Pumunta sa nilalaman

Mga pangalan ng Alemanya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Dahil sa kinalagyan ng bansang Alemanya sa gitna ng Europa at ang mahabang kasaysayan nito bilang magkakahiwalay na mga bayan at tribu, may sari-saring mga pangalan ng Alemanya sa iba't ibang mga wika, malamang ang bansang Europeong may pinakamaraming kaibahan. Sa Aleman mismo, ang bansa ay tinatawag na Deustchland (sa pagsasalin, "lupain ng mga Deutsch").

Ang mga pangalan ng Alemanya ay mahahati sa anim na pangkat (tignan sa ibaba).

Diutisc o Theodiscus

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang katagang diutisc ay mula sa sinaunang wikang Lumang Alta-Aleman na nangangahulugang "ng mga tao." Ito ay isina-Latin bilang theodiscus.[1] Mga halimbawa:

  • Aleman: Deutschland
  • Olandes: Duitsland
  • Hapones: Doitsu
  • Italiano: tedesco (pang-uri, "Aleman")
  • Sweko: Tyskland

Simulang ginamit nina Julio Cesar at Tacito noong Panahon ng Romano ang katagang Germania mula sa sinaunang Pranses na pangalan para sa mga tribung naninirahan sa mga lambak ng Ilog Rin, at malamang ay nangangahulugang "karatig."[2] Isa pa, sa wikang Latin ang katagang germinus ay nangangahulugang "binhi" o "usbong."[3][4][5] Mga halimbawa:

  • Ingles: Germany
  • Italyano: Germania
  • Indones: Jerman

Ang Alamanni ay isang Hermanikong tribu, o alyado ng mga tribu, noong kapanahunan ni Emperador Caracalla.[6] Mga halimbawa:

  • Kastila: Alemania
  • Portuges: Alemanha
  • Pranses: Allemagne
  • Tagalog: Alemanya
  • Turko: Almanya

May mga wikang matatagpuan sa dako ng Dagat Baltiko na nakaugalian nang tawagin ang Alemanya mula sa pangalan ng estado ng Sahonya (Saxony sa Ingles). Mga halimbawa:

  • Estonyo: Saksamaa
  • Pinlandes: Saksa

Karamihan sa mga wikang Eslabo (Slavic) ay ginagamit ang Sinaunang Eslabong katagang němьcь ("dayuhan").[7] Isa pang malamang na pinanggalingan ay ang tribung Nemeti o Nemetes,[8] isa sa mga naninirahan sa paligid ng Rin. Mga halimbawa:

  • Byeloruso: Nyamyecchyna
  • Eslobako: Nemecko
  • Polako: Niemcy
  • Ukranyano: Nimecchyna

Ang tawag sa Alemanya ng mga sumusunod na wika ay malamang galing sa katagang Aleman na Volk ("tao"):

  • Leton: Vacija
  • Litwano: Vokietija

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Cornelis Dekker, The Origins of Old Germanic Studies in the Low Countries.
  2. Schulze, Hagen. Germany: A New History. Cambridge, MA: Harvard University Press.
  3. germ (n.). mid-15c., "bud, sprout;" 1640s, "rudiment of a new organism in an existing one," from M.Fr. germe "germ (of egg); bud, seed, fruit; offering," from L. germen (gen. germinis) "sprout, bud," perhaps from PIE base *gen- "to beget, bear" (see genus). The older sense is preserved in wheat germ and germ of an idea; sense of "seed of a disease" first recorded 1803; that of "harmful microorganism" dates from 1871. Germ warfare recorded from 1920.
  4. pinangganlingan ng germ sa Ingles ("mikrobyo")
  5. pinanggalingan, sa halimbawa, ng hermano sa Kastila at irmão sa Portuges ("kapatid")
  6. Johann Jacob Hofmann, Lexicon Universale, Leiden 1698, "Alamannicus".
  7. http://etymolog.ruslang.ru/vasmer.php?id=62&vol=3
  8. http://books.google.ca/books?id=3QIaAAAAIAAJ&q=nemeti+etymology&dq=nemeti+etymology&ei=JxttSZPaOIjWNsy5sMwJ&pgis=1



Alemanya Ang lathalaing ito na tungkol sa Alemanya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.