Pumunta sa nilalaman

Lillian Moller Gilbreth

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lillian Moller Gilbreth
Kapanganakan25 Mayo 1878[1]
  • (Alameda, California, Pacific States Region)
Kamatayan2 Enero 1972[1]
MamamayanEstados Unidos ng Amerika
NagtaposUniversity of California, Berkeley
Pamantasang Brown
Trabahosikologo, guro, potograpo, manunulat, negosyante, imbentor, inhenyero

Si Lillian Evelyn Moller Gilbreth (Mayo 24, 1878 - Enero 2, 1972) ay isang Amerikanong sikolohista at inhinyerong pang-industriya. Isa sa mga unang babaeng inhinyerong nagkamit ng PhD, siya ang tinaguriang kauna-unahang tunay na sikolohistang pang-industriya o pang-organisasyon. Siya at ang kanyang asawa na si Frank Bunker Gilbreth, Sr. ay mga eksperto sa kahusayan na nag-ambag sa pag-aaral ng pag-iinhinyerong pang-industriya sa iba’t ibang larangan tulad ng motion study at human factors. Isinalaysay ang buhay ng kanilang pamilya kasama ang kanilang labin-dalawang anak sa mga librong Cheaper by the Dozen at Belles on Their Toes (isinulat ng kanilang mga anak na sina Ernestine at Frank, Jr.) at inilarawan kung paano nila inilapat ang kanilang interes sa time and motion study sa organisasyon at pang-araw-araw na gawain ng isang malaking pamilya.

Si Gilbreth ay ipinanganak sa Oakland, California noong ika-24 ng Mayo, 1978. Siya ang pangalawa sa labing-isang anak ni William Moller, isang mangangalakal, at ni Annie Delger. Parehong Aleman ang kanyang mga magulang. Pinag-aral lamang siya sa kanilang bahay hanggang sa siya ay naging siyam na taong gulang, kung kailan nagsimula ang kanyang pormal na pag-aaral sa isang pampublikong paaralan, kung saan kinailangan niyang magsimula sa unang baitang (bagama’t siya ay mabilis na itinaas sa mga baitang). Siya ay dumalo sa Oakland High School, kung saan siya ay nahalal bilang bise presidente ng kanyang klase; siya ay nagtapos ng may ulirang grado noong Mayo 1896..[2]

Si Gilbreth ay nagsimula ng kolehiyo sa Unibersidad ng California, Berkeley, namamasahe mula sa bahay ng kanyang mga magulang sa Oakland. Nagtapos siya mula sa Unibersidad ng California noong 1900 nang may batsilyer sa Literaturang Ingles at ang unang babaeng nagtalumpati sa unibersidad. Una niyang tinuloy ang kanyang masteral sa Unibersidad ng Columbia, kung saan siya ay nailantad sa paksa ng sikologo sa mga kursong nasa ilalim ni Edward Thorndike. Gayunman, siya ay nagkasakit at bumalik sa kanilang tahanan at tinapos ang kanyang masteral sa literatura sa Unibersidad ng California noong 1902. Ang kanyang tesis ay tungkol sa dula ni Jonson na Bartholomew Fair.

[3]

  1. 1.0 1.1 1.2 https://ethw.org/Lillian_Moller_Gilbreth.
  2. Lancaster 2004, p. 41.
  3. Lancaster 2004, p. 57.
[baguhin | baguhin ang wikitext]