E. Arsenio Manuel
Si Esperidión Arsenio Manuel (1909 - 2003), na kilala bilang E. Arsenio Manuel, ay isang akademiko, mananalaysay, at antropologo ng Pilipinas na kilala sa kanyang mga kontribusyon sa antropolohiya, kasaysayan, panitikan, at lingguwistika ng Pilipinas.[1] Sa loob ng tatlong dekada na akademikong karera sa Unibersidad ng Pilipinas, sumulat siya ng isang mahalagang survey ng mga epikong bayan ng Pilipinas, at responsable sa pagtuklas at paglalathala ng mga katutubong epiko mula sa mga mamamayang Manuvu, Matigsalug, at Ilianon.[1] Ilan sa mahalagang saliksik niya ang apat na bolyum na Dictionary of Philippine Biography (1955-1970), Tayabas Tagalog Fragments from Quezon Province (1958), A Survey of Philippine Folk Epics (1963), A Lexicographic Study of Tayabas Tagalog in Quezon Province (1971), Documenting Philippinesian: An Inquiry into the Ancestry of the Filipino People (1994). [2]
Minsan siya ay tinutukoy bilang "Dekano ng Filipino Antropolohiya" at "Ama ng Makabagong Pag-aaral ng Polklor sa Pilipinas." [1][3][4][5]
Mga pangunahing parangal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isa sa pinakamahalagang parangal na iginawad kay E. Arsenio Manuel ay ang Gawad Para sa Sining ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas noong 1989; at ang Dangal Alab ng Haraya Award ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining para sa isang panghabambuhay na tagumpay sa kultural na pananaliksik, noong 2000.[1]
Ginawaran rin si E. Arsenio Manuel ng Philippine Social Science Council bilang National Social Scientist ng Pilipinas noong 1991.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 "E. Arsenio Manuel, professor emeritus, 94". University of the Philippines Newsletter. Diliman, Quezon City: University of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 5, 2004. Nakuha noong Abril 5, 2004.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Manuel, E. Arsenio". CulturEd: Philippine Cultural Education Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-01-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Estremera, Stella A. (Marso 5, 2017). "Estremera: Who's in the shoes of E. Arsenio Manuel now?". SunStar (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 4, 2018. Nakuha noong Oktubre 11, 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Joseph, Reilly, Brandon (Enero 1, 2013). "Collecting the People: Textualizing Epics in Philippine History from the Sixteenth Century to the Twenty-First". EScholarship (sa wikang Ingles).
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Ocampo, Ambeth R. "Old-fashioned books" (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 11, 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)