pinakamalaking kinita]. entertainment.inquirer.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong Setyembre 4, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "'Hello, Love, Goodbye' Sets Record at Philippines Box Office" ['Hello, Love, Goodbye', Nagtala ng Rekord sa Takilya ng Pilipinas]. www.hollywoodreporter.com (sa wikang Ingles). Setyembre 10, 2019. Nakuha noong Setyembre 10, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)