MANILA, Philippines — BAGONG taon, bagong pagkakataon! Kung isa ang pag-nenegosyo sa mga pinaplano mo ngayong 2022, maaaring makakakuha ka ng mga ideas sa article na ito.
Huwag nang hintayin na matapos ang pandemya bago magsimula, narito ang siyam na mga business ideas na maaari mong simulan sa capital na hindi hihigit sa P50,000!
Ads
1. Online Tutorial Services
Sa halagang P50,000 maaari ka nang makabili ng magandang laptop o desktop computer na magagamit sa pagtuturo online. Mababayaran mo rin ang installation fees ng internet connection mo at makakabili kana ng headset na may magandang quality. Sa pamamagitan nito, maaari kang mag-simula ng online tutorial business.
Dahil sa Covid-19 pandemic, distant learning ang karamihan sa mga estudyante ngunit maraming mga magulang ang walang oras na magturo sa kanilang mga anak at naghahanap ng tutor, online man o hindi.
Sa negosyong ito, maaari kang kumita ng hindi bababa sa P10,000 kada buwan depende sa lawak at oras ng ibibigay mong serbisyo. Kung magaling kang mag-English, maaari ka ring mag-apply bilang online English teachers sa mga bata sa ibang bansa kahit wala kang eligibility documents kagaya na lamang ng transcript of records o teaching certificates.
Maganda ang online tutoring sa mga may skills and talent sa pag-handle o pagtuturo sa mga bata.
2. Blogging o Writing
May pera sa pagsusulat at maraming pagpipilian pagdating sa pagmo-monetize ng isang blog. Kung may talent ka sa research, writing skills at sa pag-build ng traffic, maaari mo ikonsidera ang affiliate marketing, ad displays at pagbebenta ng mga produkto o serbisyo habang nagba-blog.
Kung mahilig ka sa pagsusulat, maaaring mong pagkakakitaan ang inyong hobby at gawing negosyo na may P50,000 na kapital. Maaaring mag-sulat ng online articles na may iba't-ibang topiko, depende sa mga ninanais mong audience.
Sa halagang P25,000 maaari kang makabili ng standard laptop na magagamit sa pagsusulat. Sa pamamagitan nito, maaari kang maging contributor para sa mga online blogs at websites; maaari ka ring maghanap ng writing gigs sa pamamagitan ng Upwork o Onlinejobs.ph; o magsulat ng sariling full-length novel o maging ghostwriter o self-publisher.
Ads
Sponsored Links
3. Accessory Business
Kung nais mo namang mag-benta ng mga accessories, online channels ang pinaka-magandang lugar para sa distribution. Ilan sa mga accesories na pumatok ngayong Covid-19 pandemic ay ang lanyard bilang tali sa mga facemask, personalized alchohol bottle o bottle spray at iba pa.
May mga accessories din na gawa sa fabric, mga tali at iba pang scrap materials.
Sa kapital na P10,000 maaari kang magsimula ng negosyong ito ngunit naka-depende pa rin ito sa iba pang factors. May mga accessories na medyo mahal ang materials na posibleng magpapataas din sa start-up cost ng negosyo mo hanggang P30,000 o P50,000.
Sa nasabing amount, maaari mo nang bayaran ang labor, materials, overhead cost, product development at maging website design para sa accessories kagaya ng mga maliliit na pouch, bracelets at drawstring bags.
Ang paggawa ng accessories ay isa sa pinaka-madali at isa sa kumikitang business ideas sa bansa lalo na kung passion mo ang pag-design at pagsusuot ng mga accessories.
4. Online Retail Store
Dahil sa Covid-19 pandemic, halos online na ang lahat na bentahan. Napakaraming bagay na pwedeng ibenta online kagaya na lamang ng mga damit o ukay-ukay, mga sapatos, bags at beauty products na patok na patok sa mga Pinoy. Maaari ka ring mag-benta online ng mga grocery items na may kasamang delivery, maging mga prutas at gulay ay ino-online na rin sa ngayon.
Sa halagang P20,000 maaari kang mag-simula ng iyong online retail store. Maaaring sapat na ang nasabing halaga para sa materials, labor at photo shoots para sa marketing at promotional purposes.
Ayon sa mga online retail experts, kailangan lamang ng passion sa negosyong ito lalo na't exciting ito sa simula ngunit may mga panahon na nawawala na ang excitement at mga responsibilidad ang natitira. Sa mga down moment sa negosyong ito, kailangan lamang magpatuloy ay hindi dapat mawalan ng pag-asa sa halip mag-isip ng mga bagay upang manatiling interesado ang iyong mga kliyente sa iyong ibinebenta.
Upang mapa-unlad ang inyong online retail business, maaari mong gamitin ang Facebook, Instagram at ba pang social media platform lalo na kung marami kang 'friends' o followers. Maaari ka ring mag-benta online sa Shopee at Lazada!
5. Food Cart Franchise
Hindi lahat na food franchise ay mahal dahil may mga food cart franchise na nasa P50,000 lamang ang kapital.
Sa halagang P35,000 may mga food cart na nag-aalok ng isa o dalawang produkto na may franchise fee na hindi hihigit sa P50,000. Madalas, kasama sa package ang equipment, training, customer support, at iba pa. Kung nais mo naman ng mas malaking franchise, asahan din ang mas malaking franchise fee.
Ngunit bago pumasok sa food franchise business, siguruhing may emergency fund para sa mga hindi inaasahang pangyayari.
Narito ang ilan sa mga food cart franchise na maaari mong ikonsidera:
Siomai King | P15,888
May inaalok na online franchise ang Siomai King sa halagang P16,000 o mas mababa sa P50,000. Maliban sa franchise, magkakaroon ka rin ng sariling online store, marketing tools, at marketing videos at discount hanggang 70% ng kanilang food products.
Ngunit kailangan mong i-provide ang sarili mong laptop o computer, cellphone at internet connection.
Master Corndog | P16, 499
Sa halagang P16, 499, maaari kang maging Master Corndog franchisee at magsimulang mag-benta ng flavored corndog kagaya ng double cheese, classic original, bacon-wrapped, at chocolate butter corndogs. Kasama na sa nasabing halaga ang bagong food cart, electric fryer, stainless tray, strainer, at iba pang equipment at P1,000 na halaga ng food products.
6. Make-up Services
Kung may talent ka sa hair and make-up, maaari mo itong pagkakakitaan sa pamamagitan ng pag-alok ng serbisyong ito sa iyong mga kakilala. Mula sa kasal, birthdays at iba pang mga photo shoots hanggang sa private lesson. Sa halagang P50,000 maaari kang makabili ng professional brush set sa halagang P4,000 habang nasa P30,000 naman ang set ng high-quality products.
Sa ganitong negosyo, maaari kang magsimula sa iyong mga kaibigan at kakilala hanggang sa lumaki ang network mo na maaari mo ring i-promote sa social media. Kung maganda, de-kalidad, at nasa tamang presyo ang serbisyong inaalok mo, hindi tatagal dadami ang kukuha sa iyo sa pamamagitan ng mga referrals.
7. Photography Business
Dahil sa social media, marami ang kumukuha ng mga photographers para i-document ang mga special moments sa buhay ng isang tao kagaya na lamang ng birthday, kasal, maternity photoshoot, debut at iba pa.
Sa halagang P20,000 maaari kang makabili ng DSLR na para sa magandang kalidad ng iyong mga pictures. Kung balak mong gawing negosyo ang hobby na ito, mas maraming equipment ang kinakailangan mo kagaya na lamang ng dagdag na mga lenses, extra batteries, SD cards, lighting equipment at iba pa.
Kung masaya ang mga kliyente mo sa serbisyong ipinagkaloob mo, hindi magdadalawang isip ang mga ito na i-refer ka sa kanilang pamilya at mga kaibigan.
8. Delivery o Pasabuy Business
Dahil sa pandemya, isa sa mga nangungunang serbisyo sa mga customers ay ang delivery services. Kung wala kang maisip na pagkakakitaan at masipag sa mga ganitong bagay, maaari mo itong simulan bilang negosyo na may kapital na hindi bababa sa P50,000.
Ang pasabuy ay kahalintulad ng mga delivery services ngunit ang pagkaka-iba lamang, customer dito ang nag-dedisisyon kung ano ang bibilhin at kun saan ito bibilhin. Para kumita, kailangan mong silingin ng service charge ang customer mo.
Sa negosyong ito, importanteng mayroon kang motorsiklo at driver's license bilang isa sa pinaka-mabilis at madaling mode of transportation. Maaari mong i-alok ang negosyong ito sa iyong mga kakilala o mga kabarangay na madalas busy o abala sa kanilang mga trabaho at halos walang panahon lumabas para mamili.
©2020 THOUGHTSKOTO