Colt Brennan
Si Colt Brennan (16 Agosto 1983, sa Laguna Beach, California – 11 Mayo 2021) ay isang Amerikanong football quarterback para sa University of Hawaii sa Manoa. Sa kasalukuyan ay hawak niya ang rekord sa NCAA Division I-A para sa most touchdown passes sa isang season (58), at 18 iba pang rekord sa nasabing Division.
Karera sa Mataas na Paaralan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Brennan ay pumasok sa Mater Dei High School sa Santa Ana, California. Tinulungan niya ang Mater Dei upang makarating sa league basketball championships sa kanyang huling taon. Nagsilbi din siya bilang back-up quarterback kay Matt Leinart hanggang sa magtapos ang nasabing manlalaro.[1] Pumasok din siya sa postgraduate year niya sa Worcester Academy matapos magtapos sa Mater Dei, upang makalaro David Ball (na kasalukuyang wide reciever ng Chicago Bears), at Carl Elliot (pangunahing point guard ng George Washington University Basketball Team).
Karera sa Kolehiyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]University of Colorado
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong una ay pumasok si Brennan sa University of Colorado noong 2003 bilang isang walk-on, kung saan siya ay naging redshirt sa nasabing taon.
Noong 28 Enero 2004, pumasok si Brennan sa kwarto ng isang coed ng pamantasan ng walang pahintulot, at niyapos niya umano ang nasabing estudyante habang hindi siya disente.[2] Si Brennan ay lasing sa oras ng nasabing insidente, ay naaresto at sa kalaunan ay umamin sa asunto na burglary at tresspassing, subalit napawalang sala sa asuntong unlawful sexual contact dahil sa kakulangan ng ebidensiya.[1] Sa kalaunan ay natanggal si Brennan sa football team.
Saddleback Community College
[baguhin | baguhin ang wikitext]Lumipat si Brennan sa Saddleback Community College sa California noong 2004 at tinulungan ang varsity team ng nasabing kolehiyo na manalo ng conference championship. Napangalanan siya bilang honorable Mention All-America, state offensive player of the year, at first-team all-conference sa nasabing season. Nagawa niyang pabutihin ang kanyang Imahe at inalok siyang maging walk-on ng Hawaii head coach na si [June Jones]. Tinanggihan niya ang katulad na offer ng San Jose State University at pinaunlakan si Coach JOnes.[1]
University of Hawaii
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sumali si Brennan sa Hawaii Warriors football team noong 2005 at agad na naatasan bilang pangunahing quarterback. Naging starter siya sa 10 ng 12 laro, maliban sa mga laro laban sa USC Trojans at SDSU Aztecs. Siya ay tumabla o umalpas sa 11 offensive records sa University of Hawaii sa kanyang una at matagumpay na season kasama ng Warriors. Nanguna siya sa bansa sa total offensive yards (4,455) at touchdiwns thorwn (35). Ang kanyang 4,301 passing yards ay ikawalo sa kasaysayan ng Western Athletic COnference. Nagtala din siya ng career-high records sa passing yards (515), touchdowns (7), at pass completions (38) laban sa New Mexico State University. Mayroon din siyang siyam na 300+ yards performances, 4 na 400+ yard games, at 515-yard performance sa nasabing season.
Walang nagduda na si Brennan ang magiging pangunahing quarterback si Brennan sa pagsisimula ng 2006 NCAA DIvision I FBS season, at siya ay napanagalanan bilang dapat antabayanan sa ilang awards at WAC preseason offensive player of the year. Nangua siya sa bansa sa scoring at passing efficieny, at tinapos ang regular season ng may rating na 182.2, sa kanyang 72.15% pass completions, na pinakamataas sa Division I-A.
Sa regular season, nagtala siya ng 53 touchdown passes, na kinulang lamang ng isa upang pumantay sa itinatag na rekord (54)ni David Klinger noong 1990 para sa University of Houston. Noong ika024 ng Disyembre, 2006, sa Hawaii Bowl, nagtala siya ng limang touchdown passes upang talunin ang nasabing record.[3] TInapos ng warriors ang season ng may 11-3 recokrd, na pumapangalawa lamang sa Boise State Broncos sa WAC.
Nasa ika-anim na pwesto si Brennan para sa Heisman trophy, sa likod ng nanalo na si Troy Smith, Darren McFadden, Brady Quinn, Steve Slaton, at MIke Hart.[4] Sa nasabing season, nagtala siya ng 5,549 passing yards, 58 touchdowns, at nagtaglay ng pinakamataas na passing efficiency sa Estados Unidos. Ayon kay Coach Jones "Colt is a money guy. Colt is what I said he is: the best college quarterback in America, and he proved it tonight." [5] Sa isang press conference noong ika-17 ng Enero, ihinayag ni Brennan na magbabalik siya sa University Of Hawaii para sa kanyang huling taon sa kolehiyo.[6] Aniya'y hindi pa siya lubusang handa upang sumabak sa NFL at kailangan pa niya ng isa pang taon upang ganap na makapaghanda para sa liga. Magbabalik siya sa Hawaii bilang isa sa pinakamalalakas na kandidato para sa Heisman Trophy at batikang quarterback sa NCAA.[7] Pinangalanan siya ng Rivals.com bilang isa sa top-10 quarterbacks sa siula ng 2007 season.[8]
Achievements
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga sumusunod ay ilan sa mga tagumpay na naitala ni Brennan para sa 2006 season:
- NCAA single-season record para sa touchdown passes, noong 2006 (58)
- NCAA two-season record para sa touchdown passes, (93—achieved 2005-2006)
- NCAA record para sa passing efficiency (season), na naitala sa 186.0 mark noong 2006
- NCAA record para sa passing yards (dalawang seasons) na 9,850 (2005-2006)
- NCAA record para sa points responsible for (season) with 384. (2006)
- Tatlong beses na napangalanan bilang 2006 WAC Offensive Player of the Week honoree
- Davey O'Brien National Quarterback Award Finalist, 2006
- Second Team Walter Camp Football Foundation All-American, 2006
- Walter Camp Offensive National Player of the Week (Nobyembre 4) at USA Today National Player of the Week (Nobyembre 7), 2006
- 2006 WAC Offensive Player of the Year
- Unang quarterback ng Hawaii na napangalanan bilang All-America simula pa noong 1978
- Honorable Mention SI.com All-America, 2006
- Finalist para sa Manning Award, 2006
- Honorable mention JC All-America
Personal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Habang nasa Hawaii, nagpatubo ng dreadlocks si Brennan upang mapag-igi ang samahan nila ng kanyang mga wide receivers, at nag-aral ng wikang Samoan upang magamit niya ito sa pagtawag ng mga play mula sa line of scrimmage; Ilan sa mga manlalaro ng Hawaii ay may dugong Samoan.[1]
References
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 Chris Dufresne, Cult of Colt[patay na link], Los Angeles Times, 25 Agosto 2007.
- ↑ "Second chance leaves Brennan on verge of history". Nakuha noong 2007-01-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Brennan breaks NCAA season TD pass mark". Nakuha noong 2007-01-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ "Smith strikes pose with record Heisman win". Nakuha noong 2007-01-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Brennan eyeing return to Hawaii, but NFL not ruled out". Nakuha noong 2007-01-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Hawaii QB Colt Brennan will return for senior season". Nakuha noong 2007-01-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Another year would only help Brennan". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-17. Nakuha noong 2007-01-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Rivals.com's QB Power Rankings Naka-arkibo 2012-10-21 sa Wayback Machine., CNNSI.com, 2 Abril 2007.
- ↑ [1] Naka-arkibo 2007-03-10 sa Wayback Machine. Source
External links
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ColtBrennanHeisman.com Naka-arkibo 2007-11-27 sa Wayback Machine. Colt Brennan Fan Site
- Colt Brennan for Heisman (University of Hawaii Official website) Naka-arkibo 2007-11-03 sa Wayback Machine.
- UH player biography Naka-arkibo 2007-09-27 sa Wayback Machine.
- ColtBrennanBlog.com Naka-arkibo 2007-10-13 sa Wayback Machine. Unofficial blog tracking Brennan.
- Brennan for Heisman Naka-arkibo 2007-10-13 sa Wayback Machine. Brennan for Heisman on Ning.
- VoteForColt.com Naka-arkibo 2007-11-30 sa Wayback Machine. - Join the Colt Brennan Heisman Campaign
Sinundan: Timmy Chang |
Hawaiʻi Warriors Starting Quarterbacks 2005-2007 |
Susunod: current |
Sinundan: Brady Quinn |
Sammy Baugh Trophy Winner 2006 |
Susunod: current |