Pumunta sa nilalaman

Mirin

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang mangkok ng mirin

Ang mirin (味醂 o みりん) [miɾiɴ] ay isang mahalagang rekado na ginagamit sa lutuing Hapon. Isa itong uri ng alak-bigas tulad ng sake, ngunit mas mababa ang nilalamang alkohol nito at mas mataas naman ang nilalamang asukal.[1] Ang nilalamang asukal ay isang masalimuot na karbohidrato na natural na bumubuo sa proseso ng pagbuburo; walang idinagdag na asukal. Pinapababa pa ang nilalamang alkohol pagka't iniinitan ito.

May tatlong karaniwang uri ng mirin. Ang una ay hon mirin (literal: totoong mirin),[2] na naglalaman ng halos 14% alkohol at nagagawa sa pamamagitan ng proseso ng pagliligis (sakaripikasyon) na maaaring tumagal nang 40- hanggang 60-araw.[3][4] Ang pangalawa ay ang shio mirin, na naglalaman ng alkohol na kasingbaba ng 1.5% upang maiwasan ang buwis-alkohol.[5] Ang pangatlo ay ang shin mirin (literal: bagong mirin),[6] o mirin-fu chomiryo (literal: malamirin ng panimpla),[7] na naglalaman ng mas mababa sa 1% alkohol, ngunit nananatili pa rin ang parehong lasa.

Noong panahong Edo, ininom ang mirin bilang amazake.[8] Maaaring ibuo ang O-toso, tradisyonal na iniinom sa Shōgatsu, sa pamamagitan ng pagbabad ng halo ng mga pampaanghang sa mirin.[9]

Sa estilo ng pagluluto ng Kansai, mabilisang pinapakulo ang mirin bago gamitin, upang pahintulutang sumingaw nang kaunti ang alkohol, habang sa estilo ng rehiyong Kantō, ginagamit ang mirin na hindi pinapasingaw. Ang pinakuluang mirin na estilong Kansai ay tinatawag na nikiri mirin (煮切り味醂 ) (literal: kulong-kulo na mirin). [10]

Isang bote ng komersyal na ginawang miring Hapones

Ginagamit ang mirin upang magdagdag ng kaunting liwanag sa inihaw na isda o tanggalin ang amoy-isda. Madalas na ginagamit ang patak nito sa halip ng asukal at toyo. Gayunpaman, hindi ito dapat gamitin nang labis, dahil medyo malakas ang lasa nito. Minsan pinagsasama ito sa sushi. Ginamit ang mirin sa sarsang teriyaki.[7]

Itinalaga ang Nobyembre 30 bilang araw ng hon-mirin ng industriya ng mirin, dahil sa palatinigang Hapon, magkatunog ang petsa sa '11' (いい, mabuti) at '30' (みりん , mirin).[4]


Ginagamit din ang mirin upang makagawa ng iba pang mga sarsa:

  • Sarsang kabayaki (sarang igat): mirin, toyo, igat o mga buto ng isda
  • Sarsang nikiri mirin : toyo, dashi, mirin, sake, sa tagway ng 10:2:1:1
  • Sushi su (binagretang kaning sushi): suka ng alak-bigas, asukal, sarsang nikiri mirin

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Shimbo, Hiroko; Shimbo Beitchman (2000). The Japanese Kitchen: 250 Recipes in a Traditional Spirit. Ming Tsai. Harvard Common Press. p. 75. ISBN 978-1-55832-177-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Yamaguchi, Roy; Joan Namkoong; Maren Caruso (2003). Hawaii Cooks: Flavors from Roy's Pacific Rim Kitchen. Ten Speed Press. p. 19. ISBN 978-1-58008-454-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 本みりんの知識 (sa wikang Hapones). honmirin.org. Nakuha noong 10 Agosto 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 11月30日 は 「本みりんの日」 (sa wikang Hapones). Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Septiyembre 2013. Nakuha noong 10 August 2013. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  5. "Diversified uses of Mirin". Taiwan News. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-12-21. Nakuha noong 2009-01-07.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Telford, Anthony (2003). The Kitchen Hand: A Miscellany of Kitchen Wisdom. Allen & Unwin. p. 153.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 Shimbo, Hiroko; Shimbo Beitchman (2000). The Japanese Kitchen: 250 Recipes in a Traditional Spirit. Ming Tsai. Harvard Common Press. p. 77. ISBN 978-1-55832-177-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Chiba, Machiko, J. K. Whelehan, Tae Hamamura, Elizabeth Floyd (2005). Japanese Dishes for Wine Lovers. Kodansha International. p. 12. ISBN 978-4-7700-3003-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  9. Gauntner, John (2001-12-31). "An o-tososan a year keeps the doc away". The Japan Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-07-23. Nakuha noong 2009-01-07.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Tsuji, Shizuo; Mary Sutherland; Ruth Reichl; Yoshiki Tsuji (2007). Japanese Cooking: A Simple Art. Kodansha International. p. 219. ISBN 978-4-7700-3049-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)