Champs-Élysées
Ang Abenida ng Champs-Élysées (Abenida ng mga Campos Eliseos) o Avenue des Champs-Élysées (tinatayang bigkas: av-NYU-dey-shoms-e-li-ZE;[1] Pranses ng "ng mga Larangang Elisyo") ay isang prestihiyosong daanan sa Paris, Pransiya. Dahil sa makikita ritong mga sinehan, kapihan, tindahang mamahalin at mga ginupitang puno ng kastanyas, ang Avenida ng Champs-Élysées ay isa sa mga pinakasikat na daan sa buong daigdig, at dahil ang taunang upa rito ay umaabot sa €1.1 milyon sa bawat 92.9 metro-kwadradong espasyo, ito ang pangalawang pinakamahal na paupahang pangkalakalan (commercial) sa Europa, naulusan lamang kamakailan ng Bond Street sa Londres. Ang pangalan nito ay Pranses ng mga Larangang Elisyo, ang himlayan ng mga banal na yumao ayon sa mitolohiyang Griyego.
Ang Abenida ng Champs-Élysées ay kilala sa Pransiya bilang pinakamagandang abenida sa daigdig.[2]
Tignan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ http://translate.google.com/#en%7Cfr%7CAvenue%20of%20the%20Elysian%20Fields
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-12-26. Nakuha noong 2011-02-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pransiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.