Pumunta sa nilalaman

Nasturtium

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Nasturtium
Tropaeolum majus
Klasipikasyong pang-agham e
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Rosids
Orden: Brassicales
Pamilya: Tropaeolaceae
Sari: Tropaeolum
L.
Uri

Mga 80 na uri

Ang Nasturtium, na nasa saring Tropaeolum, ay isang pangkat ng mga bulaklak na dating katutubo lamang sa Timog Amerika subalit malawakan nang pinaparami at inaalagan sa iba pang mga pook. Mayroong hugis tangkakal o kalasag na mga dahon at may kapansinpansing mga bulaklak ang maraming mga uri nito. May kulay dilaw, pula, at iba pang mga kulay ang mga bulaklak nito. Kadalasang binuburo ang mga buto at mga likbit nito upang magsilbi bilang pagkain. Ginagamit sa mga ensalada ang maaanghang na mga dahon nito.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Nasturtium". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977., Dictionary Index ng titik na N, pahina 431.

Halaman Ang lathalaing ito na tungkol sa Halaman ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.