Che Guevara
Ernesto "Che" Guevara | |
---|---|
Che Guevara at the La Coubre memorial service. Taken by Alberto Korda on 5 Marso 1960 | |
Kapanganakan: | 14 Hunyo 1928 [1] |
Lugar ng kapanganakan: | Rosario, Argentina |
Kamatayan: | 9 Oktobre 1967 | (edad 39)
Lugar ng kamatayan: | La Higuera, Bolivia |
Pangunahing organisasyon: | 26th of July Movement, United Party of the Cuban Socialist Revolution [2], National Liberation Army (Bolivia) |
Si Ernesto Guevara (14 Hunyo 1928 – 9 Oktubre 1967), karaniwang kilala bilang Che Guevara o el Che, ay isang manggagamot na ipinanganak sa Argentina, rebolusyonaryong Marksista, politiko, at pinuno ng kilusang gerilya sa Cuba. Bilang isang kabataang nag-aaral ng medisina, mahirap na nilakbay ni Guevara ang buong Latino Amerika, na dahilan upang maharap niya ang katotohanang ng kahirapang nararanasan sa bawat bayan na kanyang madaanan. Sa mga karanasan niyang ito, napaniwala ang sarili na rebolusyon lamang ang tanging paraan upang lunasan ang hindi pagkakapantay-pantay ng ekonomiya ng rehiyon, na nagdala sa kanya ng pag-aaral ng Marksismo at naging kasangkot sa rebolusyong lipunan ng Guatemala sa ilalim ni Pangulong Jacobo Arbenz Guzmán.
Sa kalaunan, naging kasapi si Guevara sa Kilusang ika-26 ng Hulyo (26th of July Movement) ni Fidel Castro na inagaw ang kapangyarihan sa Cuba noong 1959. Pagkatapos magsilbi sa iba't ibang mahahalagang posisyon ng bagong pamahalaan at nagsulat ng mga aklat tungkol sa teoriya at pagsasanay ng pakikibakang gerilya, umalis si Guevara sa Cuba noong 1965 kasama ang hangaring pag-initin muna ang mga rebolusyon sa Congo-Kinshasa (pinangalan sa kalaunan bilang Democratic Republic of the Congo) at sa Bolivia, kung saan nadakip siya ng mga organisadong operasyong militar ng CIA. Namatay si Guevara sa kamay ng Sandatahang Lakas ng Bolivia sa La Higuera malapit sa Vallegrande noong 9 Oktubre 1967. Ang mga lumahok at mga saksi sa huling mga oras ni Guevera ang nagpatunay na kabuuang binitay (summary execution) siya ng mga bumihag sa kanya, marahil upang maiwasan ang pampublikong paglilitis pagkatapos ng pagkakulong sa Bolivia.
Pagkatapos ng kanyang kamatayan, naging simbolo si Guevara ng mga kilusang rebolusyong sosyalismo sa buong daigdig. Nagkamit ng malawak na pamamahagi at pagbabago ang isang litrato ni Guevara (kaliwa) na kuha ni Alberto Korda. Tinawag ng Pamulaan ng Sining sa Maryland (Maryland Institute of Art) ang larawan bilang "ang pinakatanyag na litrato sa buong mundo at isang simbolo ng ika-20 siglo." [1].
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ The date of birth recorded on his birth certificate was 14 Hunyo 1928, although one tertiary source, (Julia Constenla, quoted by Jon Lee Anderson), asserts that he was actually born on Mayo 14 of that year. Constenla alleges that she was told by an unidentified astrologer that his mother, Celia de la Serna, was already pregnant when she and Ernesto Guevara Lynch were married and that the date on the birth certificate of their son was forged to make it appear that he was born a month later than the actual date to avoid scandal. (Anderson 1997, pp. 3, 769.)
- ↑ Partido Unido de la Revolución Socialista de Cuba, aka PURSC