Pumunta na sa main content

Kailan pinakamagandang bumisita sa Italy?

Travel advisory

Batay ang impormasyon sa page na ito sa historical averages at maaaring hindi ipinapakita ang kasalukuyang sitwasyon. Alamin mula sa local authorities ang pinakabagong travel advice.

Magbasa pa

Pinakamagandang bumisita sa Italy sa spring mula Abril hanggang Hunyo o autumn sa pagitan ng Setyembre at Oktubre.

Bibigyan ka ng pagkakataon ng “shoulder” season, ang panahon sa pagitan ng spring at autumn, na malibot ang napaka-diverse na mga rehiyon sa bansa nang may katamtamang temperatura at kadalasang mas kaunting turista kaysa sa kasagsagan ng summer. Nag-aalok ang spring ng maraming festival sa buong bansa at ang mga rustic Alpine region, nagsisimula nang ipakita ang matitingkad at makukulay na ligaw na bulaklak nito. Puntahan ang mga pagdiriwang ng Easter sa Abril at iba pang natatanging event tulad ng mga medieval jousting tournament. Maraming kamangha-manghang festival ng pagkain sa autumn at pagdating ng panahon ng pag-harvest matitikman mo ang bagong-gawang wine at mga truffle. Sa panahon ng autumn, mag-enjoy sa malalaking film festival sa Venice at Rome o bisitahin ang mga beach ng timog para masulit ang huling bahagi ng mainit na panahon.

Monthly weather at travel tips sa Italy

Pinakamalamig na buwan ng Italy ang Enero, kaya alinmang bahagi ng bansa ang bisitahin mo, siguraduhing magsuot ng maraming patong ng damit para sa winter weather. Sa hilaga, puwedeng manatili ang average na temperatura sa pagitan ng 4°C at 7°C, habang ang mga gitna at katimugang rehiyon ay umaakyat hanggang 14°C. Pumapasok ang bagong taon nang may mas maraming national holiday kaya asahang magiging sarado ang maraming negosyo nang ilang araw sa unang linggo ng buwan.

Nagpapatuloy ang mga pagdiriwang ng Kapaskuhan hanggang sa bagong taon, kung kailan ginaganap ang Epiphany (kilala bilang La Befana) sa Enero 6. Iba-iba ang mga pagdiriwang sa pagitan ng mga lungsod, kung saan ang ilan sa pinakamagaganda ay nangyayari sa Venice at Urbania sa rehiyon ng Marche. Napakagandang panahon ang Enero para mag-ski sa Italy, kung saan marami sa pinakamagagandang resort sa Alps at sa Dolomites ay hindi gaanong matao kumpara sa peak season. Nangyayari ang Feast of Saint Anthony the Abbot sa Enero 17 sa maraming bayan sa hilaga at gitnang rehiyon. Asahan ang maraming bonfire, sayawan, at pagpupugay sa patron saint ng mga mangangatay ng karne, domestic na hayop, tagagawa ng basket, at tagahukay ng puntod.

9°C

Pinakamataas

2°C

Pinakamababa

12 araw

Ulan

Pagsapit ng Pebrero, nagsisimulang umakyat ang mga temperatura ngunit tiyak na malamig pa rin ang lagay ng panahon sa buong bansa. Kasabay ng kasagsagan ng ski season ang mga school holiday kaya asahang magiging mas matao ang mga slope. Naglalaro ang mga temperatura sa buong bansa mula sa pinakamababa na 0°C sa hilagang rehiyon ng Alps hanggang sa 15°C sa karaniwang mas maaraw na timog.

Kapag Pebrero, isang pagdiriwang ang higit na namumukod-tangi sa lahat ng iba pa, at iyon ang Carnevale. Bagama’t maraming bayan ang nagdaraos ng mga pagdiriwang nito bago ang Mahal na Araw, pinakasikat sa mga ito ang inaalok ng Venice. Ang Floating City ay nagbabagong-anyo sa isang open-air theater, na puno ng mga detalyadong maskara, magagandang kapa, at mararangyang carnival ball na may hapunan at entertainment. Ginaganap ang iba pang kilalang carnival sa Viareggio, Verona, at Ivrea na nagdaraos ng napakalaking food fight na kilala bilang The Battle of the Oranges. Kung mas gusto mong huwag paglaruan ang iyong pagkain, magtungo sa bayan ng Norcia sa Umbrian para tikman ang pinapahalagahang tartufo nero (black truffle).

9°C

Pinakamataas

2°C

Pinakamababa

11 araw

Ulan

Dahil sa pabago-bagong panahon sa Marso, dapat kang magdala ng damit na puwede sa ulan at araw. Karaniwang malamig at basa ang unang bahagi ng Marso, ngunit habang nagsisimulang lumaganap ang spring sa malaking bahagi ng bansa, umaakyat ang mga temperatura hanggang 16°C sa katapusan ng buwan. Kung wala kang balak na gawin ang mga bagay na nakadepende sa lagay ng panahon tulad ng mga scenic hike o sunbathing, tamang-tama ang hindi mataong off-peak period na ito para sa isang biyahe sa Italy.

Depende sa liturgical calendar, ang Carnevale at Easter ay maaaring madalas na pumatak sa Marso, kaya tingnan ang schedule ng mga event bago mo planuhin ang iyong biyahe. Kasama sa iba pang kilalang festival ang International Women’s Day sa Marso 8 at ang open monuments weekend kung kailan ang mga gusaling karaniwang sarado sa publiko ay nagbubukas para sa lahat. Nag-iiba ang mismong weekend bawat taon kaya siguraduhing magplano nang maaga kung gusto mong dumalo. Sa ibang lugar, nagpupunta ang mga runner sa Rome para sa taunang marathon habang dumaragsa naman sa Florence ang mga mahilig sa pagkain para sa tatlong araw nitong food fair na ginaganap sa loob ng Stazione Leopolda.

14°C

Pinakamataas

5°C

Pinakamababa

12 araw

Ulan

Kasagsagan na ng spring at nagiging sentro ng atensyon ang Easter week sa buong bansa sa kabuuan ng Abril. Nagpapatuloy ang mga pabago-bagong pattern ng panahon kaya magdala ng ilang waterproof na damit o kahit payong man lang para maging handa para sa mga ulan ng Abril. Ang mga mas banayad na temperatura ay ginagawang posible ang mas kumportableng outdoor exploration, lalo na sa mga namumulaklak na bundok ng Calabria at Sicily na may average na temperatura na humigit-kumulang 18°C.

Nagdadala ang Abril ng mahabang panahon ng mga festival, mula sa Salone Internazionale del Mobile ng Milan na nagpapakita ng mga kapansin-pansing furniture hanggang sa simula ng Maggio Musicale Florentino ng Florence na pinupuno ang lungsod ng mga theater at musical performance. Idinaraos ng Verona ang taunan nitong Vinitaly wine and spirits exhibition, na kumpleto sa mga tasting, workshop, at book reading. Doble ang selebrasyon saAbril 25 dahil ipinagdiriwang ng buong bansa ang Liberation Day at ginaganap sa Venice ang isang malaking party bilang pag-alala kay St. Mark – ang patron saint ng lungsod.

17°C

Pinakamataas

9°C

Pinakamababa

12 araw

Ulan

Kilala bilang buwan ng mga rosas, ipinapakita ng Mayo ang mga unang sign ng summer sa pamamagitan ng mas maiinit na temperatura at namumulaklak na tanawin sa countryside. Ang mga average high ay may posibilidad na maglaro sa pagitan ng 18–21°C ngunit dapat kang magdala ng manipis na sweater o coat para sa mas malalamig na gabi.

Ang Mayo 1 ay isang public holiday sa buong bansa kaya maaaring makakita ka ng ilang nakakatuwang festival at parada, ngunit asahang magiging sarado ang maraming service tulad ng mga shop at restaurant. Nagsisimula ang pinakamalaking bicycle race ng Italy – ang Giro d’Italia – sa unang bahagi ng Mayo at nagpapatuloy halos buong buwan habang dumaraan ito sa mga nakakapagod na Alpine route at mga urban city center. Makikita rin sa buwang ito sa maraming lungsod tulad ng Rome at Florence ang kanilang taunang Museum Night kung kailan nag-aalok ang malalaking gallery ng libreng entry, mga espesyal na event, at mas matagal na oras ng pagbubukas. Sa huling weekend ng buwan, binubuksan ng Cantine Aperte festival ang mga pinto sa daan-daang wine cellar sa buong bansa. Tikman ang mga wine mula sa iba’t ibang rehiyon at kilalanin ang mga producer para malaman ang tungkol sa lahat ng bagay mula sa pag-harvest ng ubas at distribusyon.

21°C

Pinakamataas

12°C

Pinakamababa

11 araw

Ulan

Opisyal nang nagsimula ang summer sa Italy, kaya dalhin ang iyong shades at shorts para sa mainit na panahon at maraming sikat ng araw. Humigit-kumulang 21°C ang average na temperatura sa simula ng buwan ngunit posibleng pumalo ng 30°C habang malapit nang magtapos ang buwan.

Ang Republic Day, na ginaganap sa Hunyo 2, ay isang pambansang holiday na nagdadala ng mga parada at party sa lahat ng sulok ng bansa. Malamang na gawin ng Rome ang pinakamalaking palabas sa pamamagitan ng aeronautical display mula sa Italian Air Force at mga libreng pagpasok sa mga museum na pinapatakbo ng lungsod. Sulitin ang magandang panahon sa pamamagitan ng paglilibot sa magandang Tuscan countryside o pagre-relax sa mabubuhanging beach ng Sardinia o ng Amalfi Coast. Para sa isang bagay na medyo kakaiba, tingnan ang Giostra del Saracino – isang medieval jousting tournament na ginaganap sa ikatlong Sabado sa Hunyo sa Tuscan town ng Arezzo.

26°C

Pinakamataas

16°C

Pinakamababa

9 araw

Ulan

Isa sa mga pinakamainit na buwan ng taon ang Hulyo, na may napakakaunting ulan at mga temperaturang hanggang 31°C. Tapos na ang pasok sa eskuwela pagsapit ng summer at nagpupunta ang mga pamilya sa mga bundok at mabubuhanging beach sa timog. Ginagawa ang mga lungsod at village ang pinakamagandang gimik para hatakin ang mga tao sa pamamagitan ng iba't ibang festival.

Sa kabila ng napakagandang panahon, puwedeng mapagod sa pamamasyal sa mga lungsod dahil sa matinding init kaya siguraduhing magdala ng maraming maninipis na damit, sunscreen, at uminom ng maraming tubig. Hindi magiging kapos sa mga option ang mga mahilig sa musika, dahil sa mga festival tulad ng Alkantara Fest ng Sicily at Umbria Jazz Festival na parehong nangyayari sa Hulyo. Nariyan din ang Ravello Music Festival na nag-aalok ng iba’t ibang pagtatanghal ng musika sa magandang setting sa kahabaan ng Amalfi Coast. Hindi rin nagpapahuli ang Rome at ginaganap ang kanilang Estate Romana, na puno ng mga performance at maraming itinatampok mula sa mga live concert at dance show hanggang sa late-night access sa mga museum.

29°C

Pinakamataas

19°C

Pinakamababa

6 araw

Ulan

May dalawang pangunahing keyword para ilarawan ang Italy sa Agosto – sobrang mahal at matao. Nagbabakasyon ang karamihan ng locals kaya sarado ang maraming negosyo tulad ng mga tindahan at restaurant para sa buong buwan. Pinakamainam na iwasang bumisita sa Agosto kung flexible ka, ngunit kung hindi, marami pa ring puwedeng makita at magawa – humanda lang na harapin ang mga tumataas na temperatura na hanggang 32°C.

Nagpapatuloy ang mga summer festival sa Sicily, kasama na ang international fire-dancing festival sa Palermo at Ypsigrock sa Castelbuono na nagiging host sa ilan sa pinakamalalaking rock acts sa mundo. Sa Agosto 15, nangyayari ang public holiday na kilala bilang Ferragosto, kung kailan ipinagdiriwang ng mga Katoliko ang pag-akyat ng Birheng Maria sa langit. Sinisimulan ng karamihan ng locals ang kanilang mga bakasyon sa summer sa panahong ito, kaya asahang mababakante ang mga lungsod at mapupuno ang mga beach.

29°C

Pinakamataas

19°C

Pinakamababa

7 araw

Ulan

Tamang-tamang panahon ang Setyembre para libutin ang Italy dahil nagsisimula nang bumaba ang mga temperatura at nag-uumpisang kumonti ang summer crowd. Ang average high ay nasa humigit-kumulang 27°C, ngunit mas malaki ang posibilidad ng pag-ulan kaysa sa mga nakaraang buwan kaya dalhin ang iyong payong.

Nagdaraos ang glamorosong Venice International Film Festival ng mga star-studded premiere sa Lido Beach, na karaniwang mula sa unang bahagi ng Agosto hanggang sa unang bahagi ng Setyembre ngunit nagbabago ang mga date bawat taon. Ginaganap din ng Floating City ang makasaysayang Regata Storica di Venezia sa unang Linggo ng Setyembre, na itinatampok ang mga koponan ng mga naka-costume na gondolier na naglalaban-laban sa isang karera sa kahabaan ng Grand Canal. Ang mga tagahanga ni Shakespeare ay maaaring sumali sa mga pagdiriwang para sa Kaarawan ni Juliet sa unang weekend ng buwan kung kailan daan-daang tao ang pumaparada sa mga kalye ng Verona suot ang mga period costume. Simula rin ng pag-harvest ng ubas kapag Setyembre kaya kung gusto mong uminom ng alak, pumunta sa Chianti para sa taunang wine expo o sa Douja d’Or National Wine Show sa Asti.

24°C

Pinakamataas

15°C

Pinakamababa

9 araw

Ulan

Ramdam na ang autumn sa Italy sa Oktubre at kasama nito ang mas banayad na temperatura na nasa low 20s. Gayunman, ang madalas na pag-ulan at mas malalamig na gabi ay nangangahulugang dapat ka pa ring magdala ng kaunting pampatong na damit. Magandang panahon ito para bisitahin ang mga beach ng timog na hindi na masyadong matao pero nananatiling mas mainit ang panahon.

Ginaganap ng Rome ang taunan nitong film festival sa huling bahagi ng buwan, kung kailan pumupunta ang mga Hollywood star sa makasaysayang capital para dumalo sa mga world premiere ng halos 40 pelikula. Para tuklasin ang ilan sa sikat na food scene ng Italy, ang mga mahilig sa matamis ay dapat pumunta sa Eurochocolate event ng Perugia. Bukod sa maraming chocolate, mayroon ding musika, mga workshop, at wine tasting. Kung dadaan ka sa Piedmont sa bayan ng Alba, mararanasan mo ang pinakamalaking truffle fair ng Italy, na ginaganap tuwing Sabado at Linggo sa Oktubre at Nobyembre.

19°C

Pinakamataas

12°C

Pinakamababa

11 araw

Ulan

Off-peak season ang Nobyembre para sa turismo sa Italy, kaya magandang panahon ito para damhin ang kultura nang walang masyadong tao – kahit na ramdam ang ginaw ng winter sa paligid. Bumabagsak ang mga temperatura nang hanggang 4°C sa hilaga habang nananatiling medyo mainit ang timog na may mga average na nasa pagitan ng 13–18°C. Dapat magsuot ng magkakapatong na damit at mga waterproof, dahil sa madalas na pag-ulan sa buong bansa.

Nagsisimula ang buwan sa All Saints’ Day sa Nobyembre 1 – isang national holiday na nag-aalok ng pagkakataong dumalo sa misa sa mga makasaysayang simbahan tulad ng Saint Mark’s Basilica sa Venice at St. Peter’s Basilica sa Vatican. Kasagsagan na ng truffle season, kung saan nagdaraos ang mga bayan tulad ng Alba at Asti sa Piedmont at ang medieval Tuscan hill town ng San Miniato ng mga fair na nakatuon sa napakamahal na fungi. Napakagandang buwan ang Nobyembre para sa mga tagahanga ng opera na maaaring manood ng mga performance sa mga world-famous venue tulad ng La Fenice sa Venice o La Scala sa Milan.

15°C

Pinakamataas

8°C

Pinakamababa

13 araw

Ulan

Sa Disyembre, ang mga napapanahong pagdiriwang ay nangyayari sa iba’t ibang dako ng bansa habang puspusan ang paghahanda para sa Kapaskuhan. Maaaring kasagsagan na ng winter pero puwedeng magpainit sa pamamagitan ng isang tradisyonal na tasa ng mulled wine kung malapit ka sa kabundukan, malapot na hot chocolate, o cup ng kape. Dalhin ang iyong mga glove, bonnet, at makakapal na damit para harapin ang mga napakalamig na temperatura na bumaba nang hanggang -4°C sa hilaga. Nagiging aktibo ang mga Alpine resort tulad ng Cervinia at Livigno para sa simula ng ski season, na puno ng maraming slope na may sapat na snow.

Sa Disyembre 8, Feast of the Immaculate Conception ang unang public holiday ng buwan at kadalasang nagtatampok ng mga parada at live music event. Nagbibigay ang mga Christmas market ng galak sa mga lungsod at village sa buong bansa, kung saan ang ilan sa mga pinakasikat ay kinabibilangan ng Perugia Christmas Festival, Trento Christmas Market, at ang Weihnachtsmarkt sa Merano. Kung nandito ka para sa mga pagdiriwang ng Bagong Taon, maaasahan mong makakita ng maraming fireworks sa mga pangunahing plaza at malalaking outdoor concert sa mga lungsod tulad ng Rome, Milan, at Rimini.

10°C

Pinakamataas

3°C

Pinakamababa

13 araw

Ulan

Weather at temperature sa Italy

Pagdating sa lagay ng panahon, pinakamagandang bumisita sa Italy mula Abril hanggang Hunyo at sa pagitan ng Setyembre at Oktubre, kapag banayad ang mga temperatura. Pinakamainam na iwasan ang mainit at maalinsangang Agosto kahit ano pang bahagi ng bansa ang bibisitahin mo. Nananatiling mainit ang panahon sa natural na maaraw na timog sa malaking bahagi ng taon, kaya ito ang lugar para sa magandang dalampasigan at mga temperaturang angkop para sa mga t-shirt. Ang mga coastal region sa hilaga tulad ng Italian Riviera at mga spot sa timog tulad ng Sardinia at Amalfi Coastang dapat iwasan sa panahon ng summer sa Hulyo at Agosto kung kailan tumataas ang mga temperatura patungong 30°C at matao ang mga beach. Kung gusto mo ng mas kaunting tao at mainit na panahon, bumisita mula Setyembre para parehong maranasan ito. Kung mas pinapaboran mo ang snow kaysa sa buhangin, karaniwang nangyayari ang ski season sa pagitan ng unang bahagi ng Nobyembre at Abril.

Enero Pebrero Marso Abril Mayo Hunyo Hulyo Agosto Setyembre Oktubre Nobyembre Disyembre
Roma Pinakamataas 13°C 13°C 17°C 20°C 23°C 28°C 31°C 31°C 27°C 23°C 18°C 14°C
Pinakamababa 4°C 4°C 7°C 10°C 13°C 17°C 20°C 20°C 17°C 14°C 10°C 5°C
Ulan 13 araw 11 araw 12 araw 13 araw 11 araw 10 araw 7 araw 7 araw 9 araw 12 araw 13 araw 13 araw
Milan Pinakamataas 7°C 8°C 15°C 18°C 22°C 27°C 30°C 29°C 24°C 18°C 13°C 8°C
Pinakamababa 1°C 0°C 5°C 9°C 13°C 17°C 20°C 19°C 15°C 11°C 6°C 1°C
Ulan 13 araw 11 araw 12 araw 13 araw 11 araw 10 araw 7 araw 7 araw 9 araw 12 araw 13 araw 13 araw
Florence Pinakamataas 10°C 10°C 15°C 18°C 22°C 28°C 31°C 31°C 25°C 21°C 15°C 10°C
Pinakamababa 2°C 3°C 6°C 9°C 11°C 16°C 18°C 18°C 15°C 12°C 8°C 3°C
Ulan 13 araw 11 araw 12 araw 13 araw 11 araw 10 araw 7 araw 7 araw 9 araw 12 araw 13 araw 13 araw
Naples Pinakamataas 13°C 12°C 16°C 19°C 22°C 27°C 30°C 31°C 27°C 23°C 18°C 14°C
Pinakamababa 6°C 5°C 8°C 11°C 14°C 18°C 21°C 21°C 18°C 15°C 11°C 6°C
Ulan 13 araw 11 araw 12 araw 13 araw 11 araw 10 araw 7 araw 7 araw 9 araw 12 araw 13 araw 13 araw
Venice Pinakamataas 8°C 9°C 14°C 18°C 22°C 27°C 29°C 29°C 24°C 19°C 14°C 8°C
Pinakamababa 2°C 2°C 6°C 10°C 14°C 18°C 21°C 20°C 16°C 12°C 7°C 2°C
Ulan 13 araw 11 araw 12 araw 13 araw 11 araw 10 araw 7 araw 7 araw 9 araw 12 araw 13 araw 13 araw
Bologna Pinakamataas 7°C 7°C 14°C 18°C 22°C 28°C 31°C 30°C 24°C 18°C 13°C 7°C
Pinakamababa 1°C 0°C 5°C 9°C 12°C 17°C 19°C 19°C 14°C 11°C 6°C 1°C
Ulan 13 araw 11 araw 12 araw 13 araw 11 araw 10 araw 7 araw 7 araw 9 araw 12 araw 13 araw 13 araw

Mula sa Forecast.io ang weather data

Halaga ng stay sa Italy

Gustong mag-travel nang sulit? Dito, puwede mong tingnan ang average na halaga ng accommodation sa Italy kada gabi.

    0 49 98 147 196
  • ₱ 8,418 Enero
  • ₱ 9,074 Pebrero
  • ₱ 9,280 Marso
  • ₱ 10,747 Abril
  • ₱ 11,030 Mayo
  • ₱ 11,216 Hunyo
  • ₱ 11,538 Hulyo
  • ₱ 11,594 Agosto
  • ₱ 11,287 Setyembre
  • ₱ 11,225 Oktubre
  • ₱ 8,877 Nobyembre
  • ₱ 11,320 Disyembre
    0 49 98 147 196
  • ₱ 6,966 Enero
  • ₱ 7,382 Pebrero
  • ₱ 7,719 Marso
  • ₱ 8,669 Abril
  • ₱ 8,559 Mayo
  • ₱ 8,552 Hunyo
  • ₱ 9,119 Hulyo
  • ₱ 9,214 Agosto
  • ₱ 8,239 Setyembre
  • ₱ 8,408 Oktubre
  • ₱ 6,882 Nobyembre
  • ₱ 7,970 Disyembre
    0 49 98 147 196
  • ₱ 2,368 Enero
  • ₱ 2,614 Pebrero
  • ₱ 3,137 Marso
  • ₱ 3,905 Abril
  • ₱ 4,059 Mayo
  • ₱ 4,263 Hunyo
  • ₱ 3,922 Hulyo
  • ₱ 3,608 Agosto
  • ₱ 3,600 Setyembre
  • ₱ 3,681 Oktubre
  • ₱ 2,778 Nobyembre
  • ₱ 2,787 Disyembre
    0 49 98 147 196
  • ₱ 5,850 Enero
  • ₱ 6,008 Pebrero
  • ₱ 6,459 Marso
  • ₱ 6,917 Abril
  • ₱ 7,626 Mayo
  • ₱ 8,003 Hunyo
  • ₱ 9,285 Hulyo
  • ₱ 9,691 Agosto
  • ₱ 7,529 Setyembre
  • ₱ 7,032 Oktubre
  • ₱ 5,877 Nobyembre
  • ₱ 6,888 Disyembre
    0 49 98 147 196
  • ₱ 5,224 Enero
  • ₱ 5,349 Pebrero
  • ₱ 6,045 Marso
  • ₱ 6,749 Abril
  • ₱ 7,074 Mayo
  • ₱ 7,149 Hunyo
  • ₱ 7,273 Hulyo
  • ₱ 7,447 Agosto
  • ₱ 7,093 Setyembre
  • ₱ 6,869 Oktubre
  • ₱ 5,670 Nobyembre
  • ₱ 5,909 Disyembre

Pinakamagagandang puntahang lugar sa Italy

Tingnan ang ilan sa mga pinakasikat na lungsod, mapupuntahang lugar, at dapat gawin sa Italy!

Ano ang sinasabi ng ibang travelers sa kanilang bakasyon sa Italy