Napindan
Barangay Napindan, Lungsod ng Taguig, Kalakhang Maynila | ||
---|---|---|
Barangay | ||
Tanawin sa Napindan, Taguig | ||
| ||
Mga koordinado: 14°32′23″N 121°5′24″E / 14.53972°N 121.09000°E | ||
Bansa | Pilipinas | |
Rehiyon | Kalakhang Maynila | |
Lungsod | Lungsod ng Taguig | |
Pamahalaan | ||
• Uri | Barangay | |
• Kapitan ng Barangay | Virgilio C. Dela Paz | |
Sona ng oras | GMT (UTC+8) | |
Zip Code | 1637 | |
Kodigo ng lugar | 02 |
Ang Barangay Napindan (PSGC: 137607010) ay isa sa dalawampu't walong barangay ng Lungsod ng Taguig sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Daan taon bago dumating ang mga Kastila, ang nayon ng Napindan ay isang masukal at madamong pook na nasa Lawa ng Laguna. Ayon sa isang alamat, isang anak ng datu sa Tipas ang nakarating sa pulo ng Napindan. Ang Napindan noon ay mistulang isang pulo sapagka’t napapalibutan ng ilog at mga sapa, gaya ng Ilog Napindan, Sapang Mababaw, Sapang Katuwiran at Sapa ni Kapitan Ciano. Isang araw ay napaligaw ang isang anak ng datu ng Tipas sa pulo ng Napindan na noon ay pinamumugaran ng mga tulisan. Hinuli nila ang prinsipe at kanilang pinatay, ang bahagi ng katawan nito ay tinaga nila o “pinindang” at isinabit sa siit ng kawayanan hanggang matuyo. Nilusob ng datu ang mga tulisan at tinularan ang ginawa sa prinsipe. Pinindang nila ang mga tulisan. Hindi naglaon at dumayo ang mga tao sa pook na iyon, nilinis ang dawag at sila’y nanirahan doon sapagka’t malapit sa ilog at mga sapa at nasa bukana ng Lawa ng Laguna, na makali silang makapangisda. Nang dumating ang mga kastila at tinanong sa mga katutubo ang pangalan ng pook na may kawayanan na siyang pinapalitan ng pindang na tao, ang isinagot ay “Napindang”. Mula noon ay tinawag ang pamayanan ng “Napindan”.
Ang isa pang sinasabing pinanggalingan ng salitang Napindan ay batay sa katangian ng nasabing pook. Ang Napindan ay nahahati sa dalawang bahagi na binagtas ng isang ilog sanhi sa malakas na agos o daloy ng tubig na nagmumula sa ilog Tipas patungo sa Lawa ng Laguna, ang kalupaan ay “nabutas” o “napindang” (isang matandang salitang tagalog). Mula noon ang naturang pook na nasa baybayin ng ilog ay tinawag na Napindan. Ang mga mamamayang naninirahan doon ay pawang mula sa nayon ng Tipas, at halos lahat ng angkan sa Napindan ay may kamag-anak sa naturang nayon gaya ng Natividad, Esguerra, Mozo, Talampas.
Aglipay (IFI) ang pangunahing relihiyon sa Napindan, na kinabibilangan ng mga angkan at pamilyang nabanggit.
Edukasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Napindan Integrated School (Primary, Secondary, Senior High School)
- St. Uriel Academy of Taguig City (Primary, Secondary, Senior High School)
Pamahalaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sangguniang Barangay
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Kapitan: Hon. Virgilio C. Dela Paz
- Kagawad ng barangay:
- Hon. Andy S. Geronimo
- Hon. John John E. Bautista
- Hon. Eleazar F. Liton
- Hon. Joie Talampas
- Hon. Rommelen B. Mozo
- Hon. Donato L. Talampas
- Hon. Rowie Nel E. Olinares
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Barangay Napindan, Lungsod ng Taguig Naka-arkibo 2009-09-27 sa Wayback Machine.