My Chemical Romance
My Chemical Romance | |
---|---|
Kabatiran | |
Pinagmulan | Jersey City, New Jersey, Estados Unidos |
Genre | Mga may alitang genre |
Taong aktibo | 2001–kasalukuyan |
Label | Reprise Records/Warner Music, Eyeball Records |
Miyembro |
|
Dating miyembro | |
Website | Opisyal na Websayt ng My Chemical Romance |
Ang My Chemical Romance (kadalasang pinaiikling MCR o My Chem)[1] ay isang Amerikanong limahang grupong pang-rock na nabuo noong 2001. Kasalukuyang kasapi nito sina Gerard Way, Mikey Way, Frank Iero, Ray Toro, Bob Bryar at James Dewees. Sa maikling panahon ng pagbubuo, lumagda ang banda para maghanap-buhay para sa Eyeball Records at inilunsad ang kanilang pagpapakilalang album na I Brought You My Bullets, You Brought Me Your Love noong 2002. Noong sumunod na taon, pumirma sila para sa kompanyang Reprise Records at inilabas ang kanilang pangunahing tatak pampakilalang Three Cheers for Sweet Revenge noong 2004. Naging matagumpay sa kalakalang pangtugtugin ang album na ito, na nakapagbili ng higit sa isang milyong mga kopya. Nasundan pa ang pagwawaging ito ng The Black Parade nang sumapit ang 2006, na naglalaman ng mga patok na mga awiting "Welcome to the Black Parade", "Famous Last Words", "I Don't Love You", at "Teenagers". Gumawa rin sila ng DVD na The Black Parade Is Dead!, na kinunan sa Lungsod ng Mehiko, at inilabas noong 1 Hulyo 2008.[2]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Simula ng Propesyon (2001-2002)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang banda ay binuo nina Gerard Way at Matt Pelissier halos magiisang linggo nang lusubin ang World Trade Center noong 11 Setyembre 2001. Pagkatapos makita ni Gerard Way ang pagbagsak ng mga eroplano sa World Trade Center, napagtanto ni Way na kailangan niyang bumuo ng grupong pang -musika. Sinulat ni Way ang kantang "Skylines and Turnstiles" para maipahayag niya ang kanyang nararamdaman ukol sa paglusob noong 11 Setyembre. Tinawag si Ray Toro at pinakausapan siya na sumali sa grupo dahil sa hindi kaya ni Gerard na ipagsabay ang pagkanta at pag-gigitara.[3] Ang mga unang pagtatala ay isinagawa sa itaas ng kisame ni Pelissier, kung saan ang mga awit na "Our Lady Of Sorrows" (tinawag ding "Bring More Knives") at "Cubicles" ay itinala. Ibinulgar ni Frank Iero na natapos na ng grupo ang mga lirika ng "Best Day Ever" bago sila dumating sa istudyo. Tinatawag ng iyon ng banda bilang "The Attic Demos". Nasiyahan si Mikey Way, nakababatang kapatid ni Gerard, sa mga pagpapakita ng kakayahan ng grupo kaya sumali siya sa grupo pagkatapos niyang umalis sa pagaaral.
Pumirma ang My Chemical Romance sa Eyeball Records. Nakilala ng grupo si Frank Iero, ang "lead vocalist" at gitarista ng Pency Prep. Pagkatapos maghiwalay ang Pency Prep, sumali si Frank Iero sa grupo, ilang araw bago itinala ang kanilang pagpapakilalang album na I Brought You My Bullets, You Brought Me Your Love. Ipinalabas ang kanilang unang album noong 2002 ng Eyeball Records. Nagpalista ang grupo sa isang kilalang pook na nakakasaklaw, "Big Daddy's", kung saan sila nakatanggap ng pansin.[4][5]
Unang Kasikatan (2003-2006)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong taong 2003, pumirma ang My Chemical Romance sa Reprise Records. Sinimulan ng grupo ang kanilang ikalawang album na Three Cheers For Sweet Revenge. Inilabas noong 2004, naging Platinum ang album sa loob ng isang taon. Naglabas ng apat na singles ang banda mula sa album, Thank You For The Venom, I'm Not Okay (I Promise), Helena, at The Ghost Of You. Sa Taong 2004, tumiwalag si Matt Pelissier sa grupo habang sila ay nasa bansang Hapon. Pumalit agad si Bob Bryar.
Noong 21 Marso 2006, naglabas ang grupo ng 2 DVD/ 1 CD na pinamagatang, Life On The Murder Scene. Isa sa mga nilalaman nito ay isang DVD ukol sa kasaysayan ng grupo. Yung isa pang DVD ay naglalaman ng mga Music Video, video ukol sa paggawa ng mga Music Video, at iilang Live Performance na tinala.
Natapos na ng grupo ang kanilang mga Music Video ng mga singles na Welcome To The Black Parade at Famous Last Words na mula sa kanilang bagong album na The Black Parade. Habang ginagawa ang Music Video ng Famous Last Words, ang mga kasapi ng grupo na sina Gerard Way at Bob Bryar ay nasugatan.
The Black Parade (2006-2007)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sumikat pa lalo ang grupo matapos ilabas nila ang ikatlong album nila na, The Black Parade. Naglabas sila ng apat na single na nagmula sa album.
Ang hinaharap (2007-kasalakuyan)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa isang kasalakuyang panayam ng NME kay Gerard Way, sinabi ng magasin na ang susunod na album ng grupo ay "pagbabalik sa Punk Rock."[6]
Inilabas na ng grupo ang kanilang pangalawang DVD/ 1 CD na pinamagatang The Black Parade Is Dead! noong 1 Hulyo 2008 sa Estados Unidos. Ito ay naglalaman ng pagtatala mula sa dalawang konsiyerto; ang huling Black Parade na konsiyerto at isang maliit na palabas sa Maxwell's sa New Jersey.
Pamamaraan ng musika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kanilang pamamaraan ng musika ay inilalarawan ng media bilang "Pop punk"[7], "alternative rock", "post-hardcore", "emo"[8][9][10][11][12] at "punk revival". Inilalarawan ng grupo ang kanilang musika bilang "Rock" o "marahas, at delikadong Pop" sa kanilang websayt.[13] Hindi rin nila tinanggap ang paglalarawan na "Emo" sila.[14]
Sinabi ni Gerard Way sa isang panayam na hindi sila emo. Sinabi rin niya na ang emo ay "pile of s***" ("bunton ng t**" sa wikang Filipino).[15]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "My Chem and Biffy join Muse". Kerrang!. 2007-05-17. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-02-22. Nakuha noong 2008-01-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "My Chemical Romance - The Black Parade Is Dead!". Reprise Records. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-31. Nakuha noong 2008-06-02.
{{cite news}}
: Cite has empty unknown parameter:|coauthors=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2008-05-31 sa Wayback Machine. - ↑ Simon, Leslie (2004). "Art Imitates Life – My Chemical Romance". Alternative Press Magazine. Alternative Press. Inarkibo mula sa orihinal (html) noong 2006-11-28. Nakuha noong 2006-12-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2006-11-28 sa Wayback Machine. - ↑ http://www.drinkfreebeer.com citing http://www.americasbestvenues.com Naka-arkibo 2021-11-26 sa Wayback Machine.
- ↑ "Untitled Document". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-06-18. Nakuha noong 2008-07-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ My Chemical Romance Promise 'Punk Rock' Album | News @ Ultimate-Guitar.Com
- ↑ "My Chemical Romance". AllMusic.
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-05-03. Nakuha noong 2008-07-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2009-05-03 sa Wayback Machine. - ↑ http://www.allmusic.com/artist/my-chemical-romance-p533805
- ↑ http://www.shoutmouth.com/ several writings relate MCR to emo music, available through the website's search engine or by browisng page by page.
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2005-03-03. Nakuha noong 2008-07-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-04-30. Nakuha noong 2008-07-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Official Website". Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-08-16. Nakuha noong 2008-07-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2006-08-16 sa Wayback Machine. - ↑ ""I don't think Emo ever fit us ... even in the beginning ... maybe geographically but at that time, when we would play VFW halls...we were always odd man out"". music.aol.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-03-12. Nakuha noong 2008-07-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2007-03-12 sa Wayback Machine. - ↑ "My Chemical Romance Talks to The 'Campus". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-06-17. Nakuha noong 2008-07-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2008-06-17 sa Wayback Machine.