2014 sa Pilipinas
Ito ang mga kaganapan noong 2014 sa Pilipinas.
Mga nanunungkulan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pangulo: Benigno S. Aquino III (Liberal)
- Pangalawang Pangulo:Jejomar C. Binay, Sr.(UNA)
- Kongreso (ika-16):
- Punong Mahistrado: Maria Lourdes P.A. Sereno
Kaganapan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Enero
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Enero 22 -- Inatake di-umano ng isang grupo ng mga tao si Vhong Navarro sa loob ng isang condominium unit sa Fort Bonifacio, Taguig.
- Enero 25 -- Tinapos ng gobyerno at mga tagapamagitan ng MILF sa Malaysia ang kanilang pakikipag-usap tungkol sa mga detalye ng mga iminungkahing kasunduan sa kapayapaan.
Pebrero
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pebrero 15 -- Sumali ang higit sa 519,221 miyembro ng Iglesia ni Cristo sa "Worldwide Walk For Those Affected by Typhoon Yolanda" na ginanap sa Maynila at sa mga piling lugar sa Pilipinas at sa ibang bansa.
Marso
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Naaresto si Delfin Lee, isang negosyante at tagapagtatag, pangulo at tagapamahala ng board ng Globe Asiatique Realty Holdings Corp., sa isang hotel sa Pampanga, sa kasong syndicated estafa.
- Marso 22 -- Inaresto ng pwersa ng kapulisan ang pinuno ng Partido Komunista ng Pilipinas (Marxista-Leninista) na si Benito Tiamzon at maybahay niyang si Wilma Tiamzon, na nakaupo rin bilang punong kalihim ng Bagong Hukbong Bayan, at 5 higit pang iba sa Aloguinsan, Cebu, ilang araw bago ipagdiwang ng Bagong Hukbong Bayan ang kanilang ika-45 anibersaryo.
- Maeso 23 -- Nahuli sa Maguindanao ang isa sa mga suspek sa Pamamaslang sa Maguindanao noong taong 2009.[1]
- Marso 27 -- Nilagdaan ng pamahalaan at ng Moro Islamic Liberation Front ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro na isang kasunduan upang wakasan ang kanilang paghihimagsik.[2]
- Marso 30
- Nagsampa ng kaso ang Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague, kaugnay sa nagpapatuloy na alitan sa teritoryo[3][4] ng bansa at ng Tsina sa South China Sea. Isinumite ng Pilipinas ang 4,000-pahina, 10-tomong-memorial o nakasulat na argumento sa United Nations arbitral tribunal na nagdinig sa kaso nito laban sa Tsina.[5][6][7][8]
- Sinalakay ng binansagang "Martilyo Gang" ang isang jewelry counter sa SM Mall of Asia. Isa sa mga suspek ang naaresto bandang 9ː00 ng gabi, habang anim na iba pa ang nakatakas. Ang insidente ay ang ika-apat sa loob ng apat na taon ng grupo.
Abril
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Abril 1 -- Inihayag at inirerekomenda ng Senate Blue Ribbon Committee, na pinamumunuan ni Senador Teofisto Guingona III, ang paghahainng mga kasong plunder at graft sa mga Senador na sina Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada , at Bong Revilla kasama si Janet Lim-Napoles sa paglahok nito sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.
- Abril 11 -- Lumagda ang Pilipinas at ang Estados Unidos sa isang sampung-taong-kasunduan na kung saan ipagagamit ang hanggang sa limang base militar ng bansa sa mga pwersang militar ng U.S.
- Abril 28-29 -- Bumisita ang Pangulo ng Estados Unidos na si Barack Obama sa Pilipinas. Sa araw ng kanyang pagdating noong Abril 28, nilagdaan ng dalawang bansa ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), isang 10-taong kasunduan na nagbibigay-daan sa mas malaking presensya ng Amerikanong militar sa bansa.
Mayo
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Mayo 23 -- Lumagda ang Pilipinas at Indonesia sa isang maritime treaty na nagtatakda ng hangganan ng mga nagsasanib na Exclusive Economic Zone ng dalawang bansa sa mga dagat ng Mindanao at Celebes.
Hunyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Sinampahan ng kasong pandarambong si Janet Napoles, ang di-umano'y mastermind ng pork barrel scam.
- Hunyo 20 -- Inilagay sa pag-iingat ng pulisya si Senador Ramon Revilla, Jr. na sinampahan ng kasong pandarambong dahil sa maling paggamit ng kanyang Priority Development Assistance Fund at pagtanggap ng kickbacks mula sa halagang P224.5 milyon. Sinuspinde sa Senado noong Agosto 4.
- Hunyo 23 -- Sumuko sa pulisya si Senador Jinggoy Estrada sinampahan ng kasong pandarambong dahil sa paggamit ng kanyang Priority Development Assistance Fund at pagtanggap ng kickbacks mula sa halagang P183.79 milyon. Sinuspinde sa Senado noong Hulyo 14.
Hulyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ipinahayag ni Senador Miriam Defensor-Santiago na siya ay may kanser sa baga.
- Hulyo 1
- Ipinahayag ng Korte Suprema ng Pilipinas, sa batong 13-0, na ang Disbursement Acceleration Program (DAP) ay labag sa Konstitusyon.
- Sa ika-67anibersaryo ng Philippine Air Force sa Clark Air Base sa Pampanga, Ipinahayag ni Pangulong Aquino III na tinanggihan niya ang nominasyon ni Nora Aunor bilang National Artist para sa pelikula, dahilan sa isyu ng droga ng huli.
- Hulyo 3 -- Ikinulong ang dating Pangulo ng Senado na si Juan Ponce Enrile na isa sa mga taong nakatanggap ng kickback mula kay Janet Napoles, na P20 bilyon halaga ng kanyang Priority Development Assistance Fund. Sinuspinde bilang Pangulo ng Senado noong Setyembre 1.
- Hulyo 21 -- Bilang bahagi ng pagdiriwang sa Sentenaryo ng Iglesia ni Cristo. nagsimula ang sanlinggong pagdiriwang ng pagpapasalamat sa seremonya ng pagbubukas ng Philippine Arena, na isang multi-purpose indoor arena ng INC. Bahagi ng Ciudad de Victoria sa Bulacan, ito ang pinakamalaking indoor arena sa buong mundo.
- Hulyo 27
- Pagdiriwang sa Sentenaryo ng Iglesia ni Cristo. Ginanap ang Ika-100 Anibersaryo ng Iglesia ni Cristo sa Philippine Arena para sa Selebrasyon ng Sentenaryo. Nakuha ng INC ang 2 karagdagang mga pandaigdigang tala ng Guinness bilang "World's Largest Mixed-Use Theater" at ang "World's Largest Gospel Choir" sa buong mundo.
- Umabot na sa 100 milyon ang populasyon ng Pilipinas, sa pagkilala ng kapanganakan ng isang sanggol na babae sa isang ospital sa Maynila bilang ika-100 Filipino.
- Hulyo 28
- Inihatid ni Pangulong Aquino III ang kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa.
- Napatay ang hindi bababa sa 21 katao sa pananambang sa Talipao, Sulu, na isinisisi sa Abu Sayyaf.
Agosto
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Naaresto si Jovito Palparan, Jr., dating kinatawan sa party-list at retiradong Major General ng hukbo, sa Sta. Mesa, Maynila matapos ang ilang taong pagtatago, sa kaso ng pagkawala nina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño.
- Agosto 5 -- Ibinaba ng isang hukuman sa bansa ang sentensiya sa bilangguan ng 6-12 taon para sa 12 kataong Intsik na nahatulan sa kasong iligal na pangingisda sa karagatang sakop ng Pilipinas.
- Agosto 13 -- Nadiskaril ang isang tren ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3) sa himpilan ng Taft Avenue station sa kanto ng EDSA at Taft Avenue sa Lungsod Pasay, 38 pasahero ang sugatan.
Setyembre
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Sumama ang 3,500 U.S. Marines at mga mandaragat sa 1,500 Pilipinong hukbo sa amphibious-landing exercises sa tabing-dagat ng Pulo ng Palawan at malapit sa Scarborough Shoal[9], sa South China Sea.
- Setyembre 10 -- Pinangunahan ni Pangulong Aquino III ang pagsauli ng burador ng Bangsamoro Basic Law sa mga pinuno ng Senado at Kongreso sa isang makasaysayang turnover ceremony sa Malacañang.
- September 17 -- Sinalubong ng galit na mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas, Diliman (UP) si Kalihim ng Department of Budget and Management Florencio Abad matapos dumalo sa isang forum sa 2015 badyet at ipagtanggol ng administrasyong ang programa sa espesyal na paggastos, ang Disbursement Acceleration Program at ang pork barrel system.[10]
- Setyembre 29 -- Inaprubahan ng Konseho ng Lungsod Quezon ang ordinansang nagbabawal sa diskriminasyon laban sa lesbian, bakla, bisexual at transgender na indibidwal.[11]
Oktubre
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Oktubre 2 -- Sinimulan ni Philippine Climate Change Commissioner Naderev "Yeb" Sano ang isang 40-araw na paglalakbay sa pamamagitan ng paglalakad, mula sa Kilometer Zero sa Rizal Park, Maynila, upang gunitain ang anibersaryo ng Super Bagyong Yolanda at upang taasan ang kamalayan sa pagbabago ng klima. Nagtapos ito matapos siyang makarating sa Tacloban, Nobyembre 8.[12]
- Oktubre 8 -- Iniharap ni dating Bise Alkade ng Makati Ernesto Mercado sa Senado ang mga larawan mula sa himpapawid ng isang 350-ektaryang lupain sa Rosario, Batangas na umano'y pag-aari ng Bise Presidente na si Jejomar Binay.[13]
- Oktubre 11 -- Namatay si Jennifer Laude (Jeffrey Laude), isang transgender woman sa Olongapo. Pinatay siya di-umano ni Private First Class Joseph Scott Pemberton. Tila namatay sa pagkakasakal ang biktima batay sa autopsy report.
Nobyembre
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Nasamsam ng Sandiganbayan ang mga kuwadro nina Pablo Picasso, Michaelangelo Buonarotti, Francisco de Goya, at iba pa, mula kay dating First Lady at ngayo'y Kinatawan ng Ilocos Norte na si Imelda Marcos.
- Umatras si Pangalawang Pangulo Binay sa debate kay Trillanes, na sana ay gaganapin noong Nobyembre 27 sa Philippine International Convention Center sa Lungsod Pasay. Sinabi niya na handa niyang harapin si Trillanes nguni't hindi sa isang debate, na tungkol sa mga alegasyon sa Pangalawang Pangulo.[14]
- Nobyembre 20 -- Natapos na ang kaso ng sunog sa Ozone Disco Club noong 1996 na nagresulta sa pagkahatol sa 7 dating opisyal ng Lungsod Quezon ng paglabag sa Batas Republika 3019, ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Hinatulan sila ng Sandiganbayan Fifth Division ng 6 hanggang 10 taong pagkabilanggo. Napawalang-sala naman ang apat na pribadong indibidwal dahil nabigo ang taga-usig na magpakita ng ebidensya laban sa kanila.
- Nobyembre 24 -- Nilagdaan ni Panguong Aquino ang Executive Order No. 174 o ang Philippine Gas inventory management and reporting system.[15][16]
Disyembre
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Disyembre 4 -- Iniutos ng Court of Appeals ang anim na buwang suspensyon para kay Heneral Alan Purisima dahil sa isang kontrata na iginawad ng Philippine National Police sa isang non-accredited courier service firm para sa paghahatid ng mga lisensya ng baril noong 2011.
- Disyembre 10 -- Namatay si Lourdes Hingco Abejuela, isang Overseas Filipino Worker (OFW) mula Bagacay, Lungsod Ozamiz, sa Kuwait ilang araw matapos magtamo ng mga sugat na kagat mula sa alagang leon ng kanyang employer, na umatake sa kanya.
- Disyembre 12 -- Binitay si Carlito Lana, isang Overseas Filipino Worker (OFW) na inakusahan ng pagpatay sa isang Saudi national, sa Saudi Arabia bandang 03:00 ng hapon (lokal na oras), ayon na rin kay Bise Presidente at presidential adviser on OFW Concerns na si Jejomar Binay.
- Disyembre 15 -- Sinalakay ng mga opisyal ng pulisya ang New Bilibid Prison complex dahil sa mga ulat ng pamamahala ng mga sindikato ng droga mula sa loob.
- Disyembre 20 -- Inihayag ng Department of Transportation and Communications (DOTC) na inaprubahan nito ang pagtaas ng pamasahe para sa 3 pangunahing mga linya ng tren sa Kalakhang Maynila na magkakabisa sa Enero 4, 2015.
- Disyembre 29 -- Inanunsyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagpapawalang-halaga ng mga lumang salaping papel na piso (na inilabas noong 1985).
Iba pang Kaganapan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Palakasan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Marso 15 -- Volleyball. Nagwagi ang Ateneo Lady Eagles sa UAAP Season 76 Women's Volleyball laban sa DLSU Lady Spikers.
- Abril 6 -- Figure skating. Nahanay si Michael Christian Martinez sa 1st place, senior men's division sa Triaglav Trophy International Figure Skating Tournament, na ginanap sa Jesenice, Slovenia.
- Abril 12 -- Boxing. Nabawi ni Manny Pacquiao ang WBO welterweight championship belt mula kay Timothy Bradley sa pamamagitan ng pasyang unanimous.
- Agosto 24 -- Archery. Nanalo ng gintong medalya si Luis Gabriel Moreno, Pilipinong archer, at ang kanyang kasama sa koponan na si Li Jaiman, isang Intsik, sa mixed international team archery event ng 2014 Summer Youth Olympics sa Nanjing, China.
- Agosto 30 - Setyembre 4 -- Basketball. Nabigo ang koponan ng Gilas Pilipinas sa 2014 FIBA Basketball World Cup sa Espanya (Natalo laban sa mga koponan ng Croatia, Greece, Argentina, at Puerto Rico).
- Setyembre 4 -- Basketball. Nakuha ng Gilas Pilipinas ang kanilang unang panalo sa FIBA World Cup sa loob ng apat na dekada, laban Senegal sa overtime, 81-79.
- Setyembre 14 -- Cheerdance. Kampeon ang National University (NU) Pep Squad sa UAAP Season 77 cheer dance competition (CDC).[17]
- Setyembre 23 - Oktubre 1 -- Basketball. Nabigo ang koponan ng Gilas Pilipinas sa 2014 Incheon Asian Games (Natalo laban sa mga koponan ng Iran at South Korea).
- Oktubre 1 -- Cycling. Nakakuha ng medalyang ginto si Daniel Patrick Caluag, Filipino-American BMX racer, sa BMX Cycling, sa ika-17 Asian Games 2014[18]
- Oktubre 15 -- Basketball. Kampeon ang National University Bulldogs sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 77 kontra FEU Tamaraws.
- Nobyembre 23 -- Boxing. Napagwagian ni Manny Pacquiao ang laban kay WBO Light welterweight Champion Chris Algieri sa Macau, sa pamamagitan ng pasyang unanimous.
- Disyembre -- Naglabas ng isang pampublikong hamon ang pound-for-pound king Floyd Mayweather kay Manny Pacquiao tungkol sa kanilang labang mangyayari sa Mayo 2015.
- Nakakuha ang Philippine Canoe Kayak Federation Dragon Boat Team ng 5 medalyang ginto, 3 medalyang pilak, at 3 medalyang tanso matapos na makipagkumpitensya sa 2014 ICF Dragon Boat Championships sa Poznan, Poland
- Nahanay si Wesley So sa Bilang 2755 sa Live list Ratings at numero 12 sa Federation Internationale des échecs (FIDE)
- Nahanay si Michael Christian Martinez sa 10th place overall sa 2014 Skate America, at nakakuha ng medalyang pilak sa 2014 CS Warsaw Cup
- Nanalo ng upuan ang Pilipinong rally driver na si Francis Ivan Isada sa Michelin Pilot Sport Experience nang maging kampeon sa kanyang online game na Right 2 Race
- Nakakuha si Josie Gabuco ng medalyang ginto sa Philippine National Games 2014 Women’s boxing light flyweight division
- Ipinagdiriwang ng Philippine Basketball Association (PBA) ang ika-40 taon at inilabas nito ang listahan ng mga 40 pinakamahusay na mga manlalaro
- Ginanap ang PLDT Home Last Home Stand Charity Event sa Smart Araneta Coliseum na ikinadismaya ng mga tagahanga nito sa maraming dahilan.
Pmamahayag at Aliwan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pebrero 9 -- Nagwagi ang pelikulang "Quick Change" ng Critic Jury's Prize sa Vesoul International Film Festival of Asian Cinema sa France.
- Pebrero 17 -- Nagwagi ang pelikulang "Rekorder" ng Special Jury Prize at ng Best Music sa ika-31 Annonay International First Film Festival sa France.
- Marso 4-9 -- Nagwagi ang pelikulang "Nuwebe" ng Honorable mention para sa Pinakamahusay na Direktor para sa isang Tampok na Sanaysay sa Queens World Film Festival sa Lungsod ng New York, Estados Unidos.
- March 16 -- Nagwagi ang pelikulang "Shift" ng Grand Prix award,katumbas ng Best Picture award sa 2014 Osaka Asian Film Festival sa Japan.
- Marso 19 -- Unang Pinoy Music Summit
- Marso 26 -- MYX Music Awards 2014
- Abril 5 -- Ang mga pelikulang "On the Job," "Alagwa," at "Ang Kwento ni Mabuti" ay pinangalanan bilang "pinakapasadong pelikula" sa ika-16 na PASADO Gawad Sining Sine, na binuo ng Pampelikulang Samahan ng Mga Dalubguro
- Abril 13 -- Nagwagi ang pelikulang "Debosyon" ng "Honorable Mention-Outstanding International Feature" sa ReelWorld Film Festival sa Toronto, Canada.
- Mayo 3 -- Nagwagi ang pelikulang "Mga Kwentong Barbero" ng 3rd place Audience Award sa 2014 Udine Far East Film Festival sa Italy.
- Mayo -- Inilantad ang life-size na rebultong fiber glass ni Nora Aunor sa Paoay, Ilocos Norte, kung saan isinapelikula ang "Himala."
- Hulyo 11 -- Unang MOR Pinoy Music Awards
- Hulyo 26 -- Philippine Popular Music Festival (Philpop)
- Agosto 10 -- Nagwagi ang mga pelikulang "Bwaya" ng Best Film para sa kategoryang New Breed, at "Kasal" ng Best Film para sa kategoryang Directors Showcase,sa Cinemalaya 2014.
- Disyembre -- Inilunsad ni Senador Miriam Defensor-Santiago ang kanyang aklat na "Stupid is Forever" na inilathala ng ABS-CBN Publishing, Inc.
- Disyembre 30 -- Ikinasal sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Immaculate Conception Cathedral.
Teatro, Kultura, at Sining
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Abril 24-26 -- Aliwan Fiesta
- Mayo 1 -- Pinangalanan si Enchong Dee bilang Ambassador ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) para sa pagdiriwang ng National Heritage Month
- Mayo 8-22 -- Itinanpok ng “I am Love Marie” exhibit ang mga paintings ni Heart Evangelista
- Mayo 27 -- 344th Anibersaryo ng Pagkatatag ng Lungsod Makati
- Hunyo 20-Agosto 31 -- Ikalawang bahagi ng dulang teatro ng Philippine Educational Theater Association na Rak of Aegis
- Hunyo 17-22 -- Ikalawang bahagi ng dulang teatrong Stomp
- Hunyo 20 -- Pinangalanan ni Pangulong Aquino III ang anim na bagong ipinahayag na National Artists
- Alice Reyes (Sayaw)
- Francisco Coching (Sining Biswal)
- Cirilo Bautista (Panitikan)
- Francisco Feliciano (Musika)
- Ramon Santos (Musika)
- Jose Maria Zaragoza (Arkitektura, Disenyo at Allied Arts).
Sakuna at Aksidente
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Nobyembre -- Pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Queenie (Sinlaku), at nagtala ng 5 patay at 9 na nawawala sa Visayas.
- Disyembre 6 -- Tinamaan ng Bagyong Ruby, opisyal na tinawag bilang Typhoon Hagupit, ang Kanlurang Visayas, at Silangang Visayas, lumikha ng malawakang pinsala sa Visayas, nagiging sanhi ng pagbaha, at ikinasawi ng higit sa 20 katao.[19]
Panahon at Klima
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Labimpitong (17) bagyo ang pumasok sa Pilipinas sa taong 2014ː (Tandaanː Mga bagyo sa Bold ay mga bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) at tumama sa saanmang lupain sa bansa.)
Talaan ng mga bagyong tumama sa Philippine Area of Responsibility sa taong 2014 | |||
---|---|---|---|
Petsang itinagal | Uri | Pangalang Pandaigdig | Pangalang Lokal |
Enero 15-20 | Tropical Storm | Lingling | Agaton |
Enero 29-Pebrero 1 | Tropical Storm | Kajiki | Basyang |
Marso 18-24 | Tropical Depression | 04W | Caloy |
Abril 2-10 | Tropical Storm | Peipah | Domeng |
Hunyo 9-12 | Tropical Storm | Mitag | Ester |
Hulyo 2-11 | Typhoon | Neoguri | Florita |
Hulyo 9-20 | Typhoon | Rammasun | Glenda |
Hulyo 16-25 | Typhoon | Matmo | Henry |
Hulyo 27-Agosto 11 | Typhoon | Halong | Jose |
Hulyo 28-Agosto 4 | Severe Tropical Storm | Nakri | Inday |
Setyembre 5-8 | Tropical Depression | 14W | Karding |
Setyembre 10-17 | Typhoon | Kalmaegi | Luis |
Setyembre 17-24 | Tropical Storm | Fung-wong | Mario |
Setyembre 28-Oktubre 6 | Typhoon | Phanfone | Neneng |
Oktubre 2-14 | Typhoon | Vongfong | Ompong |
Oktubre 30-Nobyembre 6 | Typhoon | Nuri | Paeng |
Nobyembre 26-30 | Tropical Storm | Sinlaku | Queenie |
Nobyembre 30-Disyembre 12 | Typhoon | Hagupit | Ruby |
Disyembre 28-Enero 1, 2015 | Tropical Storm | Jangmi | Seniang |
Mga paggunita
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong huling bahagi ng Setyembre 2013, inanunsyo na ng pamahalaan ang hindi bababa sa 18 na pagdiriwang sa Pilipinas para sa 2015 tulad ng ipinahayag sa pamamagitan ng bisa ng Proclamation No. 655, serye 2013.[20] Tandaan na sa listahan, mga okasyon sa italiko ay "special non-working holidays," mga nasa bold ay ang "regular holidays," at sa mga nasa di-italiko at di-bold ay ang "espesyal na okasyon para sa mga paaralan."
Sa karagdagan, inoobserbahan ng maraming lugar ang mga lokal na pista opisyal, tulad ng pagkakatatag ng kanilang bayan. Ito rin ay "espesyal na araw."
- Enero 1 – Unang Araw ng Bagong Taon
- Enero 31 – Bagong Taong Tsino (Ang pangyayaring ito ay idineklara bilang pambansang pagdiriwang sa unang pagkakataon.)
- Pebrero 25 – Rebolusyong EDSA ng 1986
- Abril 9 – Araw ng Kagitingan
- Abril 17 – Huwebes Santo
- Abril 18 – Biyernes Santo
- Abril 19 – Sabado de Gloria
- Mayo 1 – Araw ng Paggawa
- Hunyo 12 – Araw ng Kalayaan
- Hulyo 29 -- Eid'l Fitr (Pista ng Ramadan)
- Agosto 21 – Araw ni Ninoy Aquino
- Agosto 25 – Araw ng mga Bayani
- Oktubre 6 -- Eid al-Adha (Pista ng Sakripisyo)[21]
- Nobyembre 1 – Araw ng mga Patay
- Nobyembre 30 – Araw ni Bonifacio
- Disyembre 24 – Special non-working holiday (Sa pagdiriwang ng panahon ng Kapaskuhan)
- Disyembre 25 – Araw ng Pasko
- Disyembre 26 – Special non-working holiday (Sa pagdiriwang ng panahon ng Kapaskuhan)
- Disyembre 30 – Araw ni Rizal
- Disyembre 31 – Huling araw ng taon (Sa pagdiriwang ng Bagong Taon)
Kamatayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pebrero
- Pebrero 7 -- Tita de Villa, artista. (Isinilang Abril 3, 1931)
- Pebrero 9 -- Serafin R. Cuevas, dating Associate Justice ng Korte Suprema. (Isinilang Hunyo 25, 1928)[22]
- Pebrero 11 -- Roy Alvarez, aktor (Isinilang Marso 23, 1950)
- Pebrero 17 -- Tado (Arvin Jimenez), komedyante (Isinilang Marso 24, 1974), nasawi sa aksidente sa lansangan sa Bontoc, Mt. Province.[23][24][25][26]
Marso
- Marso 10 -- Roldan Aquino (Rolando Desembrana Aquino), artista. (Isinilang Mayo 2, 1948)[27]
Abril
- Abril 3 -- Harry Gasser, Pilipinong tagapagbalita sa telebisyon (RPN 9). (Isinilang Disyembre 2, 1937)
- Abril 7 -- Emilio T. Yap, Filipino-Chinese na negosyante na namahala sa pahayagang Manila Bulletin. (Isinilang Setyembre 24, 1925)
Hunyo
- Hunyo 8 -- Paul Herrera, fashion designer.
- Hunyo 12 -- Ferdinand "Enzo" Pastor, car racer. (Isinilang Enero 24, 1982)
Agosto
- Agosto 3 -- Lydia N. Yu-Jose, ay dating propesor emerita ng agham panlipunan at araling Hapones sa Pamantasang Ateneo de Manila. (Isinilang Marso 27, 1944)
Setyembre
- Setyembre 1 -- Mark Gil (Raphael Joseph De Mesa Eigenmann), artista (Isinilang Setyembre 25, 1961), kanser sa atay.[25]
- Setyembre 7 -- Raul Maravilla Gonzalez, dating Kalihim ng Katarungan. (Isinilang Disyembre 3, 1930)
Oktubre
- Oktubre 2 – Myrna "Tiya Pusit" Villanueva, komedyante at aktres (Isinilang 1948), multiple organ failure.[25]
- Oktubre 10 -- Damiana L. Eugenio, babaeng Pilipinong manunulat at propesorang kilala bilang Ina ng Kuwentong-Bayan ng Pilipinas. (Isinilang Setyembre 27, 1921)
- Oktubre 11 – Jennifer Laude, Pilipinong Transgender
- Oktubre 30 -- Juan Martin Flavier, politiko, Senador ng Pilipinas (1995 – 2001, 2001 – 2007) at Pangulo ng Senado ng Pilipinas Pro-Tempore (2006-2007). (Isinilang Hunyo 23, 1935)
Nobyembre
- Nobyembre 5 -- Elaine Gamboa Cuneta, dating beauty queen, mang-aawit at aktres; ina ni Sharon Cuneta. (isinilang 1934)
- Nobyembre 21 -- Vicente Tirona Paterno, Senador ng Pilipinas (1987--1992). (Isinilang Nobyembre 18, 1925)
Disyembre
- Disyembre 3 -- Isabelo "Bong" Hilario, car racer.
- Disyembre 8 -- Martha Cecilia (Maribeth dela Cruz née Hamoy), manunulat ng mga nobelang Tagalog romance pocketbook. (Isinilang Mayo 13, 1953)
- Disyembre 16 -- Abdulmari Asia Imao, Pambansang Alagad ng Sining ng panlililok sa Pilipinas. (Isinilang Enero 14, 1936)
Mga taga-media na pinaslang sa bansa sa taong 2014 (apat):[28][29]
- Abril 6 -- Rubylita Garcia (pahayagang Remate, dwAD), sa Lungsod ng Bacoor, Cavite (nakumpirma ang motibo).[30]
- Mayo 4 -- Richard Nadjid (dxNN 92.5 Powermix FM), sa Bongao, Tawi-Tawi.
- Mayo 23 -- Samuel Oliverio (dxDS 1161 Radyo Ukay), sa Lungsod ng Digos, Davao del Sur.
- Hunyo 9 -- Nilo Baculo Sr. (dwIM 936 Radyo Mindoro), sa Lungsod ng Calapan, Oriental Mindoro.
Estatistika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Iba pang impormasyon | |
---|---|
Lawak | 300,000 kilometro kwadrado (115,831 milya kwadrado) |
Populasyon | (Pagtataya noong 2014): 99,866,000 |
Kabisera | Maynila (ang ilang mga opisina ng pamahalaan at mga kagawaran ay matatagpuan sa Lungsod ng Quezon at iba pang mga lugar sa Kalakhang Maynila) |
Mga Panlabas na Kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- "The Philippines year in review 2014" Oxford Business Group. 12-26-2014. Isinulat rin ng BusinessWorld Naka-arkibo 2018-07-06 sa Wayback Machine.noong 01-08-2015 at ng CBRE Philippines Naka-arkibo 2015-01-18 sa Wayback Machine.
- "Year Ender 2014" Naka-arkibo 2016-03-15 sa Wayback Machine. The Philippine Star. 2015.
- "YEARENDER 2014 disasters: Typhoon belt shifts to Visayas" The Philippine Star. Enero 8, 2015.
- "YEARENDER 2014: Not much good news in Pampanga" The Philippine Star. Disyembre 22, 2014.
- "2014 Year Ender: 5 Signs of a More Progressive Philippines"[patay na link] Office of the President of the Philippines. 12-31-2014.
- "Yearender 2014: Celebrity weddings" Naka-arkibo 2015-12-14 sa Wayback Machine. PEP.ph. Enero 1, 2015.
- "INQUIRER.net #BestofSeven 2014" INQUIRER.net. Disyembre 26, 2014.
- "The Philippines in 2014 (Year End Report)"[patay na link] Official Gazette of the Republic of the Philippines. Enero 14, 2015.
- "Yahoo Philippines unveils 2014 Year in Review" Naka-arkibo 2015-10-16 sa Wayback Machine. The Standard. Disyembre 25, 2014.
- "Year in Review 2014: Top newsmakers in the Philippines" Naka-arkibo 2016-03-07 sa Wayback Machine. Yahooǃ News. 12-11-2014.
- "2014 Year in Review" Filipino Journal. Vol. 21 No. 9.
- "PHILIPPINE AVIATIONː 2014 Year in Review" Philippine Flight Network. Disyembre 29, 2014.
- "Philippines in 2014" Naka-arkibo 2016-06-09 sa Wayback Machine. Britannica.com.
- "The 50 Newsmakers of 2014" Naka-arkibo 2014-12-27 sa Wayback Machine. Spot.ph. Disyembre 1, 2014.
- "2014 Newsmakers"[patay na link] Filipino Journal Alberta. Vol. 6 No. 12
- "Top Filipino newsmakers of 2014"[patay na link] THE FILIPINO TIMES. Disyembre 30, 2014.
- "The Top 5 Headlines and Newsmakers of 2014" Naka-arkibo 2016-02-29 sa Wayback Machine. rainCHECK.
- "PH stars who died in 2014" Naka-arkibo 2015-01-06 sa Wayback Machine. Rappler. 01-01-2015.
- "2014: A Year in Review" Naka-arkibo 2016-04-17 sa Wayback Machine. Asian Journal Magazines. 01-04-2015.
- "In memoriam: Icons, newsmakers who died in 2014" Naka-arkibo 2015-01-08 sa Wayback Machine. Rappler. 12-28-2014.
- "Top 10 Headlines of 2014" Naka-arkibo 2016-07-09 sa Wayback Machine. Wikipilipinas.
- “Top 10 Horror Roll in Politics of 2014”[patay na link] WikiPilipinas.
- “10 Celebrity hook-ups and breakups of 2014” Naka-arkibo 2015-03-27 sa Wayback Machine. WikiPilipinas.
- “Year in Review 2014: Top 10 Philippine sports stories” Yahooǃ Sports Singapore. 12-11-2014.
- “The Filipino meme guide to everything that happened in 2014” Naka-arkibo 2015-03-30 sa Wayback Machine. Pacifiqa. 12-12-2014.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Massacre suspect nabbed in Maguindanao—police" Philippine Daily Inquirer. 03-24-2014. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "CHRONOLOGY: Muslim history in Southern Philippines" (Agence France-Presse). Naka-arkibo 2014-05-02 sa Wayback Machine. InterAksyon. 03-27-2016. Hinango 10-15-2016.
- ↑ "Why is the South China Sea contentious?" BBC News. Hul. 12, 2016. Hinango Set. 19, 2016.
- ↑ "TIMELINE: 1955-PRESENT" Naka-arkibo 2016-08-30 sa Wayback Machine. Center for a New American Security. Hinango Set. 19, 2016.
- ↑ "Philippines versus China in the South China Sea: Timelines of dispute so far" The Straits Times. Hulyo 9, 2016. Hinango Setyembre 19, 2016.
- ↑ "TIMELINE: The Philippines-China maritime dispute" Rappler. Hulyo 12, 2016. Hinango Setyembre 19, 2016.
- ↑ "Timeline: The China-Philippines South China Sea dispute" The Hindu. Isinulat rin ng Yahoo! News Naka-arkibo 2016-07-14 sa Wayback Machine.. Hul. 12, 2016. Hinango Set. 19, 2016.
- ↑ "Arbitration on the South China Sea: Rulings from The Hague" Naka-arkibo 2015-10-19 sa Wayback Machine. Asia Maritime Transparency Initiative. Hinango Set. 19, 2016.
- ↑ "Timeline: South China Sea dispute" FT.com. Hul. 12, 2016. Isinulat sa "What has been the timeline of the South China Sea conflict? Can you explain the entire conflict in detail?" ng Quora. Hinango Set. 19, 2016.
- ↑ "Aquino expresses disappointment over UP violence vs Abad" Rappler. 09-18-2014. Hinango 10-08-2016.
- ↑ "QC approves landmark city ordinance protecting LGBT persons" GMA News Online. 09-30-2014. Hinango 10-08-2016.
- ↑ "PH climate envoy to embark on 40-day Climate Walk" Rappler. 09-25-2014. Hinango 10-08-2016.
- ↑ "IN PHOTOS: Alleged 'Hacienda Binay' in Batangas" philstar.com. Okt. 8, 2014. Hinango Set. 20, 2016.
- ↑ "VP Binay backs out of debate with Trillanes" GMA News Online. 11-11-2014. Hinango 10-08-2016.
- ↑ "TIMELINE: PH policies on climate change and disaster management" Naka-arkibo 2016-11-26 sa Wayback Machine. Rappler. Nobyembre 1, 2015.
- ↑ "Executive Order No. 174, s. 2014" Naka-arkibo 2016-10-11 sa Wayback Machine. Official Gazette of the Republic of the Philippines. Nobyembre 24, 2014. Hinango Setyembre 19, 2016.
- ↑ "NU wins second straight UAAP Cheerdance Competition" Naka-arkibo 2014-09-17 sa Wayback Machine. Rappler. 09-14-2014. Hinango 10-15-2016.
- ↑ "Golden biker! BMX rider Caluag wins PH's first Asian Games gold" Yahoo Sports Singapore. 10-01-2014. Hinango 10-15-2014.
- ↑ "Tropical Storm Hagupit batters Philippines, killing at least 25" CNN.com. 12-09-2014. Hinango 10-04-2016.
- ↑ "List of nationwide holidays for 2014" Naka-arkibo 2014-01-25 sa Wayback Machine.. Official Gazette of the Republic of the Philippines. Oktubre 1, 2013. Retrieved Hunyo 9, 2016.
- ↑ "Oct. 6 declared a holiday for Eid al-Adha". GMA News. Setyembre 16, 2014. Retrieved Hunyo 9, 2016.
- ↑ "Former SC justice Serafin Cuevas passes away" GMA News Online. 02-10-2014. Hinango 10-04-2016.
- ↑ "Most Shocking Pinoy Celebrity Deaths. Will you Light a Candle for Them in the Day of the Dead?" Pinoy Top Tens. 10-17-2016. Hinango 06-08-2016.
- ↑ "10 Shocking Local Celebrity Deaths" Spot.ph. Abril 2, 2014. Retrieved Hunyo 8, 2016.
- ↑ 25.0 25.1 25.2 "SHOCKING CELEBRITY DEATHS" Pinoy TV Magazine. Nobyembre 7, 2014. Retrieved Hunyo 8, 2016.
- ↑ "10 Filipino Celebrity Deaths That Shocked The Whole Nation" tenminutes.ph. 07-31-2014. Hinango 10-18-2016.
- ↑ "Roldan Aquino; 71" Inquirer Entertainment. 03-11-2014. Hinango 10-04-2016.
- ↑ "Journalists Killed in Philippines" Committtee to Protect Journalists. Hinango Set. 18, 2016.
- ↑ "Press Freedom Watch" CMFR. Hinango Set. 20 2016. "26 work-related killings under the administration of President Benigno S. Aquino III."
- ↑ "A List Of All 61 Journalists Killed In 2014" Naka-arkibo 2019-06-17 sa Wayback Machine. MintPress News. Enero 27, 2015. Hinango Set. 20, 2016.