Buffalo wing
Ibang tawag | Buffalo chicken wings Chicken wings |
---|---|
Kurso | Pampagana, pangunahing pagkain |
Lugar | Estados Unidos |
Rehiyon o bansa | Buffalo, New York |
Gumawa | Teressa at Frank Bellissimo |
Ihain nang | Mainit |
Pangunahing Sangkap | Manok, pamintang ccayenne at sarsang maanghang, mantikilya |
|
Ang Buffalo wing ay isang lutò ng manok na nagmula sa Estados Unidos. Ito ay ang pakpak ng manok na karaniwang piniprito nang walang harina at pinapahiran ng siling labuyo na may sukà at mantikilya. Ito ay karaniwang hinahain nang mainit at nang may kasámang kintsay, karot at kesong bughaw o kaya ranch dressing bílang sawsawan.
Ang sukà na may siling labuyo at mantikilya o kayâ margarin ay ang sligang sangkap ng sawsawan na maaaring may mahina, katamtaman, o matinding anghang. Ang pakpak ng manok ay kadalasang binababad sa mantika kapag piniprito (pero minsan ito ay iniihaw o kayâ inihurno) hanggang sa ito ay magkulay-kape. Papatuluin ito pagkatapos, at saká ihahalo sa sarsa at liglig para lubusang mapahiran at mabalot ng sarsa.
Mayroong maraming salaysay kung paano naimbento ang Buffalo wing.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagluluto ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.