Tanaga
Ang tanaga ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na kinaugaliang ginagamit sa wikang Tagalog. Ang makabagong tanaga ay ginagamit sa mga iba't ibang wikang Pilipino at Ingles dahil sa kanyang katanyagan sa ika-20 siglo. Lumaos ito sa huling bahagi ng ika-20 siglo, ngunit muling isinilang ito ng kapanlahatan ng mga Pilipinong alagad-sining sa ika-21 siglo. May estruktura itong apat (4) na taludtod at pitong (7) pantig kada taludtod. Naglalaman ito ng pang-aral agimas at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan. Naglalaman din ito ng matalinghagang pananalita.
Pagkakaayos
[baguhin | baguhin ang wikitext]Binubuo ang tanaga ng apat na taludtod na may pitong pantig bawat taludtod. Magkatugma ang mga rima sa dulo ng bawat taludtod ---- yaon ay isang 7-7-7-7 Papantig na taludtod na may pagririmang AABB.
Sa orihinal na Tagalog,[1] gamit ang makalumang ortograpiya:
"Catitibay ca tolos
sacaling datnang agos!
aco’I momonting lomot
sa iyo,I popolopot."
Sa makabagong ortograpiya ng Tagalog:
"Katitibay kang Tulos
Sakaling datnan ng agos!
Ako ay mumunting lumot
sa iyo ay pupulupot."
Ipinapalagay ang tanaga sa itaas ay kina Prayleng Juan de Noceda at Pedro de Sanlucar ni Vim Nadera, at sinipi niya ang sinabi nilang “Poesia muy alta en tagalo, compuesta de siete silabas, y cuatro versos, llena de metafora.” (ika-16 na siglo) ("Medyo mataas ang panulaan sa Tagalog, binubuo ng pitong pantig, at apat na taludtod, puno ng metapora.")
Tulad ng haiku ng Hapones, kinaugaliang walang pamagat ang mga tanaga. Sila ay mga matulaing anyo na nagsasalita para sa kanilang sarili. Ipinapasa-pasa ang karamihan sa pamamagitan ng sali’t saling sabi, at naglalaman ng mga salawikain, araling moral, at pira-piraso ng alituntunin ng pag-uugali.
Ang ambahan ay isang matulaing anyo na magkahawig sa tanaga. Di-katulad sa ambahan na may walang tiyak na haba, ang tanaga ay masinsin pitong-pantig na kuwarteta. Sinusubok ng mga makata ang kanilang kakayahan sa rima, sukat at metapora sa pamamagitan ng tanaga, hindi lamang dahil magkatunog at nakasukat ito, ngunit dahil nangangailangan ito ng mahusay na paggamit ng mga salita para makalikha ng bugtong na humihingi ng sagot.
Halos itinuturing ito bilang namamatay na anyo ng sining, ngunit kasalukuyang isinisilang ito muli ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas at Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining. Itinataguyod ng mga grupo ng panulaan, tulad ng PinoyPoets, ang Filipinong panluaan sa Ingles; itinataguyod din ng bernakular ang paglaganap ng anyong sining na ito.
Makabagong anyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ginagamit pa rin ng makabagong tanaga ang 7777 pagbilang ng pantig, ngunit nag-iiba ang mga anyo ng rima: AABB, ABAB, ABBA; at kahit mga anyong freestyle tulad ng AAAB, BAAA, o ABCD. Kinaugaliang walang pamagat ang mga tanaga dahil nagsasalita ito sa ganang sarili. Gayunman, maaaring magpasiya ang mga makabagong manunulat na bigyan sila ng pamagat.[1]
Sa mga ibang wika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Habang nilayon ang tanaga na sulatan sa Tagalog, nasulat na ito sa mga ibang wika tulad ng Ingles. Hinihikayat ang mga manunulat sa buong mundo na gumamit ng tanaga.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ de Noceda, Juan; Pedro de San Lucar (1754). Vocabulario de la lengua tagala, trabaxado por varios sugetos doctos y graves. Manila: Imprenta de la Compañía de Jesús. pp. 324, 440.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ambahan Naka-arkibo 2005-03-07 sa Wayback Machine.