Tatlong Kaharian ng Korea
Tatlong Kaharian ng Korea | |
---|---|
Mapa ng Tatlong Kaharian ng Korea, sa pagtatapos ng ikalimang siglo | |
Pangalang Korean | |
Revised Romanization | Samguk |
McCune-Reischauer | Samguk |
Hangul | 삼국 |
Hanja | 三國 |
Ang Tatlong Kaharian ng Korea ay ang mga kaharian ng Goguryeo, Baekje at Silla, na sumaklaw sa Tangway ng Korea at Manchuria, sa pagitan ng unang siglo BC at ikapitong siglo AD. Mayroon ding maliliit na kaharian at mga estadong tribo bago at kasabay ng panahon ng Tatlong Kaharian, kinabibilangan ng Gaya, Dongye, Okjeo, Buyeo, Usnan, Tamna, at iba pa.
Ayon sa kaugalian, nagsimula ang panahong ito mula 57 BC, nang ang kahariang Saro (naging Silla nang lumaon) sa timog-silangang bahagi ng tangway ay nagkaroon ng awtonomiya sa ilalim ng imperyong Tsino ng dinastiyang Han. Natamo ng Goguryeo sa hilaga at ang timog ng Ilog Yalu (Ilog Amnok sa wikang Korean) ang kalayaan sa ilalim ng mga Tsino noong 37 BC. Noong 18 BC, dalawang prinsipeng Goguryego ang umalis dahil sa labanan kung sino ang magiging tagahalili, at itinatag ang Baeakje sa timog kanlurang bahagi ng tangway (Seoul sa ngayon), at naging kabisera nito ang Ungjin (Gongju o Chongju sa ngayon) at lumaon inilipat sa Sabi (Puyo sa ngayon) sa timog kanluran ng Seoul. Humiwalay ang kahariang Gaya mula sa Beakje noong unang siglo AD.
Nagsimula ang pagsulong ng Tatlong Kaharian sa katapusan ng dinastiyang Han, sa simula ng ikatlong siglo. Mayroong iisang kultura ang tatlong kaharian. Lumaganap ang Confucianism sa mataas na lipunan ng Korea mula unang siglo AD. Lumaon, ganap itong napalitan ng Buddhism.
Mayroong dalawang kabisera na nagsasalitan ang Goguyeo, ang pinakamalaki sa tatlo. Ang Nangnang (Pyongyang ngayon) at Kungae sa Ilog Yalu. Sa simula, matatagpuan ang pamahalaan sa hangganan ng Tsina, unti-unting sinasakop nito ang malalawak na teritoryo ng Manchuria at nataboy sa wakas ang mga Tsino sa Nangnang noong 313. Nanatili ang implewensyang pangkultura ng mga Tsino hanggang pinagtibay ang Buddhism bilang opisyal na relihiyon noong 372.
Noong ikaapat na siglo, umunlad ang Baekje at nangibabaw sa halos kalahati ng tangway, at katimugang bahagi.
Pinangalanang Silla noong 503, sinakop ng kahariang Saro ang buong kaharian ng Kaya (o Gaya) na nasa kanyang hangganan sa unang bahagi ng ikaapat na siglo. Gumsong (Gyeongju o Kyongju sa ngayon) ang kabisera ng Silla. Naging opisyal na relihiyon ang Buddhism noong 528.
Kaanib ng Tsina, dinastiyang Tang, sinakop ng Sila ang Goguryeo noong 668, pakatapos lamang masakop ang Baekje noong 660. Dito nagsimula ang panahon ng Unified Silla at tinapos ang pahahon ng "Tatlong Kaharian."
Ginamit ang pangalang "Samguk" o "Tatlong Kaharian" sa pamagat na Korean ng mga klasikong kasulatang "Samguk Sagi" at "Samguk Yusa."