Pumunta sa nilalaman

Inhinyeriyang pangtransportasyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang inhinyeriyang pangtransportasyon (Ingles: transportation engineering) ay isang sangay ng inhinyeriyang sibil na naghahawak ng pagpapaunlad ng transportasyon ng bansa sa pamamagitan ng pagpaplano, operasyon at pagmaintenance para sa ikakabuti ng mga nakikinabang dito. Maraming aspeto ang Transportation Engineering lalong lalo na sa urbanidad.

Ang pagpaplano ng transportasyon ay nangangailangan ng mahaba at masusing pag-aaral para maganda ang makuhang modelo na gagamitin pang forecast ng future traffic data at makatulong sa pagbuo ng desisyon na tutugon dito. Ang pag-aaral na ito ay ginagawa gamit ang tinatawag na Origin-Destination Matrix (O-D Matrix), isang paraan para mabilang ang dami ng tao na nanggagaling sa isang lugar at pumupunta s isang lugar. Kadalasan mga 5 samples ng Public Utility vehicle na specific na route na iyon ay sasakyan ng mga surveyor at bibilangan. Ang pag expand ng data na ito ay kinukuha sa pagsurvey mula sa isang stop ng isang oras at bibilangan ang dami ng bus at pasaherong laman nito na ganun din and route na dumadaan. Oras na makolekta ang kailangan na data, ay bubuoin ang database na paglalagyan ng O-D Matrix at gagawan ng modelo gamit ng mga regression o mga analysis depende sa nakuhang data. Ang modelong ito ay magsisilbing pangtulong sa pagforecast ng traffic growth sa hinaharap.

Ang operasyon at pagmaintenance naman ay pagkonstrukto ng mga kailangan na pacilidad ng transportasyon ayon sa lumalaking pangangailangan ng urbanidad na iyon. Mga pacilidad na ito ay maaring lupa tulad ng sa kalsada, airport para sa sasakyang panghimpapawid at mga seaport para sa sasakyang pangdagat. Kadalasan, ang mga data na nakukuha mula sa pag-aaral ng mga pagpaplano ay dito napupunta dahil kailangan alamin ang laki ng pacilidad na kakailanganin para maserbisyuhan ang pangangailangan tulad ng laki ng airport at haba ng kanyang runway. Kasama sa pagdesign ng mga pacilidad na ito ang pagkontrol sa bilis ng sasakyan, dami ng dumadaan at maayos na paggalaw o paggamit ng traffic control signals. Dinedesign din ang kalsada ayon sa elevation profile niya para sa line of sight ng mga driber para maiiwasan ang mga aksidente.


Inhinyeriya Ang lathalaing ito na tungkol sa Inhenyeriya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.