Bona Dea
Relihiyon sa Sinaunang Roma |
---|
Mga kasanayan at paniniwala |
Mga pagkasaserdote |
Mga Diyos |
|
Mga nauugnay na paksa |
Si Bona Dea ("Ang Mabuting Diyosa") ay isang diyosa sa relihiyong Sinaunang Romano. Siya ay nauugnay sa kastidad at pertilidad sa mga kababaihan, pagpapagaling at proteksiyon sa estado ng Roma at mga mga tao. Ayon sa mga panitikang Romano, siya ay dinala mula sa Magna Graecia sa isang panahon noong maaga o gitnang Republikang Romano at binigyan ng kultong pang-estado sa Bundok Aventino. Ang kanyang mga rito ay pumayag sa mga babae na gumamit ng malakas na alak at paghahandog ng dugo na mga bagay na pinagbawal sa mga kababaihan sa tradisyong Romano. Ang mga kalalakihan ay pinagbawalan mula sa kanyang relihiyong misteryo at pag-aangkin ng kanyang tunay na pangalan. Sa pinakakadalasan, siya ay kinikilala bilang asawang babae, kapatid na babae o anak ng babae ng Diyos na si Faunus at kaya ay katumbas o aspeto ng Diyosang-kalikasan na si Fauna na makapanghuhula ng mga kapalaran ng mga kababaihan. Si Bona Dea ay may dalawang mga taunang pista. Ang isa ay idinadaos sa templong Aventino at ang isa ay isinasagawa ng asawa ng nakatatandang mga taunang mahistrado ng Roma para sa inanyayahan ng mga elitistang matrona at mga tagapagdalong mga kababaihan. Ang huli ay dumating sa eskandalosong prominensiya noong 62 BCE nang ang politikong si Clodius Pulcher ay nilitis sa kanyang panghihimasok sa mga rito na sinasabing umakit sa asawa ni Julio Cesar na diniborsiyo ni Julio Cesar dahil ang asawa ng Cesar ay dapat higit sa pagsusupetsa. Ang mga kulto ni Bona Dea sa siyudad ng Roma ay pinangungunahan ng mga Birheng Vestal at ang kanyang mga kulto sa probinsiyang Romano ay pinangungunahan ng mga birhen o mga matronang saserdotisa. Ang nakaligtas na mga pagpapalabas na statuaryo ay nagpapakita sa kanyang isang sedatong matronang Romano na may cornucopia at isang ahas. Ang mga personal na pag-aalay sa kanya ay pinatutunayan sa lahat ng mga klase ng tao lalo na sa mga plebo, mga malayang tao at mga aliping Romano. Ang tinatayang 1/3 ng mga pag-aalay sa kanya ay mula sa mga lalake na ang karamihan ay nasangkot sa kanyang kulto ng naayon sa batas Romano.