Moon Embracing the Sun
Ang Moon Embracing The Sun (Koreano: 해를 품은 달; RR: Haereul Pum-eun Dal, kilala din bilang The Sun and the Moon) ay isang seryeng drama sa telebisyon sa Timog Korea ng 2012. Pinagbibidahan ito nina Kim Soo-hyun, Han Ga-in, Jung Il-woo at Kim Min-seo. Umerer ito sa MBC mula Enero 4 hanggang Marso 15, 2012, tuwing Miyerkules at Huwebes sa oras na 21:55 sa 20 episodyo. Sa Pilipinas, pinalabas ito sa GMA Network.
Isa itong makasaysayang pantasyang drama na adaptasyon mula sa nobela na may parehong pangalan na sinulat ni Jung Eun-gwol. Kinukuwento nito ang isang lihim, matinding istorya ng pag-ibig sa pagitan ng isang kathang-isip na hari ng Dinastiyang Joseon at isang babaeng shaman sa likod ng isang tradisyunal na palasyong Koreano; at ang mga hidwaan at pagsasabwatan ng nagpapaligsahang kapangyarihang pampolitika.
Naabot ng drama ang pinakamataas na marka o rating na 42.2%. Nanalo ito ng Pinakamahusay na Drama at Pinakamahusay na Aktor sa telebisyon na kategorya sa ika-48 Baeksang Arts Awards, at maraming mga parangal sa MBC Drama Awards ng 2012, kabilang ang Drama ng Taon.
Mga gumanap
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Kim Soo-hyun[1] bilang Kinoronang Prinsipe / Haring Lee Hwon (李暄) / Haring Taejong
- Yeo Jin-goo bilang ang 15-taong-gulang na Lee Hwon
- Han Ga-in[2] bilang Heo Yeon-woo (許煙雨) / Shaman Wol (月)
- Kim Yoo-jung bilang ang 13-taong-gulang na Heo Yeon-woo
- Jung Il-woo[3] as Prince Yang-myung (陽明)
- Lee Tae-ri bilang batang Yang-myung
- Kim Min-seo bilang Yoon Bo-kyung(尹寶鏡)
- Kim So-hyun bilang batang Yoon Bo-kyung
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Lee, Jin-ho (Nobyembre 11, 2011). "Kim Soo Hyun Cast in The Sun and the Moon". enewsWorld (sa wikang Ingles). CJ E&M. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 2, 2015. Nakuha noong Disyembre 14, 2012.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lee, In-kyung (Disyembre 14, 2011). "Han Ga In Shows Off Her Elegant Beauty". enewsWorld (sa wikang Ingles). CJ E&M. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 28, 2013. Nakuha noong Disyembre 14, 2012.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo Enero 28, 2013, at Archive.is - ↑ Sunwoo, Carla (Disyembre 26, 2011). "Jung Il-woo to appear in MBC drama". Korea JoongAng Daily (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 11, 2013. Nakuha noong Oktubre 24, 2012.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)