Pumunta sa nilalaman

Wicked (musikal)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya


Ang Wicked (buong pamagat: Wicked: The Untold Story of the Witches of Oz) ay isang musikal na may musika at titik ni Stephen Schwartz at aklat ni Winnie Holzman. Batay ito sa 1995 na nobela ni Gregory Maguire na Wicked: The Life and Times of the Wicked Witch of the West, isang kaalinsabay na nobela ng 1939 na pelikulang The Wizard of Oz at ng klasikong kuwento ni L. Frank Baum na The Wonderful Wizard of Oz. Isinasalaysay ang musikal mula sa perspektibo ng mga witch sa Land of Oz; nagsisimula ang istorya bago at nagpapatuloy sa pagdating ni Dorothy sa Oz mula Kansas at naglalaman ng maraming pagtukoy sa 1939 na pelikula at nobela ni Baum. Ikinukuwento ng Wicked ang di-inaasahang pagkakaibigan nina Elphaba (ang Wicked Witch of the West) at Glinda (ang Good Witch of the North), dahil sa kanilang magkasalungat na kaugalian at pananaw, agawán sa iisang iniibig, tugon nila sa tiwalíng pamamahala ng Wizard at di-kalaunang pagkapoot ng taong-bayan kay Elphaba.