Pumunta sa nilalaman

Tsokolateng burol

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Chocolate Hills

Ang mga Tsokolateng Burol (Ingles: Chocolate Hills), o ang mga "karamelo", ay isang anyong lupa sa Bohol, Pilipinas.[1] Mayroon tinatayang 1,260 mga burol subalit maaaring nasa 1,776 ang mga burol ang nakakalat sa kabuuang lupa na 50 square kilometre (20 mi kuw).[2] Nababalot ng mga luntiang damo ang burol at nagiging kulay tsokolate kapag tag-araw, kaya naging Tsokolateng Burol ang pangalan nito.

Sikat na atraksiyon ang mga Tsokolateng Burol sa Bohol. Tampok ang mga ito sa panlalawigang watawat at sagisag ng lalawigan ng Bohol na sumasagisag nang mayamang likas na yaman ng lalawigan.[3]

  1. Eye on the Philippines Naka-arkibo 2006-12-08 sa Wayback Machine. Global Eye Retrieved 22 Disyembre 2006.
  2. Chocolate Hills Naka-arkibo 2015-04-09 sa Wayback Machine. Seven Natural Wonders. Retrieved 10 Disyembre 2011.
  3. The Bohol Flag and Seal Naka-arkibo 2007-04-08 sa Wayback Machine. www.bohol.gov.ph Retrieved 15 Nobyembre 2006.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.