Academia.eduAcademia.edu

PAPEL-PANANALIKSIK

UNANG KABANATA: KAUGNAY NG PAG-AARAL A. TESIS NA PANGUNGUSAP 1. Ano kaya ang masasamang epekto ng paglalaro ng Computer Games sa mga Kabataang Pilipino? 2. Bakit kailangan nating malaman ang masasamang epekto na dulot ng Computer Games sa Kabataan? 3. Ito ba ay makakatulong hindi lamang sa mga kabataan kundi pati na rin sa mga magulang? 4. Gaano nga ba ka-importante ang malaman ang pag-aaral na ito? 5. May mabuting epekto kaya ang paglalaro ng Computer Games sa mga Kabataan? B. RASYONAL Ang aking napiling paksa ay “Masasamang Epekto ng Online Games sa mga Kabataan” dahil kaugnay ito sa aking pansariling karanasan kung saan napapansin ko ang masasamang epektong dulot nito sa aking sarili. C. MGA LAYUNIN Ang layunin ng papel pananaliksik na ito ay mailahad ang masasamang epekto ng labis na paglalaro ng Online Games sa mga kabataang Pilipino at kung papaano maiiwasan ang pagkalulong rito. D. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL Ang kahalagahan ng tesis na ito ay mabigyang-pansin ng mga kabataan ang iba pang mahahalagang gampanin sa lipunan bukod sa paglalaro ng Online Games at magkaroon ng kamalayan ang mga magulang sa kanilang mga anak. E. DELIMITASYON AT LIMITASYON Ang Delimitasyon at Limitasyon ng pananaliksik na ito ay ang mga Kabataan na may edad labindalawa (12) hanggang dalawampu (20) na walang pinipiling kasarian sa bawat respondente ng Barangay Culiat ngayong taong 2017. F. INAASAHANG OUTPUT Ang inaasahang output ng mananaliksik ay malaman ang masasamang epekto ng Online Games sa mga Kabataan at kung makakatulong ba ang pag-aaral na ito sa kaalaman ng bawat Kabataan. G. KONSEPTWAL NA BALANGKAS KABATAAN PAGKALULONG PAG-IWAS ONLINE GAMES Pag-aaway ng Pamilya Pag-gasta ng Pera Pagbabaya sa Pag-aaral Pag-iipon Tutok sa Pag-aaral MASAMANG EPEKTO MABUTING EPEKTO ] H. DEPINISYON NG MGA TERMINO 1. PANGALAWANG KABANATA: KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA A. Mga Kaugnay na Pag-aaral Isa ang Pilipinas sa mga bansa kung saan patok na patok ang Online Games lalo na sa mga kabataan. Halos karamihan nga ng kabataan ngayon ay may isang kinahuhumalingang laro na halos hindi makukumpleto ang kanilang araw kung hindi nalalaro ang larong ito. Silipin natin ang ilan sa mga pag-aaral na ginawa kaugnay sa pananaliksik na ito. Ayon sa isang artikulo ng www.untvweb.com, Pangkaraniwan sa mga nauusong online games ang League of Legends, Cabal Online at ang pinaka-popular na Defense of the Ancients o ang DotA. Ngunit minsan umano ay hindi na simpleng online game lamang ang mga ito dahil karamihan sa mga naglalaro nito ay nagpupustahan at ang iba naman ay nalilipasan na ng gutom o kaya naman ay hindi na kumakain at natutulog makapaglaro lamang nito. Ayon kay Dr. Jose George Los Banos, isang psychiatrist, isa itong maituturing na adiksyon na nagdudulot ng masamang epekto sa isang tao. “Online game siya and it really hits you to be part of something lalo na yung basic human instrinct.” Pahayag nito. “Yung addiction, may pangangailangan na natutugunan kasi yun for any person so sa part ng mga bata ay yung pagiging involve dun sa game mismo, they really live in the world of the game.” Dagdag pa niya, malaki rin ang epekto ng online games sa pag-uugali ng isang tao. Aniya, “nagiging violent talaga sila, violent kahit sa mga magulang.” Ayon naman kay David Walsh, pangulo ng National Institute on Media and the Family na itinatampok umano ng isang bahagi ng mga laro ang mga tema ng karahasan, sekso at malalaswang pananalita na nakasasama sa lipunan. Nakakalungkot rin umano dahil ito’y isang bahagi ng laro na waring popular na popular sa mga batang ang edad ay walo hanggang 15. Ayon naman sa sikologo sa militar na si David Grossman sa kanyang aklat na “On Killing”, sinasanay ng karahasan ng mga laro sa computer ang mga bata sa katulad na paraan kung paanong itinuturo sa mga sundalong sinasanay sa militar na kanilang daigin ang likas na pagtangging pumatay. Dagdag pa niya na tinuturuan ng mararahas na laro ang mga bata ng kakayahan at pagnanais na pumatay. Ayon sa isang artikulo ng www.jw.org, sa pagitan ng lima at walong taong gulang umano sa Estados Unidos ay nasuri na sobra sa timbang. Ang kawalan umano ng ehersisyo ang malamang na nakadaragdag sa suliranin dahil sa pagbababad sa harap ng iskrin ng computer. Maliwanag rin daw na makabubuting limitahan ang oras na ginugugol sa gayong mga laro at magkaroon ng maraming oras sa ibang Gawain na makatutulong sa isang bata na maglinang ng isang mabuting personalidad. Sa isa pang parte ng artikulo nakasaad na maaaraming magkaroon ng problema sa mata dahil sa pagtitig sa iskrin sa loob ng mahabang oras. Ipinakikita ng mga sarbey sa isinagawa na sangkapat ng lahat ng gumagamit ng computer ay nakararanas ng mga problema sa paningin. Ang isang dahilan umano ay mahabang pagtitig sa iskrin na sanhi ng pagkatuyo at pananakit ng mata. Ayon sa isang pananaliksik sa internet na ang mga computer games ay nagpapalalim sa paraan ng pag-iisip ng isang manlalaro. Sa pamamagitan din ng mga larong ito, natuto ang mga gamers ng mga stratehiya para malagpasan ang napakaraming pagsubok sa laro. Ayon sa kamag-aral ng isa sa mga mananaliksik ay nakapagbibigay kasiyahan umano sa kaniya ang mga larong ito. Nilalayo siya ng mga ito sa tunay na mga problema sa buhay. Ang mga computer games din umano ay nagbibigay daan sa mga gamers upang makasalamuha ang mga tao sa internet na kahit hindi nagkikita sa personal ay tinuturing nila ang isa’t isa na kaibigan. IKATLONG KABANATA: METODOLOHIYA SARBEY Ang mananaliksik ay nagsagawa ng sarbey sa iba’t-ibang Computer Shops o Internet Café sa Barangay Culiat. Iilan sa manglalaro sa Computer Shops na ito ay sumagot sa mga kwestyuner na may kinalaman sa paglalaro ng Online Games at mga epekto nito. Nagsagawa rin ang mananaliksik ng sarbey na may kaparehong katanungan sa Facebook,isang social media platform sa kanyang mga kakilala na naninirahan sa Barangay Culiat.