La Défense
Ang distrito ng La Défense (tinatayang bigkas: la-DI-fongs;[1] Pranses ng "Ang Pagtatanggol") ay isang pangunahing distritong pangkalakalan sa mataong bahagi ng kalakhang Paris, na may populasyong 20,000.[2] Ito ang pinakakanluraning bahagi ng 10 km-kahaba na tinatawag na Makasaysayang Aksis[3] ng Paris, na nagsisimula sa museo ng Louvre at dumadaan sa Arc de Triomphe sa pamamagitan ng abenida ng Champs-Élysées bago nagtatapos sa La Défense.
Kabilang sa mga gusali rito ay ang bantog na Grande Arche de la Fraternité, o mas kilala bilang Arko ng La Défense.
Edukasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pinagsasama ng Paris La Défense ang kumpol Pôle universitaire Léonard-de-Vinci at 5 mga paaralan ng negosyo: EDC Paris Business School, ESSEC Business School, ICN Business School, IÉSEG School of Management at SKEMA Business School[4]. Ito rin ay tahanan ng European School of Paris-La Défense, isang pang-internasyonal na pangunahin at sekundaryong paaralan na kinikilala bilang isang European School noong 2020.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ http://translate.google.com/#en%7Cfr%7CThe%20Defense
- ↑ Fallon, Steve; Annabel Hart (2006). Paris. Footscray, Victoria: Lonely Planet. p. 155.
- ↑ http://www.frenchmoments.com/Paris_Louvre_Tuileries_files/Paris%20Historical%20Axis%20by%20French%20Moments.jpg[patay na link]
- ↑ "ÉTUDIER" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2023-01-18. Nakuha noong 2020-08-09.
Mga Kawing Panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pransiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.