Michelle Branch
Nangangailangan ang artikulo o seksiyon na ito ng pagwawasto sa balarila, estilo, pagkakaisa, tono o baybay. (Agosto 2009) |
Michelle Branch | |
---|---|
Kabatiran | |
Pangalan noong ipinanganak | Michelle Jacquet DeSevren Branch |
Kapanganakan | 2 Hulyo 1983 |
Pinagmulan | Sedona, Arizona, Estados Unidos |
Genre | Alternative, pop rock, acoustic, country |
Trabaho | mang-aawit-manunulat ng kanta, musikero, tagapalabas, aktres, TV host |
Instrumento | bokalista, gitara pang-acoustic, gitara, keyboards, percussions, piyano, accordion, tselo, silindro, bandolin |
Taong aktibo | 2000–kasalukuyan |
Label | Maverick, Warner Bros. Nashville |
Website | MichelleBranch.com |
Si Michelle Jacquet DeSevren Branch (ipinanganak 2 Hulyo 1983) ay isang Amerikanang mang-aawit, manunulat ng mga awitin at gitarista.
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak siya 7 linggong premature sa Phoenix, Arizona at ipinangalan sa awitin ng The Beatles na "Michelle". May lahing Irish ang kanyang tatay at may lahing Olandes, Indonesian (Javanese), at Pranses naman ang kanyang ina. Nagresulta sa isang anyong Eurasian si Michelle dahil sa mga pinanggalingang etniko ng kanyang mga magulang. Mayroon siyang nakakatandang kalahating kapatid, si David, at isang nakakabatang kapatid, si Nicole. Nag-hayskul siya sa Red Rock High School na nasa Sedona.
Nagsimula magsulat ng mga awitin si Branch noong kabataan pa niya at nagkaroon ng gitara noong ika-14 na kaarawan niya, at sa bandang huli, kumuha ng mga klase para sa pagpapabuti ng boses. Noong nasa hayskul siya, binigyan ng pansin ang sining, pinipili ang mga klase na mapupunan at mapabuti ang kanyang pagiging malikhain. Labis nagsusulat si Branch sa buong panahon niya sa hayskul — sa katunayan, inaangkin niya na sinulat ang Sweet Misery sa panahon ng klase sa aldyibra. Hindi siya nakatapos ng hayskul, pinili sa halip na sundin ang mga pangarap at maging isang mang-aawit at manunulat ng mga awitin. Nagpatugtog siya sa mga club sa ilang mga taon at inilabas ang album na Broken Bracelet sa isang malayang record label.
Nakalagda siya sa kompanyang rekord ni Madonna na Maverick habang nagbigay ng pambungad na awit para sa Hanson, lumagda sa kasunduan noong Disyembre 2000. Napakinggan sa mga radyo noong 2001 ang kanyang unang sikat na awitin, ang "Everywhere", at nasundan ito ng isa pang sikat na awitin, ang "All You Wanted", parehong galing sa album niya na The Spirit Room na naipalabas noong 14 Agosto 2001. Noong 2002, lumabas siya bilang punong bokalista sa awitin ni Carlos Santana na "The Game of Love" (hindi dapat ipagkamali sa awitin ng The Mindbenders na kaparehong pangalan). Nanalo ang awitin sa Grammy Award para sa best pop collaboration. Noong 2003, inilabas ang kanyang ikalawang album na Hotel Paper. Napunta sa top 20 ang unang single na "Are You Happy Now" sa Billboard single chart.
Nakamit niya pagbunyi kasama ng ibang mang-aawit katulad nina Avril Lavigne at Vanessa Carlton bilang isang batang babae na gumaganap sa musikang pop na hindi bubblegum, o inilalahad sa publiko batay sa imaheng seksi sa halip na integridad sa musika. Gayon man, nagkaroon ng alinlangan ang kanyang imahen dahil sa kanyang mga seksing kuha sa mga magasin na Maxim at Blender, sa isang anyong na nagpapaalala sa mga katulad din mga pop star na sina Britney Spears at Christina Aguilera.
Kilala si Branch sa pagsulat o may katulong sa pagsulat sa mga awitin sa kanyang mga album. Pinuri siya ng mga kritiko sa kanyang mga maalalahaning mga liriko at mapagbigay pansin na mga tipa ng gitara. Kabilang sa mga impluwensiya niya sa musika ang The Beatles, ang Led Zeppelin, ang Queen, ang Aerosmith, si Cat Stevens at si Joni Mitchell. Nagpapatugtog siya ng ilang mga instrumento, kabilang ang cello, ang gitara, ang accordion, ang mandolin, ang mga drum at ang piyano.
Noong Hulyo, 2005, nagsama sa isang bagong proyekto si Branch at ang back-up singer at matagal na niyang kaibigan na si Jessica Harp. Binuo nila ang isang bandang unang kinilala sa pangalang "The Cass Country Homewreckers", pero dahil sa haba, naging "The Wreckers" na lamang. Sa kanilang album, ipinagsama ni Branch at ni Harp ang magkaibang istilo nila sa musika, pop rock at country. Dapat lalabas ng Hunyo 2005 yung album ng banda, kaso napatagal dahil sa pagbubuntis ng Branch. Lumabas ang unang single ng banda na "Leave the Pieces" noong Pebrero 2006. Sumunod na yung album na "Stand Still, Look Pretty" noong Mayo 2006.
Nagpakita si Branch bilang isang panauhin sa mga palabas pantelebisyon kabilang ang Buffy The Vampire Slayer, Charmed at American Dreams.
Noong 23 Mayo 2004, pinakasalan niya sa Mehiko ang basistang si Teddy Landau na kasama niya sa tour band at 19 na taong gulang na mas matanda sa kanya. Ipinanganak niya ang isang sanggol na babae na pinangalang Owen Isabelle noong 3 Agosto 2005.
Noong 2007, binenta ni Branch ang tirahan nya sa Southern California para lumipat sa Nashville ng Enero 2008[1].
Bandang Oktubre ng taong 2007, itinala ni Branch sa kanyang porum na nag-umpisa na siya sa paggawa ng isang bagong album[2]. Ngunit, sa sumunod na taon pa opisyal na lumabas ang mga balita tungkol dito[3]. Tinawag na "Everything Comes And Goes" ang album. Ipinahayag ni Branch na may kinalaman ang tema ng pamagat sa natapos na samahan nina Branch at Harp sa bandang "The Wreckers". Sinabi rin ni Branch na nanatili sa country ang kaurian ng kanyang bagong album. Hindi pa sigurado kung kailan lalabas ang album na ito dahil sa mga pagbabagong nangayayari sa Warner Bros. Records[4].
Mula sa "Everything Comes And Goes", ang kantang "This Way" ang unang ibinahagi ni Branch sa kanyang mga taga-hanga. Para sa mga sumusubaybay sa kanyang website, ipinamigay niya ang libreng mp3 ng kantang ito noong Pebrero 2009. Pero hindi ito ang opisyal na pangunahing single ng album.
Hunyo ng 2009, itinala ni Branch sa kanyang porum na ang kantang "Sooner or Later" ang ituturing na pangunahing single ng album. 28 Hulyo 2009 lumabas ang kanta sa iTunes Store (US).
Diskograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga album
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Broken Bracelet (2000)
- The Spirit Room (2001)
- Hotel Paper (2003)
- Everything Comes And Goes
Mga single
[baguhin | baguhin ang wikitext]mula sa The Spirit Room:
- 2001 "Everywhere"
- 2002 "All You Wanted"
- 2002 "Goodbye To You"
Nagpakita bilang panauhin sa album ni Santana na Shaman:
- 2002 "The Game Of Love" (Santana kasama si Michelle Branch)
Mula sa Hotel Paper:
- 2003 "Are You Happy Now?"
- 2003 "Breathe"
- 2004 "'Til I Get Over You"
Nagpakita bilang panauhin sa album ni Santana na All That I Am:
- 2005 "I'm Feeling You" (Santana kasama si Michelle Branch at ang kabandang si Jessica Harp ng The Wreckers)
Mula sa Everything Comes And Goes:
- 2009 "This Way"
- 2009 "Sooner or Later"
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Singer, songwriter and guitarist Michelle Branch sells her five-bedroom, 5,296-piye-kuwadrado (492.0 m2) house in Calabasas, CA for $2.94M; now lives in Nashville, TN". Big Time Listings. 2007-11-07. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-01-08. Nakuha noong 2008-02-05.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-06-26. Nakuha noong 2009-08-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.reuters.com/article/musicNews/idUSN1740038520080618
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-10-26. Nakuha noong 2009-10-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)