Pumunta sa nilalaman

Gawad Ramon Magsaysay

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Gawad Ramon Magsaysay

Ang Gawad Ramon Magsaysay ay itinatag noong Abril 1957 ng mga katiwala ng Pondo ng Magkakapatid na Rockefeller (RBF) na nakahimpil sa Lungsod ng Bagong York. Sa pagsang-ayon ng pamahalaan ng Pilipinas, nilikha ang parangal bilang paggunita kay Ramon Magsaysay, ang ikapitong pangulo ng Pilipinas, at upang magpamalag ang kanyang halimbawa ng katapatang-asal sa pamahalaan, magiting na paglilingko sa mga tao, at pragmatikong ideyalismo sa isang lipunang pangdemokrasya. Ang Gawad Ramon Magsaysay ay palaging itinuturing Gantimpalang Nobel ng Asya.[1][2][3]

Bawat taon ang Pundasyon ng Gawad Ramon Magsaysay ay namimigay ng mga parangal sa mga Asyanong indibidwal at organisasyon ukol sa pagkakamit ng kahusayan sa kani-kanilang mga larangan. Ang mga gawad ay ibinibigay sa anim na kategorya:

  • Paglilingkod sa diskubre siyensiya o inobasyon
  • Paglilingkod sa Publiko katahimikan
  • Pamayanan diskubre teknolohiya
  • Pamamahayag, Panitikan at Malikhaing Sining ng Komunikasyon
  • Kapayapaan at Sabansaang Pang-unawa
  • Pamumuno para sa Bayan medisina

Noong Mayo 1957, ang mga pitong kilalang Pilipino ay itinalaga sa lupon ng pagkatatag ng mga katiwala ng Pundasyon ng Gawad Ramon Magsaysay (RMAF), ang di-kumikitang korporasyon na gumagawa sa pagpapairal sa mga gawad na programa.

Kinikilala at pinaparangal ng RMAF ang mga indibidwal at organisasyon sa Asya sa kabila ng lahi, pananampalataya, kasarian, o kabansaan, na nakapagkamit ng karangalan sa kani-kanilang larangan at nakapagtulong sa iba na walang inaasahang pagpapakilala sa publiko.

Noong 2000 Seremonya ng Pagpapalabas ng Gawad Magsaysay, ipinahayag ng Pundasyon ang paglikha ng ikaanim na Gawad na kategorya, Pamumuno sa Maagap na Pagkilos. Ang bagong Gawad na kategorya ay itinatag na may tulong na ipinagkaloob mula sa Pundasyong Ford. Ang Gawad Ramon Magsaysay para sa Pamumuno sa Maagap na Pagkilos ay pinaparangal ang "mga indibidwal, gulang na apatnapung tao't pababa, gumagawa ng namumukod-tanging gawain sa mga isyu ng pagbabagong panlipunan sa kanilang mga pamayanan." Ang gawad sa kategoryang ito ay ibinigay sa unang pagkakataon noong 2001.

Sa pakikipagtulungan ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, ang Pundasyon ay nagbibigay nang panayan ng serye ng lektura ng mga Nakamit ng Gawad Ramon Magsaysay sa Paaralan ng Pamamahalang Pampubliko ng Pangulong Ramon Magsaysay ng pamantasang din iyon.

Mga nakamit ng gawad

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Clare Arthurs (2000-07-25). "Activists share 'Asian Nobel Prize'". BBC News. Nakuha noong 2008-02-20.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link][patay na link]
  2. "Arvind Kejriwal selected for Magsaysay Award". The Times of India. 2006-07-31. Nakuha noong 2008-02-21.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Ann Bernadette Corvera (2003-10-08). "'03 RAMON MAGSAYSAY AWARDEES: A LEAGUE OF EXTRAORDINARY MEN & WOMEN". Philippine Star. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-10-08. Nakuha noong 2008-02-21.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]