Teorya ng dependensiya
Ang teoryang dependensya ay ang paniniwala na ang pinagkukunang-yaman ay dumadaloy mula sa "silid" ng nasa mahihirap na kalagayan tungo sa "sentro" ng mayayamang estado, kung saan ang kapalit ng pag-unlad ay ang paghirap ng isa. Ito ay sentral na argumento ng teoryang dependensya na ang mahihirap na estado ay pinagkaitan at ang mayayaman ay pinagkalooban sa paraan kung paano isinama ang mahihirap sa "pamamalakad ng mundo."
Ang teorya ay umusbong bilang isang reaksyon sa teoryang modernisasyon, isang naunang teorya ng pag-unlad kung saan ang lahat ng lipunan ay umuunlad sa pamamagitan ng magkakaparehong hakbang sa pagsulong, na ang hindi gaanong maunlad na lugar ngayon ay kaya nasa parehong sitwasyon ng mga maunlad na lugar sa kasalukuyan sa ilang pagkakataon ng nakaraan, at kaya ang tungkulin sa pagtulong sa mga lugar na hindi makawala sa kahirapan ay iahon sila sa dapat na panglahatang landas ng pag-unlad sa iba’t ibang paraan kagaya ng pamumuhunan, pagbabahagi ng teknolohiya, at mas malapit na integrasyon sa mundong pangkalakalan. Sinalungat ng teoriyang dependensya ang pananaw na ito, pagtututol na ang mahihirap na bansa ay hindi lamang naunang bersiyon ng maunlad na mga bansa, subalit ay mayroong sarili at kakaibang katangian at istruktura; at higit sa lahat ay nabibilang sa dehadong kasapi sa ekonomiya ng mundong pamilihan.
Ang teoryang dependensya ay wala na masyadong tagataguyod bilang isang pangkalahatang teorya, ngunit ang ilang manunulat ay nakipagdebate sa patuloy nitong kaugnayan bilang isang pangkonseptong oriyentasyon sa paghahati-hati ng yaman ng mundo.
Salin mula sa https://en.wikipedia.org/wiki/Dependency_theory