Yakan
Ang mga Yakan ay ang pangunahing pangkat ng mga Muslim na nasa Basilan, isang pulo na nasa timog lamang ng lalawigan ng Zamboanga sa Mindanao, Pilipinas. Tinawag ng mga Kastila ang mga taong Yakan bilang Sameacas at itinuring nila ang mga taong ito bilang "mahirap lapitan" at kung minsan bilang mga taong mapusok na naninirahan sa mga burol (Wulff 1978:149; Haylaya 1980:13).
Ang mga Yakan ay mayroong tampok na mga katangian na mula sa mga Malay. Maliit ang balangkas ng kanilang pangangatawan, na mayroong kayumangging balat, singkit na mga mata at maiitim na mga buhok; na mga katangiang kahalintulad ng sa mga Dayak ng Hilagang Borneo. Nagsasalita ang mga Yakan ng isang wikang nakikilala bilang Bahasa Yakan, na isang baryasyon ng Samal Sinama o Siama at ng Mga Wika ng Tausug (Jundam 1983: 7-8). Isinusulat ang wikang Yakan sa alpabetong Arabeng Malayano, na mayroong mga adaptasyon o pagbabagay ng mga tunog na wala sa wikang Arabe (Sherfan 1976).
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Kalinangan at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.