Pumunta sa nilalaman

Blockchain

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Istruktura ng blockchain ng Bitcoin

Ang blockchain,[1][2][3] orihinal na tinatawag na block chain,[4][5] (lit. kadena ng bloke) ay lumalaking talaan ng mga rekord, na tinatawag na bloke (block), na nakakawing sa pamamagitan ng kriptograpiya.[1][6] Naglalaman ang bawat bloke ng isang cryptographic hash ng naunang bloke,[6] isang tatak-oras (timestamp), at datos ng mga transaksyon (karaniwang kinakatawan bilang punong Merkle).

Sadyang idinisenyo ang blockchain para maging di-matatablan ng pagbabago sa mga datos nito. Ito ay dahil sa sandaling naitala, hindi maibabago nang retroaktibo ang datos sa alinmang bloke nang hindi magbabago ng lahat ng mga sumusunod na bloke. Sa paggamit bilang ipinamamahaging ledyer, karaniwang pinamamahalaan ang isang blockchain ng isang kalambatang kapwa-pakapwa (peer-to-peer network) na sama-samang nagsusunod sa isang protokol para sa internodyong komunikasyon at pagpapatibay sa mga bagong bloke. Kahit nakakapagbago ng mga rekord ng blockchain, ang mga blockchain ay maituturing pa ring panatag sa disenyo (secure by design) at nagpapakitang-halimbawa ng isang ipinamamahaging sistema ng pagkokompyut na may mataas na pagpaparaya sa pagkabigong Bisantino (Byzantine fault tolerance). Nailarawan ang blockchain bilang "isang bukas, ipinamamahaging ledyer na nakakapagtala ng mga transaksyon ng dalawang panig nang episyente at sa isang mapapatunayan at permanenteng paraan".[7]

Naimbento ang blockchain ng isang tao (o pangkat ng mga tao) na gumamit ng pangalang Satoshi Nakamoto noong 2008 upang manilbi bilang pampublikong ledyer ng mga transaksyon ng salaping kripto na bitcoin.[1] Hindi pa alam ang pagkakakilanlan ni Satoshi Nakamoto hanggang ngayon. Dahil sa pag-imbento ng blockchain para sa bitcoin, ito ang naging unang salaping dihital na naglutas sa problema ng dobleng-paggastos (double-spending problem) nang hindi nangangailangan ng pinagkakatiwalaang awtoridad o sentrong serbidor. Nagbigay-inspirasyon ang disenyo ng bitcoin sa mga ibang aplikasyon,[1][3] at malawakang ginagamit ng mga salaping kripto ang mga blockchain na nababasa ng publiko. Itinuturing ang blockchain bilang isang uri ng payment rail.[8] Naimungkahi ang mga pribadong blockchain para sa paggamit sa negosyo. Ayon sa Computerworld, "langis ng ahas" ang tawag sa pagmemerkado ng mga ganoong blockchain na walang maayos na modelo ng seguridad.[9]

Mga transaksyon ng Bitcoin (Enero 2009 – Setyembre 2017)

Unang nagpanukala si David Chaum, isang kriptograpo, ng isang mala-blockchain na protokol sa kanyang disertasyon noong 1982 na "Computer Systems Established, Maintained, and Trusted by Mutually Suspicious Groups" (Mga Sistema ng Kompyuter, Itinatag, Pinapanatili, at Pinagkakatiwalaan ng mga Grupong Kapwa Naghihinala).[10] Lalong inilarawan ang kadena ng mga bloke na pinapanatag ng kriptograpiya noong 1991 ni Stuart Haber at W. Scott Stornetta.[6][11] Gusto nilang magpatupad ng isang sistema kung saan hindi mapakialaman ang mga tatak-oras ng dokumento. Noong 1992, inilakip nina Haber, Stornetta, at Dave Bayer ang mga punong Merkle sa disenyo, na nagpabuti sa episyensiya nito sa pagpapahintulot ng pagkolekta ng mga ilang sertipiko ng dokumento sa isang bloke.[6][12]

Nakonseptuwalisa ang unang blockchain ng isang tao (o pangkat ng mga tao) na kilala bilang si Satoshi Nakamoto noong 2008. Pinahusay ni Nakamoto ang disenyo sa mahalagang paraan sa paggamit ng mala-Hashcash na paraan para itatak-oras ang mga bloke nang hindi kinakailangang magpalagda sa isang pinagkakatiwalaang partido at paglalagay ng parametro ng hirap upang patatagin ang bilis ng pagdagdag ng mga bloke sa kadena.[6] Naitupad ni Nakamoto ang disenyo sa susunod na taon bilang pangunahing sangkap ng salaping kripto na bitcoin, kung saan naninilbi ito bilang pampublikong ledyer para sa lahat ng mga transaksyon sa network.[1]

Noong Agosto 2014, umabot ng 20 GB (gigabytes) ang laki ng talaksan ng bitcoin blockchain, na naglalaman ng mga talaan ng lahat ng transaksyon na naganap sa kalambatan.[13] Noong Enero 2015, umabot ang laki nang halos 30 GB, at mula Enero 2016 hanggang Enero 2017, lumago ang bitcoin blockchain mula 50 GB tungo sa 100 GB sa laki. Lumampas sa 200 GiB ang laki ng ledyer noong simula ng 2020.[14]

Ginamit nang nakahiwalay ang mga salitang block at chain sa orihinal na papel ni Satoshi Nakamoto, ngunit pinasikat ito bilang isang salita, blockchain, sa pagsapit ng 2016.

Ayon sa Accenture, iminumungkahi ng paggamit ng teorya ng pagpapalaganap ng inobasyon (diffusion of innovations theory) na nakamit ng mga blockchain ang 13.5% antas ng pag-adopta sa mga serbisyong pampinansyal noong 2016, kaya umabot na ito sa yugto ng maagang adoptante (early adopters).[15] Nakisali ang mga pangkat ng kalakalan sa industriya sa pagbubuo ng Global Blockchain Forum noong 2016, isang inisyatiba ng Chamber of Digital Commerce.

Noong Mayo 2018, nasumpungan ni Gartner na 1% lang ng mga CIO ang nagpahiwatig ng anumang pag-aadopta ng blockchain sa loob ng kani-kanilang mga organisasyon, at 8% lamang ng mga CIO ang may panandaliang "plano o [nakatingin] sa mga aktibong eksperimento kasama ng blockchain".[16]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 "Blockchains: The great chain of being sure about things" [Mga Blockchain: Ang dakilang kadena ng pagiging sigurado sa mga bagay]. The Economist (sa wikang Ingles). 31 Oktubre 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Hulyo 2016. Nakuha noong 18 Hunyo 2016. Ang teknolohiya sa likod ng bitcoin ay nagpapahintulot sa mga taong hindi magkakilala o hindi nagtitiwala sa isa't isa na magtayo ng maaasahang ledyer. Hindi lamang sa salaping kripto ang mga implikasyon nito. (Isinalin ang sipi mula sa Ingles){{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Morris, David Z. (15 Mayo 2016). "Leaderless, Blockchain-Based Venture Capital Fund Raises $100 Million, And Counting" [Pondo ng Venture Capital na Walang Pinuno at Batay sa Blockchain, Nakalikom ng $100 Milyon at Dumarami pa]. Fortune (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Mayo 2016. Nakuha noong 2016-05-23.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Popper, Nathan (Mayo 21, 2016). "A Venture Fund With Plenty of Virtual Capital, but No Capitalist" [Isang Venture Fund na May Maraming Birtuwal na Puhunan, ngunit Walang Kapitalista]. The New York Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 22, 2016. Nakuha noong 2016-05-23.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Brito, Jerry; Castillo, Andrea (2013). Bitcoin: A Primer for Policymakers [Bitcoin: Isang Panimulang Aklat para sa mga Gumagawa ng Patakaran] (PDF) (Ulat) (sa wikang Ingles). Fairfax, VA: Mercatus Center, George Mason University. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 21 Setyembre 2013. Nakuha noong 22 Oktubre 2013.{{cite report}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Trottier, Leo (18 Hunyo 2016). "original-bitcoin" [orihinal-bitcoin] (self-published code collection) (sa wikang Ingles). github. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Abril 2016. Nakuha noong 18 Hunyo 2016. Ito ay isang makasaysayang imbakan ng orihinal na bitcoin sourcecode ni Satoshi Nakamoto (isinalin ang sipi mula sa Ingles){{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 6.4 Narayanan, Arvind; Bonneau, Joseph; Felten, Edward; Miller, Andrew; Goldfeder, Steven (2016). Bitcoin and cryptocurrency technologies: a comprehensive introduction [Mga teknolohiya ng bitcoin at salaping kripto: isang komprehensibong pagpapakilala] (sa wikang Ingles). Princeton: Princeton University Press. ISBN 978-0-691-17169-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Iansiti, Marco; Lakhani, Karim R. (Enero 2017). "The Truth About Blockchain" [Ang Katotohanan Tungkol sa Blockchain]. Harvard Business Review. Harvard University. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Enero 2017. Nakuha noong 17 Enero 2017. Ang teknolohiyang nasa gitna ng bitcoin at iba pang mga birtuwal na salapi, ang blockchain ay isang bukas, ipinamamahaging ledyer na nakakapagtala ng mga transaksyon ng dalawang panig nang episyente at sa isang mapapatunayan at permanenteng paraan. (Isinalin ang sipi mula sa Ingles){{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Blockchain may finally disrupt payments from Micropayments to credit cards to SWIFT" [Sa wakas maaaring makagambala ang blockchain sa mga pagbabayad mula sa mga Micropayment tungo sa mga credit card tungo sa SWIFT]. dailyfintech.com (sa wikang Ingles). Pebrero 10, 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 27, 2018. Nakuha noong Pebrero 18, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Hampton, Nikolai (Setyembre 5, 2016). "Understanding the blockchain hype: Why much of it is nothing more than snake oil and spin" [Pag-iintindi sa kasikatan ng blockchain: Bakit karamihan nito ay walang iba kundi langis ng ahas at spin]. Computerworld (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 6, 2016. Nakuha noong 2016-09-05.{{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Sherman, Alan T.; Javani, Farid; Zhang, Haibin; Golaszewski, Enis (Enero 2019). "On the Origins and Variations of Blockchain Technologies" [Ukol sa mga Pinagmulan at Baryasyon ng mga Teknolohiya ng Blockchain]. IEEE Security Privacy (sa wikang Ingles). 17 (1): 72–77. arXiv:1810.06130. doi:10.1109/MSEC.2019.2893730. ISSN 1558-4046.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Haber, Stuart; Stornetta, W. Scott (Enero 1991). "How to time-stamp a digital document" [Paano magtatak-oras ng isang dokumentong dihital]. Journal of Cryptology (sa wikang Ingles). 3 (2): 99–111. CiteSeerX 10.1.1.46.8740. doi:10.1007/bf00196791.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Bayer, Dave; Haber, Stuart; Stornetta, W. Scott (Marso 1992). Improving the Efficiency and Reliability of Digital Time-Stamping [Pagpapabuti sa Episyensiya at Pagkamaaasahan ng Dihital na Pagtatatak-oras]. pp. 329–334. CiteSeerX 10.1.1.71.4891. doi:10.1007/978-1-4613-9323-8_24. ISBN 978-1-4613-9325-2. {{cite book}}: |work= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Nian, Lam Pak; Chuen, David LEE Kuo (2015). "A Light Touch of Regulation for Virtual Currencies". Sa Chuen, David LEE Kuo (pat.). Handbook of Digital Currency: Bitcoin, Innovation, Financial Instruments, and Big Data [Hanbuk ng Salaping Dihital: Bitcoin, Inobasyon, Instrumento sa Pananalapi, at Big Data] (sa wikang Ingles). Academic Press. p. 319. ISBN 978-0-12-802351-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Blockchain Size" [Laki ng Blockchain]. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 19, 2020. Nakuha noong Pebrero 25, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "The future of blockchain in 8 charts". Raconteur. 27 Hunyo 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Disyembre 2016. Nakuha noong 3 Disyembre 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Hype Killer - Only 1% of Companies Are Using Blockchain, Gartner Reports | Artificial Lawyer" [Pamapawala ng Hype - 1% Lamang ng Kumpanya Ang Gumagamit ng Blockchain, Iniulat ni Gartner | Artificial Lawyer]. Artificial Lawyer (sa wikang Ingles). Mayo 4, 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 22, 2018. Nakuha noong 2018-05-22.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)