Pumunta sa nilalaman

Wikipedia:Limang haligi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Maaring ibuod ang mga pangunahing prinsipyo ng Wikipedia sa limang "haligi":

Ang Wikipedia ay isang ensiklopedya

Pinagsasama ng Wikipedia ang maraming katangian ng pangkahalatan at espesyalisadong ensiklopedya, almanake, at diksiyonaryong heograpiko. Ang Wikipedia ay hindi isang soapbox (o paraan para gawin ang promosyon), isang plataporma sa pagpapatalastas, isang banidosong palimbagan, isang eksperimento sa anarkiya o demokrasya, isang magulong koleksyon ng impormasyon, ni hindi rin isang direktoryo sa web. Hindi ito isang diksiyonaryo, isang pahayagan, ni hindi rin koleksyon ng mga dokumentong sanggunian, bagaman may ilang kapwa proyektong Wikimedia ang ganito.

Nakasulat ang Wikipedia sa punto de bistang walang pinapanigan

Nagsisikap kami na magkaroon ng isang walang kinikilingang tonong mga artikulo na dinodokumento at pinapaliwanag ang mga pangunahing pananaw, na nagbibigay ng angkop na timbang para sa kanilang kalantaran. Iniiwasan namin ang adbokasiya, at pinapakilala namin ang impormasyon at mga isyu sa halip na pagtalunan ang mga ito. Sa ilang mga paksa o seksyon, maaring may nag-iisa lamang na punto de bista; sa iba, sinasalarawan namin ang maramihang pananaw, na pinapakita ang bawat isa na tumpak at nasa konteksto sa halip na "ang katotohanan" o "ang pinakainam na pananaw". Magsisikap dapat ang lahat ng mga artikulo para sa katumpakang napapatunayan, tukuyin ang maasahan, pinapaniwalaang sanggunian, lalo na kung ang paksa ay kontrobersyal o tungkol sa isang buhay na tao. Hindi nabibilang sa Wikipedia ang pansariling karanasan, interpretasyon, o opinyon ng patnugot.

Malaya ang nilalaman ng Wikipedia na maaring gamitin, baguhin, at ipamahagi ng sinuman

Dahil nililisenya ng malaya ang mga ginawa ng lahat ng patnugot sa publiko, walang patnugot ang nagmamay-ari ng isang artikulo at anumang kontribusyon nila ay maaring baguhin ng walang awa at muling ipamahagi. Igalang ang batas sa karapatang-ari, huwag kailanmang mangopya ng materyal na nakakarapatang-ari na nanggaling kahit saan man. Pinapahintulot minsan ang paghiram ng di-malayang midya bilang patas na gamit, subalit magsikap na maghanap ng malayang alternatibo muna.

Dapat itrato ng mga patnugot ng Wikipedia ang bawat isa na may respeto at sibilidad

Igalang ang iyong kapwa Wikipedista, kahit na hindi ka sumasang-ayon sa kanila. Ipatupad ang etiketa, at huwag makisali sa personal na mga atake. Hanapin ang konsenso o pangkalahatang kasunduan, iwasan ang labanan sa pagpapatnugot, at huwag kailanmang guluhin ang Wikipedia para lamang ipaliwanag ang isang punto. Umakto ng may katapatan ng intensyon, at ipalagay ang katapatan ng intensyon ng iba. Maging bukas at maging malugod sa pagtanggap ng mga baguhan. Kapag nagkaroon ng mga salungatan ng kuro-kuro, pag-usapan ito ng mahinahon sa naaangkop na pahina ng usapan, sundan ang mga pamamaraan sa pagresolba ng alitan, at isaalang-alang na may 48,037 ibang artikulo sa Wikipediang Tagalog na pagbubutihin at pag-uusapan.

Walang pirming tuntunin ang Wikipedia

May mga patakaran at gabay ang Wikipedia, subalit hindi nakataga sa bato ang mga ito; maaring mabago ang kanilang nilalaman at interpretasyon sa paglipas ng panahon. Mahalaga ang mga prinsipyo at espiritu kaysa literal na salita, at nangangailangan minsan ang pagpapabuti ng Wikipedia ng paggawa ng mga eksepsyon. Maging matapang, ngunit maingat, sa pagbabago ng mga artikulo. At huwag mag-alala sa nagawang pagkakamali: (halos) naitatala ang lahat ng nakaraang bersyon ng isang pahina, kaya, madaling itama ang mga pagkakamali.